Royal 14

1.8K 80 3
                                    

Royal 14

Meteor’s POV

“Hindi ko alam kung ano ba talagang kailangan mo. Tsaka teka nga, sinusundan mo ba ako?” I crossed my arms, waiting for an answer. Umupo ako sa isang upuan doon at binigyan siya ng death glare. Binalewala niya lang ito.

Nasa garden kami ngayon at dalawa lang kami ni Blizzard sa loob. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nandito at kung ano ang kailangan niya sakin. Imposible namang maging coincidence lang na siya pa ang magiging personal guard ko.

Nagulat ako nang biglang mawala siya sa harapan ko. I was dumbfounded when I felt someone breathing behind my ear. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Sinusundan?," he whispered. Tumawa siya ng mahina at muling bumulong, "What if I said, yes?"

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Kumurap ako at pagdilat ko, nasa harapan ko na ulit siya.

Sumandal siya sa punong malapit sa kinauupuan ko at nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa. Hindi niya pa din tinatanggal ang cloak at maskarang itim kahit ang init init na.

"You should've seen your face. Priceless," mapang-asar pero walang kaemo-emosyon pang sabi nito.

"Shut--,"

“I don’t have any choice since the Shadow Superior requested this one. Hindi naman ako makakatanggi, isa pa, malaki ang offer niyo. The mission is just simple, protect someone like you," pagputol niya sa sinasabi ko. Yun naman pala ang dahilan. It is a pure coincidence, isn’t it?

Honestly, I was a bit surprised when he answered me in that way. “Nagtatagalog ka pala.”

“Bihira.”

Inayos ko ang sarili ko at tumayo, “Just don’t interfere with my activities. Hindi kita kailangan and I can protect myself. Hangga’t maaari, stay away from me.”

I will never ever forget that night when he stole my first kiss. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog non. At hanggang ngayon, bumabagabag pa rin siya sakin. Gusto ko nang kalimutan iyon at burahin sa memory card ng utak ko. But thanks to my brain, pinapaulit-ulit niya pang i-replay iyon. Nakakainis lang.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya napaupo ulit ako. Pinatong niya ang magkabilang kamay sa arm rest ng upuan. He even leaned closer, halos magkadikit na ang ilong namin.

“I’m afraid I cannot do that, Princess. You see, as the top notcher of the Shadow Society, every royalty is asking for my service. But you are the lucky one to have it. So, the King ordered me to do eveything I wish, since I am not only a part of your Royal Unit, but also a part of Ten Sirius Crown.”

Awtomatikong naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nakain ni Dad at nilagay niya ang lalaking ito sa grupong iyon. Does he trust this man so much? I mean, maraming sundalo sa Royal Unit ang nagtratrabaho na for years pero hindi pa rin ito nagiging parte ng Ten Sirius Crown. They almost lost their lives protecting this land. Pero sadyang pili lang talaga ang nagiging parte nito. At hindi ko talaga aakalain na ang isang baguhan lang katulad ni Blizzard ang makakakuha ng spot nito.

Ang Ten Sirius Crown ay binubuo ng mga makapangyarihan at mahahalagang tao. Malaya silang nakakagalaw sa loob ng palasyo at ang tanging susundin lamang nila ay ang Hari at Reyna. Sila rin ay mga candidates para sa trono ng hari kung saka-sakaling mamatay ang mga anak nito.

Masyadong delikado ang ganitong bagay lalo na pagdating sa pag-aagawan ng trono. Kaya naman pinipili lang ni Dad kung sino ang napupunta rito. Mga mapagkakatiwalaan at hindi gahaman sa kapangyarihan.

“Princess Meteor,” kahit na hindi ko makita ang buong mukha niya, nararamdaman kong nakangisi siya sa loob. “Whether you like it or not, I’ll be your knight in shining armor..”

Stella Royal GamesWhere stories live. Discover now