Chapter 6

371 21 3
                                    

"Uy, Mika.. nandyan ka na pala.. kain na tayooo"  sabi ni Vic. Ayaw ko nga. Wala na akong gana eh..

"Kain na iha.. pinagluto ka ni Vic.. masarap yan.." sabi ni Manang. haaay.. sige na nga.

"Okay po." Sabi ko. Umupo na ako sa upuan.

"Your mood seems off today Miks.. something's bothering you?"  Tanong ni Vic sakin. Meron nga ba? Tungkol ba to kay Ana? Kaloka.. Ano bang meron samin ni Vic at kung mag inarte ako kay Ana eh ganun ganun na lang.. Mika.. twice pa lang kayo nagkikita ni Vic. You don't even know much about her.. pero ganyan ka na.. tsaka ano ba.. babae kaya kayo pareho.. so stop thinking about it. Umayos ka okay. Vic is just kind enough to help you. Okay?

"Wala naman.. ano.. naisip ko pa rin kasi yung kagabi.." sabi ko sa kanya.

"Wag mo na munang isipin yun Miks, kumain ka na muna.." sabi ni Vic sa akin. Kumain naman na kami ni Vic. In fair, masarap nga yung luto niya. Kaya siguradong maiinlove lalo yung si Ana sa kanya.

Pagkatapos kumain ay nagpunta si Vic sa room niya at ako naman ay  dumeretso ako sa sala nila Vic. Umupo lang ako doon. Nagbugtong hininga.  Hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin. ang problema ko sa tatay ko o yung kakaibang nararamdaman ko kay Vic.  Hmmm.. well, i guess hindi ko naman dapat pagtuunan ng pansin yung kay Vic. Una, wala lang naman talaga yun. She's just a girl who is kind enough to help someone who's in need and I am just a girl who is moved in her act of kindness. Yun lang yun. Now, going back to my dad. Haaay.. kahit kailan talaga.. hindi man niya lang naisip yung nararamdaman ko. Lagi na lang business ang nasa isip niya. Ang nakakainis pa dun, mukhang isinali pa njya ako sa business deal niya para makuha yung partnership with the Teng. Tsk. Paano ko kaya malulusutan to.

"Miks.." bumalik ako sa realidad ng biglang may tumawag sa akin.

"Ano yun?" Sabi ko sa kanya.

"Aalis muna ako.. may aasikasuhin lang ako.. babalik din naman ako.. si Manang muna ang bahala sayo dito" sabi sakin ni Vic.

"Ahhh.. okay sige.. ingat ka." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya..

"I'll try to be back as soon as I can." Sabi niya sabay halik sa noo ko. "Don't think too much okay?" Pagkatapos noon ay umalis na siya. At ako eto, naiwang tulala. Napahawak na lang ako sa puso ko. Hey, hearty, stop.. it was nothing okay.. may Ana na siya.

Bumalik ako sa room ko after umalis ni Vic. At dahil sabi niya ay wag daw akong magisip masyado, ay nagdecide ako na matulog na muna.. pagkagising ko ay lunch time na.. bumaba na ako ulit dahil kinukulit ako ng mga alaga ko sa tyan. Pagbaba ko ay dumerecho ako sa kitchen. Nakakahiya man mang invade ng kusina nila Vic, pero sadyang gutom na talaga ako. Sakto namang kakatapos lang pala magluto ni Manang.

"Oh iha, gutom ka na ba? Sakto, luto na itong pinalutong bulalo ni Vic." Sabi ni Manang sa akin. Bulalo.. naalala ko tuloy yung unang araw na nagkita kami. Ito yung kinain namin noon.

"Medyo gutom na nga po ako eh.. haha" sabi ko naman kay Manang.

"Sige, maghahain na ako para sayo.." sabi niya sa akin.

"Tulungan ko na po kayo manang.. sabay na rin po tayong kumain."

Pagkatapos naming maghain ay kumain na kami. Humigop na ako ng sabaw. Bigla naman akong natigilan nung natikman ko.

"Bakit iha? Hindi ka ba nasarapan?" Tanong ni Manang sa akin.

"Ay.. nako.. hindi po sa ganun.. masarap po.. sobra.. may naalala lang ako na kalasa nito."

"Kalasa?"  Tanong ni Manang.

