#9

44 2 0
                                    

(Skayla)

Bakit ang dilim?

Nasan ba ako?

Wala akong makita, nasan sila?

Mikael?

Wala akong marinig. Dahlly?

"Kuya jan salamat talaga sa ginawa mo sa unnie ko" humihikbing rinig kong sinabi ni dahlly. teka Jan? sino yon? bakit hindi ko padin sila nakikita?

Dahlly andito ako!

"No worries doll, anything for you and your ate. Nacontact mo naba ang mga parents niyo? how about si Sir repetaleenger?" sagot naman nong lalaki, parang pamilyar ang boses hindi ko maalala.

Hindi ko na maintindihan pa ang iba nilang pinag usapan dahil nawalan na talaga ako ng malay.

"Unnie, bibili lang ako ng pagkain saglit babalik din ako agad. Oo nga pala, unnie hindi ko talaga kayang hindi sabihin kila Appa at Eomma. Pupunta sila dito bukas may inaasikaso pa daw si Appa sa companya" Naramdaman ko ang pag dampi ng kaniyang labi sa aking noo.

Wala na talaga akong magawa, Dapat ko ng i handa ang sarili ko. 

Pinakiramdaman ko ang paligid. Unti unting na a amoy ko ang mga chemical na sa ospital lang maamoy. A beeping sound in my right ear, Hinay hinay kong minulat ang aking mga mata adjusting to the light.

Hospital. ha napasok talaga ako dito kahit ayaw ko. I let out a big sigh maghahanap nalang ata ako ng strategy kung paano ko i explain ang nangyari sakin.  Nakahiga lang ako sa hospital bed habang tinitignan ang bintana.

Lost in thoughts andito nanaman yung overthinking skills ko nasa master's level na ata ito at masiyado pinapagana ang aking utak sa pag papanegatibo ng aking buhay. 

Ano bang magagawa ko? sa buhay na meron ako walang gustong pumalit sa posisyon ko kasehodang masiyadong mayaman ang asawa ko baka magbigti nalang ako paglabas ko dito sa hospital. Sigh. 

I looked at my hand, another scar for me huh? ginalaw galaw ko pero wala naman akong maramdamang sakit naka bandage din ito. Sign na ata ni lord to na kukunin niya na ang hiniram kong buhay sa kaniya dahil sa hirap ng mga pinagdaanan ko.

Marami akong naipong negatibong saloobin at siniguradong isaisang nakatanggap ang mga brain cells ko. Untiunting nilamon ako ng kadiliman at nakatulog.

Narinig kong may kaluskos at yapak sa loob ng aking silid, minulat ko ang aking mata nakita ko si dahlly sa gilid at inaayos ang mga pagkain at prutas na sa tanda ko ay yun ang nilabas niya kanina kaya hindi niya na abotan na gumising ako. 

"Ly" sambit ko para makuha ko ang kaniyang atensyon. Nilingon niya ko at dali daling pumunta sa gawi ko.

"O My God! Unnie! gising kana. Doctor! Nurse!" Sigaw  niya habang may pinipindot ang call button hindi pa na contento at lumabas pa talaga at sumigaw. Pasaway na bata.

"Ly, stop it you're gonna disturb other patients" Hindi malakas hindi din mahina ngunit paos ang pagka sabi ko tama lang para marinig niya.

Tumakbo siya ulit siya patungo sa kama ko nasa likod niya ay doctor at mga nurse. Chineck doctor lahat ng pwe d i check ina adjust nmn ng nurse ang dextrose ko.

"Stable naman na ang kalagayan mo ma'am. manatili muna kayo dito ng dalawang araw ng masimulan na ang full body check up mo, yung kamay mo naman ay i momonitor ng mga nurse at papalitan din bandage" kumunot ang noo ko, Full body check up? for what?

"Is it still necessary? you say i'm stable what is the check up all about?  " bumuntong hininga ang doktor.

"Didiritsuin na kita, noong dinala ka dito last week akala namin ay hindi kana aabot dahil maraming dugo ang nawala sayo nakitaan kadin ng signs ng malnutrition walang nutrients ang katawan mo. bagsak na bagsak ito." hindi pinatapos ng kapatid ko ang doktor at sumabat na ito.

"Unnie, it would really be better if you will have the full body check up to make sure. to avoid narin from future complications. dahil kahit hindi sabihin ng doktor ay kitang kita sa katawan mo"  Last week ? ganoon katagal akong natulog?

"Alright." hindi nako nag salita pa kasi parang pagod nako agad wala panga akong ginagawa. 

I tried sitting at tinulungan naman ako ni dahlly. tinanaw ko ang bintana.

Sobrang payapa ng kalangitan. Sana ganoon din ang buhay ko yung normal, yung walang sakit, gusto ko ng maging masaya .

Sana.










A: tagal na nito sa drafts ko huhuhu sana may nag babasa pa kahit papano try kong mag update ng mas mabilis tataposin ko muna mga schoolworks tapos update nako heheh🌌😍😍

When Will The Hurting StopWhere stories live. Discover now