10- Mine

34K 944 16
                                    

Chapter Ten


Dapat ay hindi na siya pumayag na makipagkita kay Maurice, hindi niya sinabi kay Mason ang magaganap dahi ayaw niyang mag-alala ito. They are already processing their papers, ilang araw mula ngayon ay susunod na siya sa Los Angeles at magpapakasal na sila. Kung siya ang tatanuningin ay masaya siya pero kulang ang sayang iyon pakiramdam kasi niya ay hindi tama sa gagawin niya. Pero alin ba ang mali sa pagpapakasal sa nobyo mo ng ilang taon?

Isang tikhim ang pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni at natagpuan na naman niya ang sariling nakatitig sa mukha ng kapatid ng lalaking papakasalan niya. Their eyes met and good Lord knows she had this unknown feeling inside her heart just for him.

"A-anong gusto mong sabihin?" she kept it calm. She doesn't want him to get into her nerves dahil pareho nilang ayaw patalo. Nagkibit-balikat lamang ito at nakatitig sa kanya. He had this different stare whenever his brother was around.

"Don't marry my brother."

"At sino ka para utusan ako ng ganyan?" balik niyang tanong but he just kept it cool as well. May dinukot ito sa loob ng suot nitong suit at inilapag sa kanyang harapan.

"Here." Kinuha niya ang sobre dahil nacucurious siya. Tumaas lang ang kilay niya sa nakita laman ng sobre at muling ibinalik sa loob ang laman at ibinalik din kay Mau.

"Here." Balik niya sa sobre dito. "I don't need that." Tumayo siya at kinuha ang kanyang mga gamit.

"Bakit? Kulang pa ba iyan para layuan mo ang kapatid ko?"

She snorted and sat back. "That's too little mister, you may not know it but I am earning too. At sa tingin mo ba kaya mo akong bayaran?" she wanted to keep it cool but she just can't handle his way of insults towards her.

"Oh I forgot, you are indeed earning more than my brother earned. Nakalimutan kong miyembro ka nga pala ng isang sindikato." Humulas ang lahat ng tapang na meron siya kanina.

"What are you talking about?" she played innocent of course.

"K.E.G. 7.3.7, isn't that you? Your specializations are machineries, you know how make weapons that can kill thousands of people. Isa ka rin sa mga taong nagpoprotekta sa sindikato na gumagawa ng masama at ng mga drogang sumisira sa buhay ng may buhay." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Paano nitong nalaman ang mga bagay na iyon? Kapag may nakaalam na alam nito ang tungkol sa sekreto niya ay pwede itong mamatay.

"You can't know those information!" she hissed.

"Why not?"

"Your life will be in danger." Nag-aalalang ani niya. Kung pwede lang na hayaan itong mamatay ay ginawa na niya pero hindi kayang tanggapin ng utak niya na siya ang magiging dahilan ng pagkamatay nito. "You can never tell anyone about it, naiintindihan mo ba?"

"At sino ka para utusan ako?"

"Please Maurice don't tell anybody about my secrets, kung alam mo ang lahat ng tungkol sa akin alam mong delikado ang ginawa mo. You can be in great danger." Nag-aalala na talaga siya. Pwede niya itong patayin, pwede siyang gumawa ng paraan para manahimik ito.

"Do I look like someone who cares?"

"Mamamatay ka!"

"Dadalhin mo sa konsensya mo ang kamatayan ko."

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now