#20

68 1 0
                                    


Nagkamot siya sa kaniyang ulo at nag-aalalang tinignan ako. "Wala kabang kasabay pag kumakain Skyla? Hindi mo ba kaibigan si Sir?" kaibigan? Sana nga lang tinuring niya ako kahit man lang yun manang. Umiling ako.

"Hindi naman kami close manang tsaka family friend namin sila, best of friends ang magulang naming pareho kaya ok lang sakanila na mag-iistay ako dito. Hindi naman siguro ako nakakaabala sa inyo manang?" lumiwanag naman ang mukha niya.

"Sabi ko nanga ba imposible talagang maging katulong ka dito Skyla. Nako hindi naman buti na nga lang din para may kasama ako dito at ang tahimik kasi masiyado" tahimik talaga manang ilang taon akong natali dito. Nginitian ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Nagtalo pa kami ni manang sa paghuhugas ng plato kaya pinaubaya ko na sa kaniya at pinuntahan muli ang mga gamit ko. Ano ba gagawin ko?

Ang tagal ba ng pag-iisip ko? At nakita ko si Manang lila na nagpupunas ng kamay malinis na din ang kitchen. "Skyla", "Po?" kinuha niya ang portrait na ginawa ko. "Gusto mo bang ilagay natin to doon?" tinuro niya ang painting na naalala kong binili ni chris sa auction nakalimutan ko kung saan, hindi ko nga alam kong bakit niya binili, maganda sana kaso nawawala ang tema neto sa bahay.

"Wag napo manang baka magalit si Chris" Really sky? Chris again? Parang naririnig ko si Chrischelle sa konsensya ko a. I giggled, nakakamiss pala ang mga bruha, baka pagalitan na naman ako di ko pa nahawakan ulit ang cellphone ko. Lord sana naman nasa mood ang mga kaibigan ko dahil baka ilibing ako ng mura ng mga yun.

"Ang ganda pa naman sana, sigurado akong magugustohan to ni Sir e. Kuhang-kuha ang mata niya pati ang ngiti niya ang ganda" ngiti lang ang sinagot ko kay manang.

Tinignan kong muli ang mga gamit ko at napansin kong may isang malaking box doon at ito lang ang naiiba sa kulay, nangunot ang noo ko may note pa akong nakita don.

'Honey, this are all new. I hope you could express yourself through this and I also hope this helps you away from stress.

I Love you

-Mom'

MOMMMMMYYYYYY!!!!!! Para akong hinahabol ng aso sa mabilis kong paghinga, una ang mga sasakyan ko, pangalawa ang mga art materials na binili niya. Ni hindi ko to nakita kanina habang tinitignan to isa-isa pano napunta to dito?. "Ano yan Skyla?" tanong ni manang habang naka dungaw. "Wala po manang" sagot ko at bumuntong hininga. Matext nga yon mamaya. Umilingiling ako habang tinitignan ang ibang box.

"Halika Skyla tutulongan kitang dalhin iyan sa kuwarto mo" hindi na ako sumagot at tumango na lang kasi ang kalat pag nilagay lang ang mga ito sa sala, naglakad siya patungo sa guest room hindi na din ako umangal at sinundan siya paakyat. Ilang pabalik -balik pa ang ginawa namin ni manang bago nalagay lahat sa kuwarto.

Aliw na aliw padin si manang sa portrait na ginawa ko kay chris may kalakihan kaya kahit nasa pintuan ka ay makikita ito. Nag kuwentohan pa kami ni manang, ang dami pa niyang tanong. Oo hindi pa siya tapos pero sinagot ko naman at natatawa pa sa mga sinasabi niya, nalaman ko din na may tatlong anak pala ito. Yung panganay na lalaki ay nasa ibang bansa nagtratrabaho tapos yung pangalawa naman ay babae malapit ng makapagtapos dahil nasa last year na ng college at yung bunso naman ay nasa highschool palang at Driver naming ang asawa niya.

I really enjoyed talking to her dahil kung hindi ako naospital at nakauwi sa amin ay siguradong nakatulala lang ako sa kawalan at tuluyan ng nabaliw, It's nice having someone to accompany me. Mag aalas Tres na ng hapon nasa sala ulit kami at umiinom ng kape.

"Skyla kung kayo talaga ni Sir at nag ka anak kayo siguradong ang gaganda at ang popogi, may lahi ka e and ganda mo tapos si sir ang guwapo din bagay na bagay talaga kayo" napahawak ako sa batok ko, nahihiya sa mga sinasabi niya. Hindi pa din siya natatahimik sa aming dalawa ni chris, sabihin ko na lang kaya sa kaniya? Sigh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Will The Hurting StopWhere stories live. Discover now