2- Ex-husband

52.1K 1.2K 27
                                    

Chapter Two


Beep... beep... beep... "Time to wake up beautiful! Time to wake up beautiful!"

Agad na bumukas ang kanyang mga mata at napangiti sa kanyang narinig, her alarm clock never fails to make her smile every morning. Umupo siya at nag-unat ng mga muscles at napahikab bago inabot ang alarm clock upang patigilin iyon sa pagpuri sa kanya. "Good morning too." She greeted no one. She grabbed her phone and check her schedule for today. None so far.

"Good!" tuluyan ng tumapak ang kanyang mga paa sa sahig she tested her feet first before she added all her weight into it. Mahirap na baka matumba siya bigla kagaya ng dati. It has been two months since the car accident with her friends. Pumasok siya sa banyo at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin, sabog-sabog ang kanyang buhok na tumakip sa kalahati ng kanyang mukha. Inayos niya ang ilang hibla na tumakip sa kanyang pisngi at tumitig sa salamin.

"Even with your scar you still look beautiful Keegan." Hinawakan niya ang kalahating pulgadang tuwid na linya sa kaliwang bahagi ng kanyang noo. Hindi iyon halata kapag nalalagyan na ng make-up at kasing nipis din iyon ng kanyang balat. Agad siyang naligo at naghanap ng pwedeng maisuot pupuntahan niya si Sydney sa bahay nito alam niyang nandoon na sina Yvette at Clime.

She fixed herself and applied her daily dose of make-up and put her sketch pad and pencils inside her canvas bag. "Let's go Keegan." Utos niya sa kanyang sarili. Wala siyang sasakyan pero may biseklita siya na madalas niyang gamitin kapag umaalis siya. She actually finds it weird dahil sabi ni Ulysses sa kanya magaling siyang magbalanse ng biseklita dati pero noong una siyang sumakay ay ilang beses siyang natumba at nasugatan. Mukhang pati ang motor functions niya ay naapektuhan sa nangyaring aksidente.

Kasabay ng pagkawala ng kanyang alaala ay nawala rin ang ibang kakayahan niya kaya hindi na siya nagtanong pa ng kung anu-ano. Ayaw sabihin ni Ulysses kung sino ang nagmamaneho sa kotse na sinasakyan nila gusto niyang malaman kung sino ang may kasalanan sa aksidente. At saka maging ang mga kapatid niyang katulad niya na naaksidente ay may kung anu-anong pinagdadaanan.

Mabilis siyang nakarating sa bahay ni Sydney at tama siya sa kanyang hinala na nandoon na ang mga kapatid niya. She parked her bike on the side and carry her things to see her sisters.

"Good morning." Masiglang bati niya.

"Good morning Kee, how's your day?" she chuckled when Yvette asked her the same question. Nakabenda ang kaliwang braso nito kulang ang mahigit dalawang buwan upang maayos ang nabaling buto nito sa braso. Marami sa mga phalanges nito ang nadislocate at kinailangan pa na kumuha ng balat sa ibang parte ng katawan nito upang palitan ang natuklap na balat sa braso nito. May peklat siya sa mukha at sa kanyang likod, si Clime ay mukhang maayos pero hindi na nakakakita ang kaliwang mata nito. At si Sydney, nahihirapan pa ito hanggang ngayon na tumayo. Nakaupo ito sa wheelchair nito sabi ng mga therapist makakalakad pa ito kailangan lang maghilom ang mga nabaling buto sa binti nito dahil sa pagkakadagan ng mabigat na bagay ng matagal. Over all they look okay, their wounds and scars doesn't affect them one hundred percent they were assured that they will be okay. And their kuya Ulysses are helping them quite well.

"Beautiful, what's for breakfast?"

"Bacon and ham, you want something?" tumayo si Yvette upang ipagkuha siya ng pagkain agad niya itong pinigilan.

"Let me Yvette. Ako na ang kukuha ng food ko."

Inilapag niya sa upuan ang kanyang canvass bag at pumasok sa kusina upang kumuha ng pagkain. Nasa kalagitnaan siya ng pagtitimpla ng kape ng may pumasok doon na hindi niya kilala. Masyadong matangkad ang lalaki sa kanya kahit na matangkad siya at nakasuot ito ng puting uniporme. Sinundan niya ng tingin ang lalaking prenteng kumuha ng tubig sa refrigerator. Bumaling ito sa kanya.

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now