#16

39 1 0
                                    




Ha! finally natapos ko din ang portrait ni Chris. He is smiling well on the portrait though, i'm gonna put this in my bedroom when i get home. Ilang araw ko din tong pininta, meron din akong na isketch pero ito talaga ang tinapos ko. This is where i spend most of my time staying here, I spend time with my family my friends also comes to visit but mostly they just let me be and did not disturb me.

If any of you are asking if I drink my meds, well to answer you. Its a NO. It really did not help me at all. Noong pagkatapos kong kausapin si mildred at nagmunimuni sumakit ang ulo ko na parang hihiwalay na ang utak ko sa ulo ko uminom ako ng gamot non. Pero hindi talaga nakatulong dinamihan ko nga, sumakit lang lalo ang ulo ko.

Buti nga hindi ako nakita nila, nakatulog ako sa sahig at gabi na ako nagising. Napakalaking timing dahil pagkatok ni mommy sa pinto para ayain ako mag dinner nakaupo na ako sa kama. Ayoko ng alalahanin pa nila ang nangyari. Palagi naman nagtitext ang mga kaibigan ko pinapaalala sa tamang oras na inomin ang gamot ko pati nga si dahlly si mommy at si daddy.

Hinaplos ko ang gilid ng portrait. Ikaw kaya, kamusta kana? walang ibang tao sa bahay, nakakain kaba ng maayos? hay. Bukas uuwi naman din ako. Miss na miss na kita.

Nakatulala lang ako sa portrait na ginawa ko para kay chris ng narinig kong may kumatok at nakita ko si mommy na may dalang tray.

"Snacks?" ngumiti ako sakaniya at tumango. nilagay niya ang tray sa maliit na mesa

"Wow! its beautiful baby"

"You think so mom?"

"Yes of course, not just this. Everything in here is a master piece have you considered opening a store?" my own store? I haven't thought about it but it's a great idea.

"I will think about it mom, I still need to think about the company"

"Oh honey, the company can wait your dad is still strong and Dahlly is also there to help. We want you to think about yourself first" bumuntong hininga ako at tumango nalang.

"Baby, You will go back home tomorrow why not bond with me? like the old times? DAughters and Mommy day?" kumikinang pa ang mata ni momm.

"Of course i'll take a quick shower"

"Alright' i'll call dahlly too" hindi na ako nakasagot dahil kumaripas na siya ng takbo. umiling iling ako. Lumabas ako sa art room ko at pumasok na sa banyo.

The water flowing from my head to my body is so relaxing. Peace.

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa shower at nagbihis nadin pagkatapos. Simpleng White t-shirt na tinuck-in sa maong shorts, comfortable walking sandals at sling bag, hindi na ako nag abala pang maglagay ng kung ano sa mukha and of course yung wedding ring ko hindinghindi ko ito makakalimutan.

"Unnie you ready?"

"Yes, let's go. Where's Mommy?" humawak siya sa braso ko at sabay kaming naglakad na sa staircase.

"MY beautiful babies" yinakap niya kaming dalawa.

"Mommy naman nagkita lang tayo kanina tapos ngayon, tsk tsk. Don't call me baby, You see i'm a lady now" taas noong sabi ni dahlly. i giggled.

"A lady or not you're still my baby, anyways let's go. Tell Dion i'm having a date with our daughters and do not disturb us" tumango ang butler at inilalayan ng mga maids si mommy.

heto si master masiyadong alipin si daddy. Tumawa ako bago sumunod sa kanila papasok sa sasakyan. klaro sa mukha ni mommy na excited siya. binuksan niya ang kaniyang small prada handbag, umiling ako at tinignan siya ulo hanggang paa. Anak niya talaga ako pareho kami ng taste ng damit gusto namin yung komportable, Nakasout siya ng off shoulder blouse, maong shorts at flat sandals na may tali pa na nagpaganda lalo sa kaniyang mamulamulang paa.

When Will The Hurting StopМесто, где живут истории. Откройте их для себя