Chapter 7

1.2K 39 3
                                    

Note : hi! This is now the edited version. Enjoy reading!

 Enjoy reading!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ylise's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ylise's POV

Hawak hawak pa rin ni Taehyung ang kamay ko dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalo akong naluluha. Hindi ko alam kung bakit at alam kong nakatuon ngayon ang atensyon nilang lahat sa aming dalawa.

"Let me go... please." Iyan ang sinabi ko sa kanya. I don't know why... pero honestly pagod na ako.

"Can we talk?" Tanong niya. I looked at him pero wala akong gana para kausapin pa siya.

"Sorry.. I can't. " Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na unti unti nang lumuluwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko and I run away.

_____________

Taehyung's POV

Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lang siyang pinigilan at gusto siyang kausapin. Hindi ko dapat ginawa iyon.

"Sabihin niyo nga sa akin ang lahat!" Maawtoridad na sabi ni Veronica.

"Hahaha.... anong sasabihin?" Tanong ni Jiminie.

"'Wag na nga kayong magsinungaling!" Galit na sabi ni Veronica. Inirapan naman siya ni Jin hyung. Ewan ko ba dyan kay Hyung ang bakla niya lagi.

"Mas mabuting malaman mo ang lahat kay Ylise." Seryosong sabi ni Rapmon hyung.

"Kapag nalaman ko at tungkol ito sayo taehyung! Hindi talaga kita mapapatawad! " galit na sambit ni Veronica sa akin. Umalis siya at sinundan si Ylise.

Naiwan naman kaming pito. Rapmon and Jiminie pat my shoulder. Alam ko naman na mali yung ginawa ko. But I have a reason kaya gusto kong makipaghiwalay.

"Wait. Asaan na nga ba si Zyrene?" Tanong ni J-hope Hyung.

"Sasabihin mo na ba sa kanya?" Tanong ni Jin hyung. Hindi ko pa alam. Siguro hindi na muna, hindi pa ako handa.

"Hindi na muna hyung." Sagot ko. Tumango naman silang lahat.

Nang matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa classroom. Nakita ko si Ylise na nakaupo sa upuan niya habang inaalog siya ni Veronica. Siguro hindi pa rin niya sinasabi kay Veronica ang nangyari sa aming dalawa.

"Ylise! Ano ba! Sabihin mo na yung totoo!" Sambit ni Veronica kay Ylise. Pero hindi umimik si Ylise.

Nang makaupo na kami sa upuan namin ay naririnig ko pa rin ang pagsusumamo at pangungulit ni Veronica kay Ylise. But still... Ylise didn't bother to say anything.

"Ylise naman! Ganyan ka na ba ha?! Akala ko ba magkaibigan tayo?" Tanong ni Veronica kay Ylise. Nilingon naman siya ni Ylise.

"Tama na Veronica. Sasabihin ko rin naman sayo pero please... huwag muna ngayon." Sagot ni Ylise. Napatigil naman si Veronica sandali.

"Kasi Veronica ang sakit sakit na at feeling ko once na sabihin ko sayo lahat lalo lang gugulo. Alam mo naman na pagod na pagod na ako... Kaya please... huwag ka munang sumabay." Sabi pa ni Ylise.

"Kung pagod ka na... Bakit hindi ka pa tumigil? Bakit patuloy ka pa ring kumakapit?" Tanong ni Veronica.

"Kasi mahal ko pa.." sagot ni Ylise. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit? bakit parang pati ako nalulungkot pero in the same time natutuwa ako.

"Mahal mo nga siya pero bes, matagal ka na niyang sinukuan... matagal ka na rin niyang inalis sa buhay niya... may mahal siyang iba... At ilang beses ka na niyang sinaktan!" Medyo naiinis na sabi ni Veronica.

"Alam ko... Kaya nga mas pinili kong palayain na siya kasi alam kong doon siya sasaya...at masaya na rin ako doon." Sabi ni Ylise.

"Wag ka ngang martyr!" Giit pa ni Veronica.

"I choose his happiness over mine." Iyon ang huling sinabi ni Ylise bago pumasok si ma'am Kang. Ang sakit... bakit ganon! I let her suffer this kind of situation.

Pagkabalik namin sa dorm hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi ni Ylise kanina. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Argh! Ylise why do you keep on bothering me!

*New message*

Agad ko naman binuksan yung message at nakita kong si Zyrene yung nagmessage.

From: Baby Zy

Babe, Tuloy pa ba tayo bukas?

Oh shit! Bakit ko ba nakalimutan yung date namin ni Zyrene bukas?! Shit! Hindi ako pinayagan dahil may photoshoot kami bukas. Fvck!

To: Baby Zy

Sorry babe, may photoshoot kami bukas.

Napasabunot ako sa buhok ko. Kailangan kong bumawi sa kanya.

*New message*

From: Dad

We are not yet done  Kim taehyung. Let's talk now. Let's meet at the coffee shop near your dorm. ASAP.

Shit! Napahilamos naman ako dahil alam kong alam na nila yung tungkol sa paghihiwalay namin ni Ylise. At alam kong pipilitin nila kaming dalawa ni Zyrene na paghiwalayin.

*Coffee shop*

Nang makarating ako sa coffee shop ay nakita ko kaagad ang seryosong mukha ni dad. Umupo ako sa upuan sa harap niya, he put down the coffee he's sipping.

"Bakit mo hiniwalayan si Ylise? Explain." Seryosong sabi ni Dad.

"Dad.. you already know the reason why." Sagot ko kay dad.

"You need to break up your relationship with Zyrene whether you like or not." Maawtoridad na sabi ni Dad.

"Pero dad!" tutol ko kay Dad.

"Walang pero - pero taehyung! You need to do it o ako ang gagawa para mapaghiwalay ko kayong dalawa? Mamili ka taehyung." Galit at maawtoridad na sabi ni Dad.

"No! Hindi ko siya hihiwalayan dad!  Si Zyrene ang pinipili ko!" Sagot ko Kay dad. I stood up at bago pa man akong umalis.

"Kung yang babaeng iyan pa rin ang pinipili mo! Ako na ang gagawa ng paraan para mapaghiwalay ko kayong dalawa." Galit na sabi ni Dad.

"At sa oras na umalis ka sa harapan ko hindi ako magdadalawang isip na ipatigil ka sa pagiging idol mo at sisirain ko ang career mo." Galit na sabi ni Dad.

"Sorry dad.. but I choose her more than my career at alam kong maiintindihan mo rin ako dahil minsan ka na ring nagmahal." Iyan ang huling sinabi ko kay dad bago ako umalis sa Coffee shop na iyon.

Bigla ko naman nakita si Ylise sa hindi kalayuan at nakita kong may paparating na truck. Tumakbo ako ng mabilis at agad ko siyang tinulak...








"Taehyung! Taehyung! Gumising ka!" Iyan yung mga huling kataga bago ang lahat ay naging itim.

Mrs. Kim |TAEHYUNG| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now