Chapter 4

1.2K 52 2
                                    

Note : This is now the edited version. Enjoy reading!

 Enjoy reading!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ylise's POV


Maaga akong nagising dahil ngayon na pala ang anniversary namin ni taehyung pero syempre mamaya pa iyon uuwi---- lagi naman e. Tsaka Sunday ngayon at kailangan ko ng sulitin ang araw na ito. Kasi bukas wala na e. Bukas hindi ko na siya asawa.. bukas ako na lang mag-isa. Kaya habang may pagkakataon pa ako susulitin ko na.

Nandito si Veronica para tulungan ako sa pagdedecorate at pagbake ng cake. Gusto ko na maging special ang araw na ito.This will be the last time na makakasama ko siya. Ano ba iyan!naiiyak na ako kaagad wala pa nga. Kailangan maging masaya ang araw na ito hindi ako pwedeng pumalpak.

"Seryoso ka bang okay na 'to?" Tanong ko kay Veronica . Baka kase pangit e. Ayoko namang pumalpak ako ngayon, last na nga ito tapos papalpak pa ako.

"Oo, Ang cute kaya!" Sabi ni Veronica. Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol sa annulment papers na binigay ni Taehyung. Ayoko naman na magsinungaling sa kaibigan ko pero sasabihin ko rin naman sa kanya bukas.

"Thank you bes sa pagtulong mo sa akin." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Sige, aalis na ako ah. Enjoy your day!" Pagpapaalam ni Veronica. Tinignan ko naman yung oras.. 6 pm na pala. Kailangan ko nang mag-ayos. Maya maya pa ay nakaayos na ako at hinihintay na lang na dumating si Taehyung.

Bigla naman akong napaayos ng tayo nang makita kong pumasok na si Taehyung. He's really tired..

"Akin na itong bag mo." Sabay kuha ko sa bag niya. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya.

Nakita kong tinignan niya yung mga balloons at mga pictures niya at ako na inedit ko pa. Wala kase kaming picture na magkasama mayroon naman kami kaso nung ikinasal pa kami noon.

Mrs. Kim |TAEHYUNG| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now