SPECIAL CHAPTER 2

359 18 3
                                    

Ylishya's POV

Sa lahat ng mga nanliligaw sa akin ni isa sa kanila ang hindi nakabihag sa puso ko. Oo, I take their gifts for me but there is something that lacks of. Parang walang spark ganon.

Napatigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang may nakatapon ng iced tea niya sa damit ko. Parehas kaming gulat ng lalaking nakatapon. Oo lalaki siya. Pero kaagad din napalitan ang Gulat ko ng Inis.

"Omygad! What the..." Inis na sambit ko sa estranghero na ito. Nakita Ko pang napakurap kurap pa siya at dali daling inilabas ang panyo niya.

"Here, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. " He tried to comfort me but I don't care. Inis ko siyang tinapunan ng tingin at hindi tinanggap ang nakalahad niyang panyo.

"Hindi mo man sinadya or what, natapunan pa rin ang damit ko." Iniwan ko na siya doon sa kinatatayuan niya at naglakad na ako paalis sa estranghero na iyon.


Ano na? Nasira na ang araw ko. Natapunan ako at yung lalaking nagsabi na may date kami ay hindi naman sumipot. Dapat hindi na lang akong pumunta rito at nag lock na lang sa loob ng kwarto ko.

Naghihintay ako ngayon sa isang waiting shed dahil wala pa yung driver namin at ayoko naman maghintay pa roon sa mall na iyon. Umupo muna ako rito sa bench dito at pinapanood lang ang paggalaw ng mga sasakyan at paglakad ng mga tao.

"Here. Take this. Buti na lang nakita kita ulit." Rinig Kong sambit ng isang tao na nakalahad ngayon sa mukha ko ang isang brown na paper bag.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko na naman ang ng estranghero na ito. Hinahantay niya pa rin ang pagtanggap ko sa paper bag na dala dala niya.

"I don't accept gifts from strangers." Mataray kong saad sa kanya.

Inalis naman niya ang paperbag na nasa harapan ko at umupo sa bench na kinauupuan ko pero may malaking Space sa pagitan namin.

"Ang taray taray mo, Miss. Hindi ka niyan magkakaroon ng asawa kung ganyan ka." Sambit nung estranghero na ito sa akin. Masama ko siyang tinignan.


"I don't care." Inis na saad ko sa kanya. Bakit ba siya nandito pa rin? Dapat umalis na siya at iwan na lang ako dito.

"Okay. Tsaka bakit ka nga pala nandito? Mukha ka namang may kotse kaya dapat sa parking lot ka pupunta hindi dito sa waiting shed." Aniya na naman nitong estranghero na ito. Hindi ba siya nauubusan ng salita? Tss.

"Can you please shut up? Hindi ka ba napapagod sa kakasalita? Tsaka pwede ba, huwag kang Feeling close." Pambabara ko sa kanya.


Hindi na siya umimik pang muli at sa wakas hindi na siya nagsasalita pa ulit. Nakatingin lang ako at patuloy na pinagmamasdan ang nangyayari sa kalsadang ito. Asaan na kaya si Manong Paul? Bakit ang tagal naman ata niya?

"Aish.. ang tagal naman." Singhal ko.  Sinipa ko iyong maliit na bato na nasa harap ko.

"I can offer a ride." Suhestyon nung estranghero sa akin.

"Ayokong sumama sa mga stranger baka kung saan mo ako dalhin. Imbes na iuwi ako." Tangi ko sa kanya.

"Aish, look... I'm just being a good stranger here offering you a ride. Hindi naman kita sasaktan or what." Depensa niya sa sarili niya.

Mrs. Kim |TAEHYUNG| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now