Epilogue

48.6K 1.1K 35
                                    

EPILOGUE


"YOU are married?" hindi interisadong tanong ni Clime sa kanya na abala sa pagtipa sa laptop nito. Ngumisi lang siya.

"Not yet pero malapit na kaya nga ako nandito." She wanted Clime to fix her wedding. Gusto niya ng totoong kasal at hindi lang iyong basta-bastang civil wedding. Simula noong makita niya ang kasal ni Mason at ng asawa nito ay gusto niyang magkaroon din ng ganoong wedding. Hindi engrande, simple lang pero gusto niya nandoon ang mga kaibigan niya.

Napansin niya ang pagtingin ni Clime sa wedding ring niya at napabuntong-hininga ito. "Huwag mo akong kulitin Keegan ikakasal din si Sydney at si Ulysses, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko."

"Ako muna maiintindihan naman nina Syd at Uly iyon." Pangungulit niya dito.

"Mag-usap muna kayong tatlo baka magkasabay-sabay ang kasal niyo." Napakamot nalang ito ng ulo. "Ewan ko ba sa inyo kung bakit gusto niyo pang magpakasal samantalang wala namang forever."

"Heh!" hinampas niya ito. "Bitter ka friend." She crossed her legs and look at her friend.

"I am not bitter, realistic lang ako. Magkaibang bagay iyon." Pagtatanggol nito sa sarili.

"Bitter ka pa rin wala ka kasing sex life." Sinulyapan lang siya nito. "Love life pala." She bit her tongue. Nakalimutan niyang may pinagdadaanan pala ito. Pareho kasi silang nagulat ng malaman na ang lalaking lihim na minamahal nito ay ang traydor na muntik ng pumatay sa kanila.

Galit si Ulysses sa lalaking iyon at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung nasaan ito. Wala itong alam at mukhang alam niya kung sino ang may alam kung saan ang taong iyon. Kahit siya ay ayaw sa lalaking iyon para sa kaibigan nila, it just happened Clime fell for someone who can't be trusted.

"What type of wedding do you want to have?" Clime changed the topic.

"Forest wedding, sa may malapit na manor na tinitirahan namin ni Mau." Mau told her she can do whatever she wants for her wedding.

"Forest huh? Hindi mo ba alam kung gaano karaming insekto at ahas ang pwedeng manirahan doon?"

"Don't worry we've already checked it the place is safe, malapit siya sa river na may maliit na falls. The place is very enchanting."

"How did you checked the placed? Did you hire someone to check it?"

Ngumisi siya at naalala kung paano niya dinala doon si Mau upang icheck kung safe baa ng lugar. "There's no need to hire someone, I checked it myself with Mau of course. Pwede ka ngang mahiga sa damuhan at magpagulong-gulong."

Nagdududang tiningnan siya nito. "Did you?" she knew what she meant.

"I did." Bumungisngis siya. "I mean, we did."

"Ang landi mo talaga." Kinurot siya nito sa singit.

"Aww!" iniwas niya ang sarili mula dito. "Bakit ba? Masaya kayang magpagulong-gulong sa damuhan at saka kaming dalawa lang naman doon hindi kami nakikita kahit mag-ala Adan at Eba pa kami doon."

"Shut up."

"You should try."

"Hush! Huwag kang maingay naririndi ang teynga ko sa iyo."

"Okay fine." She stopped teasing her friend. "I want a simple wedding with my friends with me. Hindi kailangan na engrande basta solemn and warm."

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now