"Opo.. nung unang beses po kasi na magkita kami ni Vic.. dinala niya po ako sa isang kainan.. ganitong ganito din po ang lasa ng bulalo nila.."

"Talaga? Baka yung kina Mila ang tinutukoy mo?" Sabi ni Manang.

"Ayun.. Mila nga po yata.." sagot ko naman.

"Recipe kasi ng pamilya ko to.. nakababatang kapatid ko yung si Mila." Sabi niya sakin.

"aahhh.. kapatid niyo po pala siya.." sagot ko naman.

"Oo.. hmm.. so ikaw pala yung nakwento ni Mila na unang babaena dinala ni Vic duon.. yung girlfriend niya.. kaya pala todo asikaso si Vic sayo"

"Nako, hindi po.. haha.. napagkamalan lang po kami nun.. pero hindi po kami.." depensa ko naman.

"Ikaw naman iha.. sakin ka pa nahiya..." sabi niya. Nako si Manang talaga.. alam niya naman na may Ana na si Vic ehh..

"Hindi po talaga Manang."

"Haay..hahaha.. baka hindi PA" pagdidiin niya dun sa PA.. "pero batid kong mahalaga ka kay Vic"

"Paano niyo po nasabi?" Tanong ko naman.

"Alam mo kasi.. naalala ko.. may sinabi siya sakin dati" sabi ni Manang.

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Yung unang dadalhin kong babae sa bahay na to ay siya na ang pakakasalan ko.. yan ung eksaktong sinabi niya.."

"Eehh.. Manang.. hindi naman po siguro ako yung unang babaeng dinala niya dito.." sagot ko. "Tsaka baka di naman totoo yun.."

"Pagdating sa pag-ibig... seryoso yang si Vic." Bakit ba pinupush ni Manang.. ehhh may Ana nga.

Natapos na kaming kumain ni Manang. Nakapagligpit na rin kami ng pinagkainan. Lumabas na muna ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin. Napadpad ako sa mini garden dito sa bahay ni Vic. Ang ganda dito. Mahangin, maaliwalas ang paligid.. may maliit na kubo sa may sulok para mapagpahingahan. Pumunta ako sa kubo para umupo. Mula doon ay ninamnam ko ang kagandahan ng mga tanim na halaman at bulaklak. May orchids, may rosas, at kung ano ano pa.. ang ganda sana kumuha ng litrato.. kaso narealize ko.. wala pala akong dalang cellphone nung tumakas ako. Naiwan ko kasi yung bag ko sa inuupuan ko. Pati wallet ko andun. Kaloka diba.. nagpalipas ako ng oras dito sa may kubo.. di ko namalayang nakaidlip pala ako.. nagising na lang ako ng maramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko. Pag dilat ng mata ko ay bumungad sa akin ang isang puting rosas.

"White rose for the beautiful lady in front of me." Sabi sakin ng kaharap ko ngayon.

"Sus, nambola ka pa.. siguro sinasabi mo yan habang binibigay mo yan sa lahat ng babae na dinala mo dito sa garden mo" sabi ko.

"Wala pa kong dinadalang babae dito.." sabi ni Vic. Aahh. I get it.. baka naman kasi hindi dito sa garden.. baka sa loob ng bahay.

"Weh? Baka wala pa sa garden.. hahaha.. bakit? Ilan na bang babae ang nadala mo dito sa bahay mo?"  Tanong ko naman sa kanya.

"Isa pa lang" sagot niya.. baka si Ana na yun.

"Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw pa lang.." ha? Lokohan to eh.

"Ako?"

"Oo.. ikaw.. unless..... hindi ka babae? Hahah" sabi ni Vic. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ikaw kasi.. ayaw mong maniwala.. sabi ng ikaw pa lang"

Ako pa lang? A-ako? Biglang may nag flash sa utak ko. Yung sinabi ni manang na sinabi ni Vic. Yung unang dadalhin kong babae sa bahay na to ay siya na ang pakakasalan ko. So, ako yung pakakasalan niya? WRONG ANSWER! May Ana nga siya.. ang kulit ko naman. Bumalik ulit ako sa realidad ng tapikin ni Vic ang braso ko.

"Huy.. Miks.. tulala ka na naman.. tinatanong kita eh.. so, ano.. tayo na?"

"A-ano? Tayo na?" 

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now