Chapter 17

376 13 1
                                    

"Ahhhh.. Mika.. diin mo pa.." 

"Okay love."

"Mmm.. sarap.. ganyan ngaaa.."

"Gusto mo pa?"

"Araaaay.. dahan dahan naman love."

"Ayy.. sorry.. sabi mo kasi diin pa eh.." 

"Nasobrahan eh.. tuloy mo na love."

"Okay, one last baby.. pagod na ako eh..."

"Okay love.... ahhhhh.. saraaap! Thank you love!"

"Walang anuman.. ikaw ahhh.. pinagod mo ako.."

"Napagod din naman ako kaninaaaaa..." 

"Abaaaa.. at sino naman kasing nagsabi na gawin mo yun Vic?"

"Wala.. pero aminin mo natuwa ka naman sa mga ginawa ko.." sabi ko sabay kindat sa kanya.

"Oo na... natuwa talaga ako.. hahaha.. pero di ko naman sinabi sayo na lahat ng games sa event salihan mo.. ayan, sumakit tuloy katawan mo." sabi ni Mika.

"Okay  lang no.. basta para mapasaya ka.. tsaka anong sakit sakit ng katawan.. wala na oh.. galing ng masahista ko eh.." sabi ko naman sa kanya.

"Baliw!" sabi niya naman sakin. "tara, sleep na tayo pagod na rin ako eh.." 

"Okay love.." sabi ko sabay halik sa noo niya.

"Good night!" sabi niya sakin sabay yakap. Ghhhaaaaad! Sana di na matapos itong gabing to. Sobrang saya ko supeeer.

Kinabukasan, nagising ako sa halik ng mahal ko.

"Mahaaal.. gising na.." sabi niya habang binubugbog ng halik ang mukha ko. At syempre dahil nag eenjoy pa ako ay di ako agad gumising. "Mahal naman eh. pag di ka gumising dyan, uuwi na ako ng Manila at papakasal agad ako kay Jeron." 

Dali dali naman akong tumayo. Ayoko ngang pakasalan niya yung mokong na yun. Napatingin na lang ako kay Mika dahil bigla siyang natawa. Napakunot naman ako ng noo.

"Bakit ka tumatawa?" sabi ko kay Mika.

"Kasi ang cute mo. Tara na breakfast na tayo mahal." sabi niya sakin sabay tayo. Hinila ko naman siya agad paupo sa aking lap at saka hinalikan siya sa kanyang labi. Ang cute ng mahal ko, bigla siyang namula. I pinched her cheeks after that.

"Ang cute mo mahal." sabi ko sa kanya na lalo niyang ikinapula. Dali dali siyang sumiksik sa leeg ko para magtago.

"eehhh.. kainis ka naman eh." sabi ni Mika sakin. Lalo akong natuwa sa kanya. Kainis eh. ang cute cute ng mahal ko... habang nakasiksik siya sa leeg ko ay binuhat ko siya. Bridal carry kung tawagin nila. 

"uyy Vic. ano ba yan?! mahulog ako niyan eh." sabi naman niya.

"Wag kang mag-alala mahal, di ka pa man nahuhulog, nasalo na kita." sabi ko sabay kindat. 

Nandito na kami sa may kainan. Naghanda kasi ng breakfast ang mahal ko. Kaya pala naglalambing na para daw matikman ko naman daw ang luto niya.

"Mahal, baka naman may gayuma to ha..." sabi ko sa kanya.

"Nako mahal, di mo na kailangan ng gayuma, wala pa nga yun patay na patay ka na sakin eh.." sabi naman ni Mika. 

"Grabe siyaaaa! hindi kaya!" sabi ko naman.

"Ahh ganun? so hindi mo ako mahal" sabi niya sakin at nagtampo na. naku patay!

"Eto naman eh, nagtampo agad... Alam mo love" sabi ko sabay hawak sa kamay niya at titig sa mata niya. "Ngiti mo pa lang, nahulog na ako sayo. Yang gayuma na yan.. di niyan mapapantayan ang ngiti mo.. Paano pa kaya pag sinama pa ung maganda mong mga mata. eh di wala na.. uwian na.. dahil may nanalo na.. may nanalo na sa puso ko. At ikaw yun.. Ikaw yun Mika. Ikaw ang mahal ko. Kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman.."  

"Gutom lang yan Vic. Kain na tayo." sabi ni Mika habang pilit tinatago ang ngiti sa kanyang labi.. Nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ay nagready na rin kami pabalik ng Manila. Kailangan ko na kasing bumalik sa Manila dahil may kailangan pa akong tapusin sa opisina.

