Royal 5

2K 86 6
                                    

Royal 5

Meteor’s POV

Up until now, I still don’t get why do people know that I am Meteor Flare Sirius even if I have my mask on. Ganon na ba talaga ako kadaling hulaan?

“Silly. You’re just the only girl that I know who would pair rubber shoes with gown,” sagot ni Prince Ice sa katanungan ko habang nagsasayaw kami sa gitna. Pati ba naman isip ko, nababasa na rin?

“O-kay,” I managed to say. “Pardon for my rudeness but do I know you? I mean, we haven’t met before, have we?”

Look, I’m just honest with myself. Ngayon ko pa nga lang siya nakilala eh, nung inintroduce siya ng emcee sa harap. Kahit na matalik na magkaibigan ang Empire nila at Emipre namin, hindi ko pa siya nakakausap ni minsan. Yes, I’ve seen him in lots of parties. Palagi kaya siyang nagsta-stand out because he is the right model of a perfect prince with sparkles all over. Kinagigiliwan siya ng mga Hari at Reyna. But to tell you the truth, kanina ko lang talaga nalaman ang pangalan niya.

“Well, let’s just say.. I am your royal prince charming admirer,” ngumiti siya sakin. “I’m watching you for years, hindi mo lang ako napapansin.”

Ang creepy naman nito. Admirer pa, hindi na lang ginawang stalker. Pasosyal masyado. Pasalamat siya at birthday niya kundi, kanina ko pa to nasapak.

“Perhaps you already heard about the Princess Show-off for tonight?,” tanong niya sakin sabay pina-ikot ako. “Alam mo namang minamadali na ako ni Dad na makapili ng magiging reyna ko.”

Napaiwas ako ng tingin sakanya. There’s no way on stars I’ll marry this guy. NO. WAY.

Nako. Kung hindi lang talaga ako nagpromise kay Kuya Astro na magiging good princess ako ngayong gabi, at kung hindi lang dahil sa chocolate and cotton candies, malamang sa malamang talaga, kanina ko pa to binara at tinarayan. Ang hangin masyado. Porket gwapo siya at mukhang perpekto.

Ipakasal ko pa siya kay Leona eh. I’m very sure na matutuwa ang baklang yon.

Mabuti na lang at nag-change ang music kaya kailangan mag-change ng partners. Maraming nag-aantay na mga prinsesa para sayawin ni Prince Ice. Pero etong egghead na to, lalo pang humigpit ang hawak sakin kaya in the end, kami pa rin ang magkapartner. Ayun, ang sasama ng tingin sakin ng mga babae.

“So, anong balak mong gawin sa Princess Show-off?,” he asked me again.

I put on my sweetest smile and answered, “Just wait and see.”

Sa buong pagsasayaw na yon, wala siyang ibang ginawa kundi daldalan ako sa mga ‘achievements’ niya sa buhay. Puro siya at siya at siya ulit, nakakarindi na. Yung tipong nakikipag-usap ka sa isang tao na walang ibang alam gawin kundi ang ibida ang sarili niya sa iba? Nakakabagot.

Kung tutuusin, perfect na talaga siya eh. A prince who has everything maliban lang sa attitude. No doubt na maraming prinsesa ang nagkakagusto sakanya. But please, do not include me. Hindi ko siya type and will never be. Iba ang hinahanap ko sa isang lalaki and trust me wala na ata akong makikitang ganon.

Salamat sa stars at natapos ang kanta na akala ko, forever tutugtog at forever kaming sasayaw at forever rin siyang dadaldal. Hinanap ko sina Mom and Dad kaso nasa harap sila at nakikipagkwentuhan sa napakaraming Hari at Reyna. Si Kuya Astro naman, ayun nasa isang sulok at pinagkakaguluhan ng isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. limang prinsesa. Oh well, mahirap talaga pag maganda ang lahi mo.

Kaya eto, natameme nanaman ako sa sulok habang nakapasak sa magkabilang tenga ko yung earphones at tumutunog ng rock sa music player. Rak na ituu~ \m/

Stella Royal GamesWhere stories live. Discover now