Chapter 8

1.2K 41 1
                                    

Note : hi! This is now the edited version. Enjoy reading! ❤❤❤

 Enjoy reading! ❤❤❤

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Ylise's POV

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Ylise's POV

Sinugod si Taehyung sa malapit na hospital. Nandito ako ngayon sa labas ng emergency room at hinihintay na lumabas ang doctor. At in the same time, kinakabahan ako. Paano kung mawala siya? Hindi ko kakayanin.

Nanlalamig na ako at hindi na ako mapakali. Tinawagan ko na rin ang Bangtan. Maya maya pa ay dumating na sila.. agad naman nila akong nilapitan at kinomfort.

"Okay ka lang noona?" Tanong ni Jungkook sa akin. Tumango naman ako.

"Pero... si Taehyung. ." Sabi ko sa kanila. Lumapit naman si Jimin oppa sa akin. He comfort me.

"Shh.. okay lang iyan Ylise. Malakas yang si Taehyung. Alam kong lumalaban yun." Sabi ni Jimin sa akin.

"Tinext ko na rin si tita at tito."Sabi ni Rapmon oppa. Ang daming negative thoughts ang pumapasok sa utak ko.

Lumabas na yung doctor kaya naman napatayo kaming lahat. Lumapit naman si Jin hyung at nagtanong.

"Hindi naman ganoon kalala ang pinsala nang aksidente sa kanya. Actually, mamaya magigising na rin siya. You can visit him now. Excuse me." Pagkatapos ng doktor magpaliwanag ay pinuntahan namin si Taehyung.

"Bibili lang kami ng pagkain at kukuha na rin kami ng damit ni Taehyung. Maiwan ka na muna namin Ylise. " paalam ng bangtan. Tumango naman ako at naiwan ako mag-isa kasama si Taehyung. hindi pa rin siya nagigising.

Hindi ko maiwasang maawa at sisihin ang sarili ko sa nangyari. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya at sabay hinawakan ang kanang kamay niya.

"Sorry Taehyung... sorry talaga.. kasalanan ko ito. Kung hindi ako tumawid ng lutang ang isip hindi ka  sana naaksidente. It was all my fault. Im really sorry..." naiiyak kong sambit sa kanya. Alam kong naririnig niya ako... pero ako naman talaga yung may kasalanan.

Naramdaman ko naman na gumalaw yung daliri niya. It means magigising na siya.. agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mata ayokong makita niya akong umiiyak. Maya maya pa ay nakita kong minulat na niya yung mata niya.

"May masakit ba sayo taehyung?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Umayos naman siya ng upo at inalalayan ko siya.

"Ako dapat ang magtatanong niyan sayo. Hindi ka ba nasaktan? Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang naging ganito sa akin. Bigla ring kumislot ang puso ko. First time ko lang maramdaman itong ganitong pakiramdam. Tsaka first time lang siyang maging ganito ka- concern sa akin.

"O-okay lang ako.." sagot ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti habang nakatitig siya sa akin. Pumipintig ng mabilis ang puso ko.. sobrang bilis na halos kapusin na ako ng hininga.

"Huwag mo nang uulitin iyon." Sabi niya. Tumango naman ako.. nakayuko lang ako dahil alam kong sobrang pula na ngayon ng buong mukha ko. Naramdaman ko naman na itinaas niya ang mukha kong nakayuko at sabay hawi ang buhok ko.

"Hahaha why are you so cute?" Tumalikod ako sa kanya dahil sobrang pula ko na talaga. Peste ka Taehyung! bakit ka ganito?!

"Ylise... bakit ka tumalikod?" Tanong niya sa akin. Alam kong inaasar niya lang ako.

"W-wala ito. T-tsaka may kinuha lang ako may nahulog kasi. " paliwanag ko. Narinig ko naman yung tawa niya. Alam ko na nga ba e.. nangaasar lang siya.

"Hahahaha hindi ko alam na ang cute mo pala kapag namumula at iyang palusot mo laos na yan. " Sabi niya. Lalo akong namula .. ano ba Taehyung! Bakit ka ganito?!

Bigla naman bumukas yung pintuan at iniluwa nito ang bangtan. Waaah! Kainin mo na ako lupa! Ngayon na! Please!

"Ylise okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jhope oppa.

"Bakit ka namumula noona? " Tanong ni Jungkook sa akin.

"W-wala toh. Sadyang mainit lang.. " palusot ko. Tumango naman sila. Pero si Suga oppa at Rapmon oppa ay tila hindi sang-ayon sa sinabi ko.

Ang ingay ingay dito ngayon dahil sa kalokohan at kakulitan nila. Kung tutuusin para talaga silang pamilya. Ang saya saya nila at doon ko nakikita yung ibang side ni Taehyung. Kahit pala off cam sila ganun pa rin talaga sila.

"Noona!! Si Jiminie hyung oh!" Sumbong ni Jungkook sa akin. Natawa na lang ako dahil ang cute nilang dalawa lalo na si Jimin. Nakita ko naman na umiba ang ekspresyon ng mukha ni Taehyung. Hindi ko alam Kung nainis siya bigla dahil doon sa ginawa ni Jimin at jungkook.

Impossible naman na magselos siya or what. Kase hindi naman niya ako mahal. Baka namalikmata lang ako. Maya maya pa ay naiwan na naman ako kay Taehyung. Dahil kailangan ng umuwi ng bangtan dahil may photoshoot pa sila bukas.

"Ylise.. I'm sorry." Sambit ni Taehyung. Hinarap ko naman siya at tinignan. Nagtama ang aming mga mata at iniwas ko naman ang tingin ko.

"Sorry for hurting you.. sorry for being such a jerk. " Sabi pa ulit ni Taehyung.

Naiiyak na naman ako. Ano ba yan ang weak ko naman pagdating sa kanya. Hindi ko kayang maging malakas pagdating sa kanya nagiging malambot ako sa kanya.

"Alam ko naman yung totoo. Don't say sorry.. tsaka ginawa ko naman 'yon para maging masaya ka na. Ayoko naman na lagi ka na lang nagagalit sa akin.. gusto kong maging masaya ka at kahit masaktan ako okay lang." Sagot ko naman. Nakita kong tumango naman siya at medyo napakamot sa ulo niya.

"Don't worry about me. Tsaka hindi ka pa ba uuwi? May pasok pa tayo bukas. " Sabi niya.

"Hindi kita iiwan. Aalagaan kita kahit ngayon lang."Sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya. Maya maya pa ay nakatulog na ako sa sofa.










"I love you and sorry for all I have done. Sorry Ylise... I'm really sorry."

Mrs. Kim |TAEHYUNG| COMPLETED ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin