Chapter 15

1.1K 45 2
                                    

Ylise's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. At bigla akong napabangon dahil 30 minutes na lang bago ako pumunta sa park Para makipagkita Kay Taehyung.

Dali dali akong naligo at nagluto ng almusal. Paglabas ko ng kitchen ay agad Kong binuksan ang cellphone Ko at tadtad ako ng text messages ni Taehyung.

Taehyung : good morning. :)

Taehyung : see you later at the park. Don't be late.

Taehyung : busy ka ata. Maybe naghahanda ka na.

Taehyung : I'll wait for you no matter what. Hindi ako aalis dito hangga't di ka dumadating. :)

Nang may nakita akong taxi ay pinara ko na agad ito. Pagkarating ko sa park ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan kaya dali dali akong tumakbo Para mahanap si Taehyung. Lagpas 9 na rin ako nakarating at dahil sa pagmamadali ay di na ako nakapagdala ng payong. Nang makita ko siya ay nandun pa rin siya sa isang bench habang nagpapaulan. Hindi man lang siya kumikibo don.

Nang makalapit ako sa kanya ay tumingala siya sa akin sabay ngumiti. Hindi ko Alam kung nananaginip ba ako or what. Pero ngayon ko lang siya nakitang ngumiti sa akin. I feel my heart beats faster. Para akong nasa ulap at bale wala man lang sa akin Kung magpaulan man ako. Tumayo naman siya.

"I didn't broke my promises. Hinintay Kita kahit na umulan pa at mabasa ako dito. Hindi ako umalis katulad ng sinabi ko sayo." Sabi niya sabay ngumiti sa akin. Kakaiba Yung ngiti niya. Hindi nga siya umalis at talagang naghintay siya sa akin kahit umulan pa. Alien nga talaga tong lalaking toh. Napangiti naman ako sabay siyang niyakap kahit na patuloy pa rin umuulan. Hindi ko ramdam Yung lamig at ginaw. Nakatapat ngayon ang tenga ko sa matipuno niyang dibdib at naririnig ko Iyong tibok ng puso niya. Napangiti ako nang di inaasahan.

"Basang Basa na tayo. Tara dun tayo sa tree house na yon." Rekomenda ko sa kanya. Tumango naman siya at agad kaming sumilong sa tree house na nandito sa park. Hinubad naman niya Yung t-shirt niya at umm... may abs nga bess.. may abs ang hot tuloy dito ngayon. Shet.

"Hindi mo ba huhubarin yang damit mo? Baka lamigin at magkasakit ka pa." Sabi niya. Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil topless siya ngayon at hindi ko kayang tignan siya ng ganun ang sitwasyon niya.

"H-hindi ko na huhubarin. Okay lang naman ako at di naman ako nilalamig " Sagot ko. Hindi naman ako nilalamig e. Sadyang ang hot talaga ngayon dito. Paano ba naman nakatopless lang siya. Ang hot hot tuloy dito sa loob. Lord alam Kong Mali toh pero hayaan nyo na po muna akong halayin siya. Once in a life time lang toh mga bess. Kahit nabasa Yung mga pandesal pwede pa rin naman kainin.

Ano ba naman itong pumapasok sa isip ko. Bad yan Ylise. Stop it okay? Di yun maganda. Wag Kang maging mahalay. Hindi healthy sa brain and heart mo yan. Kaya stop that. Pero shet naman Kase. Aish! Stop na okay.

"Ylise.." tawag niya sa akin. Lumingon naman ako sa kanya at nagtama ang aming mga Mata. Agad tuloy akong napaiwas ng tingin. Biglang tumibok na naman yung puso ko.

"Bakit? " Tanong ko SA kanya. Hinawakan naman niya Yung kamay ko at na feel ko Yung kuryente nang bigla niyang hinawakan Yung kamay ko. Parang may sparks Ganon. .