Hapon na nung makabalik kami sa Manila. Dumeretso muna kami sa bahay ko para makapagpahinga. Nagrequest kasi si Mika na kung pwede ay bukas na lang daw ako magtrabaho ulit. Mahaba haba rin naman daw ang byahe namin. Magpahinga daw muna kami sa condo niya. Pinagbigyan ko na rin siya sa kondisyong sa bahay ko na lang kami. Pumayag naman sya.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming dumerecho sa kwarto ko para makapagpahinga.

___________________________________________________

Gabi na nang magising ako ngunit wala si Vic sa tabi ko. Saan na ba yun? Sabi ng wag muna magtrabaho eh. Ang kulit. Bumangon ako sa kama at lumabas ako ng kwarto para hanapin si Vic. Paglabas ko ay nagulat ako ng makita ko ang mga nakasinding kandila. Dalawang helera ang mga ito at para bang inuutusan akong maglakad hanggang sa makita ko kung saan ako dadalin nito.  Sa dinadaanan ko ay may mga petals ng pula at puting rosas. Dinala ako nito pababa sa hagdan hanggang sa makarating ako sa may garden. Pagtapak ko sa garden ay nagsimulang tumugtog ang mga lalaking may dalang iba't ibang instrumento. 

At sabay ng pagtugtog ng musika ay biglang nagliwanag ang kanina'y madilim na garden. Biglang nagkaroon ng ilaw doon sa may parang kubo sa garden niya.. Nagkaroon ng makukulay na Chrismas lights. Sumindi ang ilaw at nagkaroon ng buhay ang mini fountain sa garden ni Vic. Ang pathway papunta doon sa kubo ay nagkaroon din ng ilaw sa bawat pagtapak ko papalapit doon sa kubo. Pagdating ko doon sa kubo ay nakita ko si Vic. Ngumiti siya sa akin at may inabot sa akin.

"Beautiful flowers for the beautiful lady in front of me." sabi naman niya. Inabot ko naman ang bulaklak. Pagkatapos noon ay inilahad niya ang kamay niya sa akin.  "May I have this dance?" 

Tumango naman ako at sumayaw kami sa saliw ng musika. Tahimik lang kami habang sumasayaw. Dinadama namin ang ganda ng tugtugin. Hinahayaan namin na ang mga mata at puso namin ang magusap. Hindi pa tapos ang musika ng biglang huminto si Vic sa pagsasayaw at lumuhod sa harap ko.

"Mika, mahal.. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya noong sinabi mo na mahal mo rin ako. Hindi mo alam kung gaano bumilis ang tibok ng puso ko at kung paanong ang mga paru paro ay nagliparan sa sikmura ko. Mika, ikaw yung pangarap na sa wakas ay nagkatotoo. Ikaw yung fairy tale na sa wakas nagkaroon ang happily ever after. Hindi ko na kailangang tumaya sa lotto, kasi sayo pa lang parang tumama na ako sa jackpot. Naalala mo noong una tayong magkita, sabi ko sayo, hindi mo ako makukuha sa modus mo, yung libre libre tapos next thing I knew, you'll take something away from me? Mika, that night at the resort, the moment you laid your eyes on me, I knew from then, na you took something away from me. Mika, 5 years, 5 years yung lumipas pero itong puso ko kahit kailan hindi humanap ng iba, kasi from that day until I don't know when, ikaw lang ang nagmamay ari nito. Kaya Mika, I want to make us official. Mika Aereen Reyes, will you be my girlfriend?" maluha luha niyang sinabi ang mga salitang iyan.. At kasabay ng pagtatanong niya sakin ay nilabas niya ang singsing sa bulsa niya.. 

"Nakakainis kaaa!!!"sabi ko sabay punas sa luha kong kanina pa pala pumapatak. "Sana man lang pinagbihis mo ako bago ka nagpropose ng ganyan. naka nighties at robe lang ako ohhh.." sabi ko ulit sabay hampas sa balikat niya. Tumayo naman siya.

"Ano ka ba mahal? You look perfect kahit ano pa yang suot mo.. tsaka di mo ba napapansin? I made sure fair enough ang laban.. Naka sando at boxers lang kaya ako.. naglagay lang ako ng necktie. haha" sabi naman niya. 

"Che! ewan ko sayo!" sabi ko sa kanya.

"Soooo.. ano Mika? ano ng sagot mo." sabi niya sakin. Nginitian ko naman siya at hinalikan sa labi.

"Yes Vic. Yes mahal. I'm yours. I'm all yours!" 

"Yes!" sabi niya at niyakap na niya ako. Kasabay ng pagyakap niya sakin ang pagsindi ng fireworks display. It was indeed a night to remember. Sana laging ganito. Sana lagi kaming masaya. 

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now