4- Memories

43.9K 1K 23
                                    

Chapter Four

"Ano iyan?" taking tanong niya habang nakikipanood sa news sa TV. Kanina pa kasi abala ang mga tao sa panonood ng TV sa office. "May sumabog na bomba ba?"

"Mas worse Kee, tingnan mo may bagong disease na nag-spe-spread ngayon."

"Talaga?" kinabahan naman siya sa narinig niya. "Iba na talaga ang panahon ngayon marami ng mga sakit na lumalaganap. Saan daw galing ang sakit?"

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng department of health kung saan galing ang sakit at nahihirapan din silang maghanap ng lunas." Sagot naman ng kausap niya.

"Ano ba ang symptoms? Ilan na ba ang natamaan ng sakit na iyan?"

"Ayon sa balita may dalawang pasyente na nasa quarantine."

"Saan naquarantine?"

"I don't know where hindi sinabi sa news. Bigla nalang kasing nanginig ang mga pasyente at walang tigil sa pagsusuka. Mabilis din na bumabagsak ang immune system nila at sobrang taas ang lagnat. Namumula din ang buong katawan na parang namamantal at kapag nagpatuloy at hindi naagapan pwedeng huminto ang body functions. Iyon ang sinasabi ng doktor sa interview." Tiningnan niya ang doktor na nasa TV. "Gwapo no?"

"Yeah, ano ang name?" gwapo naman talaga ang doktor na nasa TV. "Single pa ba iyan?"

"Iresearch natin sa facebook later. Ang gwapo talaga ng doktor na iyan. Oh yeah, I remembered his name. Doctor Ramses Carillas." Muli niyang tinitigan ang mukha ng doktor dahil parang Nakita na niya ito dati. Linapitan niya ito ng husto hanggang sa--.

"I think that's too much wife."

"Oh... Mau." Gulat na ani niya ng makilala ang humila sa kanya mula sa TV. "What are doing here?" taking tanong niya.

"Bad mood ako ngayon." Tumikhim ang kausap niya kanina at nakangising umexit.

"Why?" she asked innocently.

"I'm here cutting my meeting too early because I missed my wife and from what I saw she was ogling at the TV screen." Nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. "Is that doctor too handsome you can't even resist him?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Teyka lang bakit ba feeling guilty siya samantalang hindi naman talaga sila mag-asawa. They broke up, divorced na nga ang status nila hindi ba?

Nagkibit-balikat siya at tinaasan ito ng kilay, "I am single and I can ogle anyone I like especially when I found them fascinating."

Mas lalong naningkit ang mga mata nito sa sinabi niya sa isang iglap lang ay natagpuan nalang niyang nakayakap ang braso nito sa beywang niya.

"Fascinating? Let me remind you sweetie you are no longer single."

"The last time I heard from you we were divorced so I am single." She pushed him strong enough to break their linking. "Ang bilis mo naman yata kung iisipin mong makukuha mo lang ako agad ng ganoon kadali."

Prenteng-prente lang itong nakatayo sa harap niya habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. Hindi man lang ito natinag sa kanyang sinabi at para bang feel na feel nito ang mga nangyayari ng mga sandaling iyon.

"And the last time we talked I told I am going to get you back I hope you remembered that."

"And do you really think you can win me back that easy?" papatalo ba naman siya dito. Ano siya easy to get?

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now