"Sorry for everything I have done to you. Sorry sa lahat. Sorry for hurting you. Gusto Kong bumawi sayo Para sa lahat ng mga problemang dinulot ko sayo. Ayokong maging malungkot ka nang dahil sakin. Gusto ko ring makabawi sa mga pagkukulang ko sayo. Gusto Kong maging masaya ka na ulit. Gusto ko gumawa ulit tayo ng bagong memories. Sa totoo lang nagsisisi ako sa mga ginawa Ko sayo noon." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga Mata. "Alam Kong hindi mo ako mapapatawad ng Ganon Ganon lang. Alam Kong nasaktan Kita ng sobra. Alam Kong hindi ako naging mabuti sayo at hindi ko nakita ang halaga mo. Sorry... gusto Kong patunayan sayo that you deserve to be loved. Hindi ko naman hinihiling na bigyan mo ako ng second chance. Kase kahit hindi mo sabihin yon ay papatunayan ko pa rin sayo na Kaya kitang mahalin at pasayahin. " Sabi niya at Saka pinisil ang kamay ko. I held his chin at Saka pinatingin ito sa akin. Direct into my eyes.

"You don't need to do this Taehyung. Kahit hindi mo naman gawin ito ay bibigyan pa rin naman Kita ng pagkakataon Para iprove mo sa akin na deserve Kita. At Matagal na kitang pinapatawad Taehyung. " nakangiti Kong Sabi sa kanya. Nakita Ko ang Gulat sa mukha niya at sabay ngumiti sa akin sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik. Napangiti na lang ako Ng di Ko inaasahan.



"Thank you Ylise, thank you talaga." Sabi niya sa akin. Kumalas naman na kami sa pagkakayakap at tumila na pala Yung ulan. Hinatid namna niya ako sa condo unit ko since Basang Basa pa rin kami at sayang di tuloy natuloy Yung date namin. Pero at least naging okay na kami. Hayss.. ang inaalala ko na lang si Jungkook.


Then I received a message from Jungkook. .

From : Kookie

Noona, attend ka sa concert namin ngayon sa Japan. I need your support there. Susunduin ka rin namin nila hyung papunta sa venue. I don't accept no instead a yes. :) see ya Tom.

Napangiti naman ako, so makikita ko na ulit Yung bangtan. Kaso sino sa kanilang dalawa Yung susupportahan ko. Supportahan ko na lang sila parehas Para fair. Ayoko naman maging unfair sa isa sa kanila.


Veronica is calling...


{BESHIIIEEE! AATTEND KA BUKAS?} Sigaw at excited na Sabi ni Veronica sa akin. Ang sakit sa tenga nung Sigaw niya pero Keri ko pa naman.

"Oo aattend ako. Bakit?" Sagot ko Kay Veronica. Narinig Ko naman Yung hagikgik ng babaeng toh. Grabe ang baboy na niya.


{UY beshie, paano yan.. sino sa dalawa ang susupportahan mo Tom? } tanong naman ni Veronica sa akin.

"Both. Ayoko naman maging unfair sa isa sa kanila. I will support them both. Para fair. " sagot ko Kay Veronica. Narinig Ko naman Yung tili niya na parang kinikilig sa sinabi ko. Loka Loka talaga itong babaeng toh.



{Yieeeee ang sarap putulin yang buhok mo na kasing haba Yung buhok ni Rapunzel.} Sabi niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Loka Loka takaga Yung Lola niyo. Pagkatapos ng usapan namin ni Veronica ay agad naman akong napahilata sa kama since feeling Ko di ako okay.

Nagshower muna ako bago humilata sa kama. Feeling Ko talaga lalagnatin ako ngayon.. aish, ano ba Kaseng pumasok sa isip ko na magpaulan ayan tuloy. Kinuha ko Yung thermometer Para icheck Kung may lagnat ako. 37.5°C shocks. May Lagnat ako.

Siguro itutulog ko na lang ito. Since ang sakit ng katawan Ko at ayokong tumayo tayo ngayon dahil ang sakit ng ulo Ko. Sana bukas wala na ito bukas.





____________________________________

MAGANDA NYONG OTOR KAPAG NAKATALIKOD : Comment naman kayo guys Para ganahan akong magsulat. Comment lang guys! Vote na rin kayo para everybody happy. ):)



Mrs. Kim |TAEHYUNG| COMPLETED ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα