#19

41 1 0
                                    


libo-libong kaba ang nararamdaman ko pilit na penapakalma at pinipikit nalang ang mga mata. Sumasakit nadin ang dibdib ko sa sobrang kabog ng puso ko na pati ang ulo ko ay sumasama. Nag doorbell ako ulit at tinignan ang malaking pintuan ng bahay. Nanginginig at namamawis ng malamig ang aking mga kamay. Unti-unting bumukas parang nag slow-mo ang paligid at ang mata ko ay nakatoun lamang sa pintuan.

Laking buntong hininga ko na may katandaang babae ang nagbukas nito, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. SALAMAT!

"Ano pong atin?" Naka apron ito, mukhang katulong. Wait? kumuha ng katulong si Chris?

"Uhm--ano--Ate andiyan po ba si Chris? Ahh-- si Mr.Repetaleenger po?" nangunot naman ang noo neto

"Sino po sila?"

"Sabihin niyo nalang po na si Skyla" parang natauhan naman ang ginang at natarantang binuksan ang gate.

"Kayo po pala ma'am sabi po sa akin ni sir na pumasok lang daw po kayo" ako naman ang nangunot ang noo

"Kilala mo ako ate?", "Sabi po ni sir na pag may Skyla na dumating papasukin daw po" tumango ako sa kaniya, bakit hindi niya sinabi na asawa niya ako? Baka si ehmy ang alam na asawa neto. kumirot naman ang puso ko sa naisip ko.

"BAgo kalang ba dito ate?" tanong ko sa kaniya habang hawak ko ang portrait at ang hand bag ko naman sa kabilang kamay. Hinahakot ang mga gamit ko papasok sa bahay.

"Ahh opo ma'am mag- iisang buwan palang po" so pag-alis ko kumuha na siya ng katulong? Lord salamat at dinalangin mo ang mga panalangin ko. ngumiti ako sa ginang tinignan niya naman ang hawak kong portrait, pinakita ko naman sa kaniya.

"KAyo po ang may gawa? Ang ganda ma'am ang gwapo ni sir dito" ngumiti ako sa kaniya. "Salamat ate pero wag napo kayong mag ma'am, skyla na lang po----Manong eto naba lahat?" sabi ko habang nakatayo sa sala.

"Opo Ma'am, ang iba naman po ay isusunod na lang daw po" tumango ako "Salamat manong" umalis na ang driver at nakita ko ang ginang na inaayos ang gamit ko "Ate anong pangalan mo po?" parang nasa inbetween 40-50s na ang ginang na to

"MAnang Lila na lang ang itawag mo sa akin skyla" nakangiti eto sa akin, she has this aura that my mom have parang hindi na ako mahihirapan dito sa bahay at may mapagkwentuhan na ako. MAsaya ako. MAsayang masaya

"Manang Lila ako napo diyan nakakahiya naman po sa inyo, ang dami pa naman niyan" nahihiya kong sabi sa kaniya "Nako skyla bisita ka ni Sir dito kaya dapat lang na asikasuhin kita" bisita? Talagang hindi sinabi ni chris na asawa niya ako. Tumawa ako ng mapakla, tumayo ako at akmang papasok sa dating kuwarto ko ng pigilan ako ni Manang Lila

"Skyla? bakit sa maid's quarters ka papasok? Doon ka sa guest room baka pagalitan pa ako ni Sir" parang mauubos ang ngiti ko kay manang lila ah. bumuntong hininga ako.

"Manang Lila dito po talaga ang kuwarto ko, May mga gamit pa ako sa loob hindi niyo po ba nakita?" Nangangalay na ang bibig ko kakangiti, she furrowed her eyebrows.

"Pagpasok ko diyan sa unang araw ng trabaho ko malinis naman mga bagong tuwalya, isang maid's uniform at mga bagong gamit sa banyo lang ang nakita ko" Nakakapagtaka, pinalinis ni chris ang buong bahay? Bakit? ayaw niyang makita ni ehmy ang mga gamit ko? ni hindi ko nga alam kong ano bang gamit na makikitang konektado sa akin e kahit isang kutsara ata hindi pwedeng gamiting ebedensiya.

"Ganon po ba? Nasan kaya nilagay ang mga gamit ko?" tinignan ko si manang lila"May gusto ka po bang itanong? parang hindi ka po mapakali diyan e" nakangiti padin ako. jusko.

"Parang may mali talaga e." nakatagilid pa ang ulo neto na parang nalilito talaga.

"ANo po bang mali?" kaswal kong sabi habang naglakad patungo pabalik sa mga gamit ko.

"KAtulong kaba dito noon?" I want to burst out laughing pero pinigilan ko at inisa-isang tinignan ang mga box na nilagyan ng mga pangalan.

"Hindi ko alam anong istado ko sa bahay nato Manang" Malungkot akong ngumiti sa kaniya" Okay lang bang tignan ang mga kuwarto sa taas manang? titignan ko lang kung andon ang mga gamit ko" parang gusto niya pang magtanong pero tumango na lang at ayaw ata akong pilitin. kaya naglakad ako papunta sa taas.

This house feels warm o ako lang? It started to feel like home. Nah.

Binuksan ko ang mga kuwarto at tinignan isa-isa ang mga kabinet pero hindi ko nakita ang mga gamit ko baka pinatapon niya? ok lang naman sana hindi naman masiyadong importante pero sayang yung mga damit ko binili pa yun nila mommy sa ibang bansa. Sigh.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Chris o ang dapat na kuwarto namin. Nagaalinlangan buksan, baka iba pa makita ko.

Humakbang ako paatras at tinignan muli ang pintuan. Tinalikuran ko ito at naglakad na lang pabalik sa baba.

Nasa sala na ako ngayon at nakaupo sa sofa ng nakita kong nalapag ng tasa si manang lila hula ko ay tsaa ang iyon "Salamat po Manang" ngumiti ito sa akin at tinignan ako.

"Manang? May Problema ba?" kanina pato a. "Alam mo imposible talaga na maging katulong ka ni Sir Mikael mga gamit mo pa nga lang pangmayaman na, Tapos ang ganda- ganda mo pa hindi bagay sayo ang katulong. Mas maniniwala pa ako na Girlfriend ka ni sir e" natuwa ang puso ko sa sinabi ni manang, kung alam mo lang manang. Asawa po ako mas mataas sa girlfriend he-he. ngumiti ako sa kaniya.

"Manang malapit na ang lunch, puwede bang magluto? bayad ko po sa pagtulong mo sa akin kanina" ngiti kong sabi sa kaniya.

"Nako wag na skyla, ako na baka pagalitan ako ni Sir tsaka wala naman akong naitulong e ang mga gamit mo ay nandito pa hindi panga ito nalagay sa kuwarto mo" nahihiya niyang sabi may wagayway pa sa mga kamay niya. I giggled.

"Ako na talaga manang matagal na ding hindi ako nakapagluto dito. nakakamiss. he-he" habang sinusout ang apron. Nag aabot naman ang kilay ni manang lila at parang untiunting naniniwala na katulong ako dito noon. nakakatawa lang talaga ang mukha ni manang mababasa mo ang isip niya dahil sa pabago-bago ng facial ekspresyon sa kaniyang mukha.

Habang tumatawa, Dinala ko ang tasang ininuman ko na wala ng laman at pumasok na sa kusina at nag simula ng ihanda ang mga sangkap ng lulutuin kong ulam pati ang pagsaing ginawa ko na din. Nakita ko si Manang lila na tinitignan akong gawin ang dapat gawin at hindi nagsalita.

Nasa mukha niya talaga na gusto niyang mag tanong. "Manang nakakatawa po ang mukha mo nayan"

"Ito'ng batang to, nako" tumatawa padin ako

"Ano bayang niluluto mo? tulungan kita?"

"Wag na manang kaya ko po. Umupo ka na lang jan" ngumiti ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pag hihiwa. Parang mabubutas ang likod ko sa intense ng titig ni manang lila sa akin kaya tumawa ako bago ko siya tinignan. "Manang kung gusto mo talagang mag tanong wag mong isa-isahin sasagotin ko naman, para kang natatae sa ginagawa mong pagpipigil" at tumawa ako ulit.

Lumaki naman ang mata niya na parang shock na shock talaga sa sinabi ko Hinawakan niya ang kaniyang baba at parang nag iisip,tinagilid din ang ulo nito na parang eniexamine ang mukha ko hindi niya naman ata narinig ang sinabi ko kaya tinuloy ko nalang ang pagluluto habang natatawa padin sa reaksyon niya.

Halos umabot ng dalawang oras ang tinagal ko sa kusina para lutuin ang ulam, hindi padin gumalaw sa inuupoan niya si manang lila.

"Ano na manang? Ang ganda ko ba talaga at hindi ka makapagsalita?" tumatawa kong sabi, parang puro ngiti at tawa lang ang ginagawa ko ngayon ah.

"Kanina pa talaga ako nagtataka napakalaking imposible talagang maging katulong ka dito ni Sir Mikael" curiousity never leave her face.

"Manang paulit-ulit? Mas mainam ng si Chris mismo ang tanungin mo kasi hindi ko alam anong isasagot ko sayo." Natahimik naman kaming dalawa.

A Five minute long awkward silence so I decided to break the ice and I made my voice cheerful as much as I can. "Manang let's eat gutom napo ako" ngumiti si manang.

"Ikaw naman ang umupo ako na ang maghahain" wala na akong magawa kaya umupo ako at tinignan siyang isa-isang nilapag ang mga pagkain.



yey Food!..

When Will The Hurting StopWhere stories live. Discover now