Prologue

2.8K 60 5
                                    

Somebody's Pov

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Somebody's Pov

Mahirap lalo na kung nakatira ka kasama ang isang Kim Taehyung at ang mas malala pa doon ay asawa ka pa niya. We are in a fix marriage because of a business matter and the promises of our parents that their children must marry each other in the future.

Hindi niya ako mahal pero kung tatanungin niyo ako, "Oo" ang sagot ko. Mahal ko siya nung simula pa lang.. pero ang masakit lang doon kasi may mahal siyang iba.. at hindi magiging "Ako" iyon at never kong mapapalitan ang taong mahal niya bago pa man kami ikasal.

Ang masakit lang doon kasi parang one sided love lang ang love story namin---- Ay! Hindi pala "Parang" kundi Oo, one sided love ang love story namin. Ang sakit 'no? Ewan ko ba pero ang manhid ko na ata para hindi ko maramdaman yung mga binibitawan niyang masasakit na salita sa akin araw araw.. siguro nga ang manhid ko na..

Hindi lang din ako manhid kundi tanga rin.. Oo na tanga na kung tanga ang tingin niyo sa akin pero aminin niyo man o hindi kung nandito kayo sa posisyon ko magagawa nyo rin bang maging matino at hindi maging tanga? Minsan kasi kapag nagmamahal ka hindi mo na alam kung anong gagawin mo kase sa mundo ka na lang niya nakafocus.. hindi mo na alam kung ano ang tama sa mali kasi ang alam mo lang ay ang mahalin siya. Pero siguro hindi na yun tanga diba? Siguro obsession at pagiging martyr na ang tawag dun.

Pero ano nga bang magagawa ko? Asawa lang naman niya ako sa papel. Hindi niya ako mahal.. pinakasalan niya lang naman ako dahil sa kasunduan ng pamilya namin. Paano kung dumating yung panahon na.. bigla na lang siyang mawala sa akin.. paano kung dumating yung panahon na iwanan na lang niya ako? Paano na ako?

Matututunan niya rin ba niya akong mahalin o hindi? Darating pa kaya yung time na masusuklian din niya ang pagmamahal ko sa kanya o baka naman magiging tanga na lang ako at aasa na lang ako sa wala.

Magagawa mo pa kaya akong mahalin Kim Taehyung? O susuko na ako sa pagmamahal ng isang katulad mo?



___________________________________

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights reserved 2016

NOTE: NO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS A CRIME!

Mrs. Kim |TAEHYUNG| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now