Chapter 22

347 16 4
                                    

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" nagising ako sa lakas ng sigaw ng kung sino man. Napadilat ako ng biglang may tumulak sakin.

"Aray!! Ano baa? kita mo n--" napatigil ako bigla nang makita ko kung sino yung tumulak sakin.

"A-anong ginagawa mo dito?" sabay naming bigkas.

"Kwarto ko to" sabay naming bigkas ulit. 

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Dad na kakapasok sa kwarto ko. "May narinig akong malakas na sigaw kaya napatakbo ako agad dito." 

"Okay ka lang ba Mika?" tanong ni Dad kay Mika.

"O-opo.. nagulat lang po ako." sabi naman niya.

"Kailan ka pa dumating dito anak? bakit di ka man lang nagpasabi?" tanong sakin ni Dad.

"Kagabi lang Dad." sabi ko naman.

"Pasensya ka na Mika.. hindi ko alam na darating pala yung anak ko." sabi ni Dad.

"Anak? Siya po yung anak niyo?" tanong ni Mika.

"Oo, Mika si Vic.. Vic si--" sabi ni Dad.

"I know her dad. I know her very well" sabi ko na lang.

"Talaga? Paano? wait, save that story.. magayos na muna kayo.. mamaya na kayo magkwento... magpapahanda lang ako ng agahan kay Manang." sabi ni Dad sabay umalis.

Hindi ako makapaniwala na yung babaeng ilang linggo ko na hinahanap ay nandito na sa harap ko. Nandito lang pala siya sa bahay namin. Paano kaya siya nakarating dito.

"Ye, paan--" hindi niya ako pinatapos magsalita. 

"Mauna na akong magayos sayo." malamig niyang sabi sabay pasok sa banyo. Galit pa rin siguro sya sakin. Nabasa kaya niya yung liham ko sa kanya. 

Kumuha lang ako ng damit ko at pumunta sa room ni Ana. Dun na muna ako naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong dumerecho sa dining area. Nakita ko dun si Dad na nagkakape.

"Hi anak. Kamusta?" bati sakin ni Daddy.

"Okay naman ako Dad. ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Okay naman anak.. eto nakakarelax kahit papaano."

"Mabuti naman Dad." sabi ko naman sa kanya.

"Bakit nga pala napaaga ang dating mo?.. Ang sabi mo ay sa isang araw ka pa pupunta dito?" tanong sakin ni Daddy.

"Namiss kasi kita Dad. Tsaka gusto ko sanang  dumito muna para makapagisip isip at kahit paano makalimot." sabi ko.

"At ano namang gusto mong kalimutan anak?" sabi ni Dad.

"Ako. ay mali, nakalimutan na pala talaga ako" mahinang sagot ng pamilyar na boses.

"Mika.." sabi ko na lang.

"Anong sabi mo iha?" sabi ni Dad.

"Wala po tito... ang sabi ko.. nandito na po ako." sabi naman niya.

"Halika  na iha, kumain na tayo." sabi ni Dad. 

Umupo na si Mika sa tapat ko. Tahimik lang siyang kumakain.

"Paano pala kayo nagkakilalang dalawa?"tanong ni Dad samin.

"Ah.. sa school po dad. pareho kami ng school nung college." sabi ko kay Dad.

"Anong kurso mo Mika?" 

"Psych po." sabi ko naman.

"Aahhh.. so ngayon na lang kayo ulit nagkita after college?"

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now