Royal 21

1.6K 74 55
                                    

Royal 21

Meteor's POV

"Sis, you should marry him."

Should I?

Siniko ko si Astro sa tiyan. "You can go back now."

Natatawang umalis ng kwarto ang pinakamamahal at maasahan kong kapatid, kahit na halatang-halata naman na nasaktan siya sa ginawa ko kanina.

It's his fault anyway. Magsabi ba naman siya ng ganun eh.

"Oy, 'wag mo 'kong tulugan. Hindi ka pa umiinom ng gamot." Binato ko ng unan si Blizzard. Balak na naman kasi niyang tumakas, nagtataklob na ng kumot.

"Ayoko. Pangit lasa niyan," rinig kong sagot niya sa ilalim ng kumot.

"Wag ka ngang isip-bata." Tinanggal ko yung kumot, hinila siya sa kwelyo at isinandal ko sa headboard ng kama.

I planted a gentle kiss on his cheek. At nang mapansin nagulat siya sa ginawa ko, hinawakan ko ang baba niya at ibinaba ito, pagkatapos ay mabilis na isinilid ang tableta.

Balak niyang iluwa pero tinakpan ko na ang bibig niya.

"Mmm!"

"Lulunukin mo o lalo mong malalasahan 'yan?"

He glared at me. Wala siyang nagawa kundi lunukin ito. Kumuha ako ng isang basong tubig at ibinigay sa kanya. Dali-dali niyang ininom ito hanggang sa maubos ang laman.

Dinikit ko ang likod ng kamay ko sa leeg niya. "Finally! Mukhang bumalik na sa normal ang temperature mo."

Hindi niya ako pinansin at bumalik siya sa pagkakahiga, nakatalikod sa 'kin ang pwesto. Tignan mo nga naman,kinakausap ko pa eh. Asan ang manners nito?

"Hoy Blizzard," tawag ko. "Ano bang nangyari sa'yo at nagkaganyan ka? Sabi sa 'kin ni Casey, natagpuan ka na lang ng royal guards na walang malay sa hallway. Nahawa ka ba sa'kin? May ginawa ba na naman 'yang Vega na 'yan?"

Sumampa ako sa kama at sinilip siya. "Nilason ka rin ba?"

Tinignan niya lang ako at nagtalukbong ng kumot. Aish, tinatanong ko ng maayos eh.

Umalis ako sa pagkakasampa sa kama, "Sana man lang may sinagot ka kahit isa diba?"

"Kita mong nag-aalala yung tao eh," I mumbled. Bahala siya, kung ayaw niya di wag. Pagkatapos kong magpuyat at mag-alaga.. ganito makukuha ko? Tsk.

Inayos ko muna yung mga gamit sa side table. I should get some sleep. Ngayong naalala kong ika-apat na araw na ng Royal Games at gaganapin rin mamaya ang Royal Swan Lake Tournament. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko ngayong may sakit si Blizzard.

I guess I would do a solo after all.

"Magpatawag ka na lang ng maids 'pag may kailangan ka. Babalik na 'ko ng kwarto."

"I know this is selfish but," naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Stay with me."

Dugdug. Dugdug.

Bigla akong napaupo sa upuang katabi ng kama niya. "Di mo kasi sinasabi agad. Madali naman akong kausap."

And for the first time! For the first time, hindi ko aakalaing ngingiti siya ng ganon.

I got the chance to see his perfect set of white teeth. Tapos yung ngiti niya.. parang ano.. ano umm.. ah shots! Paano ko ba ide-describe?

Napalingon ako sa ibang direksyon, kinuha ang panyo at itinakip ko sa aking mukha. Tsk, para akong baliw. Kusang ngumingiti.

Stella Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon