(Skyla)K I N A B U K A S A N !
5:30 am palang ng umaga pero gising nako para sa pinaka mamahal kong asawa inayos ko muna aking higaan at pumasok ako sa banyo para makapag hilamos at toothbrush
aba dapat lng alangan naman mag mukha akong zombie baka hindi lang sampal abutin ko kundi baril na haha umiiling ako sa aking naisip .. Tinali ko nalang ang aking buhok into messy bun para naman mag mukha akong tao at para hindi maging sagabal sa aking mga gagawin pagkatapos kong ayusin aking sarili
pumunta ako sa mesa "Hays hindi nanaman niya kinain ang mga niluto ko " malukot kong bulong dibali na, niligpit ko nalang at nag saing nang bagong kanin at kumuha nang dalawang itlog , ham at bacon "Wala na palang stock , mag grogrocery nalang ako mamaya" at yun niluto ko nanga at nag timpla nadin nang kape ..
Nasa gitna ako nang aking pag hahanda nang agahan nang may narinig akong yapak sa hahdan lumingon ako " Uhm go-goo-od Mo-morning" nauutal at natatakot kong sabi . Ang gwapo niya sa kaniyang sout napaka pormal parang artista
"Ku-kuma-in kana nag ha-handa ako"mahina kong sabi kumunot lng ang kaniyang noo "Anong maganda sa umaga kong pag mumukha mo palang sira na araw ko, Hindi nako kakain baka anong nilagay mo jan sa pagkain!!" Calmado ngunit parang nakasigaw sabay lakad niya patungong pinto bago niya binuksan tumingin siya sakin
"Wag kang umasta na parang ok tayo kasi kahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin at tsaka wag kang mag luto di ako uuwi dito "
*blaag*
umalingawngaw ang pabagsak na pinto sabay pag bagsak ng aking mga luha narinig ko nalang ang pag harurot ng kaniyang sasakyan "Bakit ka ganiyan wala akong ginawa sayo ang sakit sakit na " pumunta nalang ako sa mesa at ako nalang din ang kumain nang niluto ko ang saklap pinag hirapan ko pa naman to pagkatapos kong kumain niligpit ko lahat at nag linis nadin , pumasok ako sa aking kuwarto at naligo ..
After 15 minutes..
Nahimasmasan ako napaka gaan sa pakiramdam na nakaligo nako hindi na masyado mapula aking mga mata nakapag bihis nadin ako ako ng white v-nack at jeans at sandals na flat para hindi masiyadong masakit sa paa.. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko, chineck ko muna kung merong message ..ayy meron galiing kaaaay Lendy -...-
From:Lendy
Huy punyeta ka! Gaga eh ang tanga mo ! Mag kita tayo bukas wag kang aangal kundi kakalbuhin kitang bakla ka!!
Ps.Diyosa ako !
Grabe brutal talaga nitong lokalokang to kala mo kasing edad niya lola ko.. ni replyan ko nalang baka kalbuhin pako
To:Lendy
Compose Message:
Oo na hard mo talaga sakin bhes mahal mo ba ko? Mag grogrocery muna ko ha tapos kita tayo? Saan ba?
Oo na maganda kana ..
-Sent
Kinuha ko nalang din ang susi ng bahay hehe namention ko ba na nakatira kami sa isang exclusive village? Napag mamay ari ng asawa ko? Wala pa edi ngayun alam niyo na haha joke lng..
di seryoso nga sakanila to mansion nga bahay namin tapos ako lang gumagawa ng gawaing bahay..
Pagkatapos kong i lock ang bahay at gate tumawag nlng ako sa guard house na mag papasok ng isang taxi para masakyan ko alangan namang lilipad ako diba eh parang tanga ko nun?
May humintong puting sasakyan sa harapan ko na obvious na taxi .. yan ganiyan ako... "Manong sa Robles Mall tayo" sabay upo ko sa likod ng passenger seat "Sige po Maam"
After 10 minutes ... "Manong bayad ko po " sabay abot ng pera Dali lang nuh? Ang Mall na Ito ay sa Lokaloka kong kaibigan hulaan niyo kung sino...
walang ina kundi sii *Drum Roollls* Lendy Mae Robles oh diba yaman nang babaeng yan, kung baakit kami naging kaibigan? ibang kuwento nayon sa susunod na baka pagkamalan akong baliw dito kakatunganga.
Nandito nanga pala ako sa harapan ng Grocery Store kumuha ako ng isang malaking cart at tinulak, sinimulan ko na din lagiyan ng mga bibilhin ko nagsimula sa mga pagkain hangang sa mga kakailanganin sa bahay hangang sa personal na kagamitan ko alam niyo yun kung babae kayo
"8,234.75 php po maam" inabutan ko ang cashier ng bayad at dahil marami akong binili hiniram ko muna ang cart ok lng naman basta sa loob ng mall gagamitin .. Kinuha ko ang aking phone at i tetext ko sana ang bruha epero may message na pala..gaga to..
From: Lendy
Kakalbuhin talaga kita kong hindi ka pupunta dito !! Nasa starbucks kami!! Kasama ko sila !! Dali na kupad mo!!
Ps.Hindi pinag aantay ang mga magaganda (Ako yun)
Ganda niya nuh? haha excited kung tinutulang ang cart .. Makikita ko nanaman ang mga bruha namiss ko din mga kakulitan non..
A:Edited
VOCÊ ESTÁ LENDO
When Will The Hurting Stop
Fanficmakakaya ko ba talaga ang pagmamahal na ito? magiging isang panaginip lang ba ang lahat ng to?o mamahalin din kaya ako ng mahal ko? -skyla abangan ang storya ni skyla at mikael. maging masaya kaya sila o kailangan mawala ang isa upang m...