6- Seduce

39.2K 949 20
                                    

Chapter Six


NAPANGITI siya ng makita si Keegan sa garden, nakaupo ito sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa puting garden table at tahimik na umiinom ng tea. Lalapitan sana niya ito kaya lang biglang umatras ang hakbang niya ng makita ang hitsura nito. She looks so serious, ganyan na ganyan ang hitsura nito kapag may malalim itong iniisip. Wala nang mas gaganda pa sa babaeng tahimik na umiinom ng tea at nag-iisip. Only Keegan can pull it off perfectly, she's really beautiful and one of a kind. Bumaling ang mukha nito sa kanya at napangiti, now, that's pure beauty.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong nito sa kanya na may halong pagtataka. He lifted his foot and thanks God it works. Humakbang siya papunta dito. "Akala ko tititigan mo lang ako ng buong maghapon." Biro nito sa kanya.

"Kaya ko ring gawin ang titigan ka ng buong maghapon, just tell me and I can do it for you." Hindi siya umupo sa tabi nito sa halip ay sa ibabaw ng mesa siya umupo upang makaharap niya ito ng walang sagabal.

"May sasabihin ka?"

"Magpapaalam lang ako saglit, pupunta ako sa bayan para kunin ang supplies at mga damit na pinabili ko para sa ating dalawa. Okay lang ba na maiwan ka dito o gusto mong sumama?"

"Dito lang ako matutulog muna ako."

Nakahinga siya ng maayos sa sinabi nito, mas magandang dito lang si Keegan baka may makakilala dito sa bayan.

"May gusto ka bang kainin?"

Napakagat ito ng labi habang nagpipigil ng ngiti, pinigil niya ng husto ang sarili niyang huwag matangay sa pagkagat nito ng labi dahil baka hindi na niya magawang umalis pa at pumunta sa bayan. He would rather love to stay and make his ways through her the same way he did during their first night together, after the wedding.

"Wala akong gustong kainin."

"Are you sure?"

"Well, how about--, ikaw nalang ang bahala." Tumayo ito bitbit ang tasa nito at naglakad papasok ng bahay. Naningkit ang kanyang mga mata ng makita ang buong likuran nito. Suot-suot nito ang malaking shirt niya at ang boxer shorts niya and he knew behind his clothes she wasn't wearing anything.

Mau, don't scare her. Take one step at a time... utos niya sa kanyang sarili.

"One step at a time." She murmured.




"MAU!" Napakamot siya ng ulo ng hindi na niya madatnan si Maurice. Sinilip niya ang sasakyan nito kaya lang wala na ito roon. "Ang bilis naman niya." Gusto sana niyang ipaalala dito na wala siyang mga damit. Baka makalimutan nito, hindi siya komportable na suot ang boxers and shirts lang nito. Naaasiwa siya pakiramdam kasi niya ay yakap-yakap siya nito.

"Hindi naman siguro niya makakalimutan iyon." Usal niya sa kanyang sarili. Lumabas siya ng manor at napasulyap sa buong paligid. She can stay there forever, she can even do her designs here. The place is very sceneric, napapaligiran ng mga puno ang buong manor at kung hindi mo titingalain mula sa malayo ay hindi mo rin malalaman na may nakatirik doon na malaking bahay.

"Pwede itong akyatan." Hinawakan niya ang isang malaking kahoy. She narrowed her eyes at the tree. "Bata ka pa pero ang laki-laki mo na." she doesn't know how did she knew that the tree is still young pero alam niyang tama ang basa niya sa kahoy. May iilang baging na nakaangkla sa puno kaya mabilis siyang nakaakyat doon. She settled on the second branch and positioned herself safely. Nakikita niya ang mga ulo ng puno sa paligid niya at ang magandang parang na may maraming damo at mga bulaklak. One of these days yayayain niya si Mau na magpicnic doon. Tuluyan na siyang napahikab at biglang nakaramdam ng antok.

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now