Chapter 1

942 23 0
                                    

"San ka na naman pupunta dude?"

"Kahit saan basta malayo dito"

"Hanggang kailan ka ba magtatago?"

"Bakit naman ako magtatago?"

"Eh ano yang ginagawa mo?"

"Wala.. di ko na naman kailangang magtago... wala namang maghahanap sa akin.. daig pa nga ako ng cellphone eh.. buti pa yun pag nawala hinahanap"

"Di daw hinahanap.. eh ano yun?"

"Uh oh! Bye dude.." sabi ko sabay takbo ng mabilis.

---------

"Bro, san punta mo?"

"Dyan lang.."

" Saan?"

"Basta dyan lang.." sabi ko sa kanya at umalis na ako. Sinuot ko na rin ang headphones ko. Bahala na siya.

--------------------

Tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako mahabol. Nakakainis naman kasi. Di ko naman kailangan ng mga yun eh. Kaya ko naman na sarili ko. Tsaka ano ba, malaki na ako.. I just want want to be free..

-------------------

Papunta ako ngayon sa favorite hideout ko. Doon ko gustong pumunta pag gusto ko ng katahimikan. Wala din kasing masyadong nakakaalam ng lugar na iyon. Ako nga lang yata. Simula college ako dun na ako pumupunta. Tahimik, sariwa ang hangin, peaceful at hmmm basta feeling ko at home ako pag nandun ako. Sa totoo lang nagtayo na rin ako dun ng tree house. Para mas komportable pag nandun ako.

Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko medyo malayo kasi dito yung pupuntahan ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko nang biglang...

----------------

Ano ba yan?! Ang bilis naman nilang tumakbo.. nakakapagod ha... nakakainis naman tong mga 'to.. muli ko silang nilingon nang biglang..

"Aray.."  wika ng nabangga ko.

"Sorry.. di ko sinasadya.." sabi ko sabay takbo ulit.. di nila ako pwedeng maabutan.

--------------

Grabe naman yun.. di kasi tumutingin sa dinadaanan ehh.. hayaan na nga natin yun.. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko yung sasakyan ko.  Sumakay na ako at pinaandar ko na yung sasakyan. Paliko na sana ako sa may kanto ng may biglang humarang sa sasakyan ko.

Kinabahan ako dun ah. Kung di ko napreno agad malamang ay nabangga ko yun.  Bababa sana ako ng sasakyan para icheck kung talagang hindi siya nasaktan pero nagulat ako ng dali dali niyang binuksan ang pinto ng sasakyan ko at sumakay sa harap.

"Wag kang mag-alala.. hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang makaalis dito. Kaya please paandarin mo na yung sasakyan. Ipapaliwanag ko sayo mamaya pag nakalayo na tayo." Sabi nanan niya sa akin.

Di ko alam kung pagtitiwalaan ko siya o hindi, pero mas hindi ko alam kung bakit pinaandar ko ang sasakyan at dali daling umalis kung nasaan kami. Di naman siya mukhang masamang tao eh.. pero kung sakali man.. marunong naman ako ng self defense. Hahah

"Oi.. miss anong ginagawa natin dito.. bakit dito ka huminto?"

"Para sigurado, kamalayan ko ba kung masama ka talagang tao.." sabi ko sa kanya.

"Miss hindi ako masamang tao.."  sagot naman niya.

"Kung hindi ka masamang tao, bakit ka hahabulin ng mga taong yun?" Tanong ko sa kanya.

"It's none of your business" sagot niya.

"Ah ganun?"  Sabi ko sabay baba ng bintana ng sasakyan ko.. "Manong pulis.. may hgwhbeyhxbydsjncb"

"Fine.. I'll tell you! Pero wag dito please.." sabi niya. Tinanggal ko naman yung kamay niya na pinantakip niya sa bibig ko.

"Bakit wag dito?" Tanong ko sa kanya.

"Basta.. ganito na lang.. ililibre kita kahit saan mo gusto.. dun ko ikkwento sayo.."

"Ay.. don't me miss.. alam ko yung mga modus na yan.. libre libre tapos the next thing I knew you already took something from me"

"Hindi nga ako ganun miss.. kaya please lang.. alis na tayo dito"  pagmamakaawa niya.

"Bakit nga?" Tanong ko ulit.

"Basta.. please.. alis na tayo dito..." sumeryoso naman na ang mukha niya at ramdam ko na ayaw niya dito kasi parang natatakot siya na hindi mo maintindihan.  Maya maya naman ay may kumatok sa bintana ng kotse ko.  binaba ko naman yung bintana..

"Miss, may problema ba?" Tanong ni manong pulis. Tinignan ko naman siya. Nakatingin siya sa kabilang side at halata mong di siya komportable na may pulis akong kausap.

"Ahh wala boss.. misunderstanding lang.. lam mo na.. hehe" sabi ko kay manong pulis

"Ahh ganun ba.. sige.." sabi niya sabay alis. Pinaandar ko na yung kotse ko at tumungo na kung saan naman talaga ako pupunta. Tinignan lang ako ng katabi ko at napangiti siya.. nag mouth lang siya ng "thank you" at lumingon na siya sa kabilang side.

"Ahm miss.." tawag ko sa kanya..

"Mm?"

"Diba sabi mo lilibre mo ako kung saan ko gusto?" Tanong ko.

"Yes.. why?" Sagot niya.

"Alam kong napagod ka sa pagtakbo.. matulog ka muna kung inaantok ka.. medyo malayo kasi dito yung gusto kong puntahan.." sabi ko. Tumango naman siya bilang pagtugon. Maya maya ay napansin kong nakatulog nga siya. Panandalian kong hininto yung sasakyan. Binaba ko yung sandalan ng upuan niya para mas makapagpahinga siya ng maayos. Sinuotan ko na rin siya ng seatbelt.. ang pasaway kasi ehh.. di man lang nagseatbelt.

Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho ko. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko lubos maisip kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kung bakit pinagkatiwalaan ko siya at kung bakit sa lahat ng lugar ay doon ko siya naisipang dalin.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now