Chapter 18

324 11 0
                                    

It's been a month simula nang maging kami ni Vic. Sobrang saya ko talaga. Vic never fails to make me happy and feel loved. Kahit madalas siyang busy sa company niya, she made sure na lagi siyang may oras para sa akin. And as for me, lagi ko rin pinaparamdam sa kanya na mahal ko sya. Parang ngayon, I am preparing dinner for us dito sa condo ko. Ako naman ngayon, lagi na kasing si Vic eh. Plus monthsary kasi namin ngayon. Nagsabi ako sa kanya na dito na lang kami magdinner. Di naman na siya na ka angal.

"Hiiiieeeee!" sagot ko dun sa tumawag sa telepono ko.

"Wow! Excited ka yatang kausapin ako ngayon?" sabi ng kausap ko. I checked my phone. Si Jeron pala. tsss.. dapat di ko na lang sinagot eh.

"You wish!" sagot ko naman sa kanya.

"Whatever Mika.. By the way, ipapasundo kita tonight sa driver ko. Ipapahatid kita sa hotel na tutuluyan mo.." sabi naman niya sakin.

"What hotel?" sabi ko sa kanya.

"Don't tell me nakalimutan mo Mika... kasal na natin bukas. At dun ka na magstay sa hotel ngayong gabi. Kaya maghanda ka na."

"Bukas??? sinong nagsabing bukas na yun? di naman ako pumayag!! at lalong hindi ako pumapayag na magpapakasal ako sayo. Kaya wag mo na siyang papuntahin kasi masasayang lang ang oras niya. Bye!" 

Nakakainis talaga yung taong yun. Bahala siya sa buhay niya. Magpakasal siya magisa. Itutuloy ko na lang tong paghahanda para sa monthsary namin ni Vic. Patuloy akong naghanda. Pagkatapos ay naligo na ako para naman pagdating ni Vic ay maayos akong tignan. Matapos akong makaligo at makapagayos ay umupo muna ako sa sala at nanood. Maya maya ay may nagdoor bell. Baka si Vic na to. Dali dali kong pinatay ang tv at nag dim lights para maset ang mood. Pumunta ako sa may pinto at binuksan ito. 

"Surp... Jeron?" nagulat ako sa taong nakita ko sa harap ko.

"Surprise Mika.." bungad ni Jeron sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" sabi niya.

"No! kaya umalis ka na" sabi ko.

"Pinapaalis mo na ako? eh mukhang naghanda ka nga para sa pagdating ko."

"Una sa lahat, hindi para sayo yan. I wouldn't waste my time preparing this kung para sayo lang to." sabi ko naman. Hinawi ako ni Jeron at pumasok sa bahay.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog. Eenglishin ko baka sakaling maintindihan mo. Leave my house now!"

"Happy monthsary Vic.. Hahaha... Alam mo Mika, mas nagsasayang ka ng panahon sa kanya. Pinapaikot ka lang niya at ikaw naman nagpaikot ka naman."

"Ibahin mo siya sayo Jeron. Mahal niya ako at ikaw, sakim ka."

"Mahal? pinapatawa mo ako Mika. Do you honestly believe na mahal ka niya? He is just using you."

"Oh come on Jeron, wag mong binabaliktad si Vic. Kung meron mang mangagamit dito. Ikaw yun... Ginagamit mo ako, ginagamit niyo akong pambayad utang."

"No Mika, kung may totoong nagmamahal dito sayo.. Ako yun. hindi yang Vic na yan. I want you Mika. College pa lang tayo gusto na kita. Nung mabaon sa utang ang dad mo at nalaman kong eto ang usapan nila ng parents ko. Di na ako nagdalawang isip. I want all of you Mika. Akin ka lang."

"Hindi totoo yan. Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong maging masaya sa taong mahal ko."

"Uulitin ko Mika. Hindi ka niya mahal. He is just using you for his revenge."

"Revenge? at bakit naman? wala naman akong atraso sa kanya... at hindi ganoong tao si Vic."

"Sayo wala pero ang dad mo meron."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Im pretty sure naikwento sayo ni Vic na may kapatid siya who died in an accident. Yes Mika.. it was your dad.. Siya yung nakabangga sa sinasakyan ng kapatid ni Vic at ng asawa nito. Ana lost her parents dahil sa dad mo. Kaya Vic is making his great revenge sa dad mo. Why do your dad is losing his clients? Tingin mo ba coincidence lang na nakukuha ni Vic ang mga client niya. Your dad is losing his company because of Vic. At hind pa siya nakuntento. Gusto ka pa niyang idamay. Mika, papasakayin ka lang niya, papaibigin sa kanya at pagkatapos iiwan ka din niya. Sasaktan ka niya. At lahat ng ito ay dahil gumaganti siya sa dad mo." sabi ni Jeron sa akin.

"No Jeron. Hindi ako naniniwala sayo. Mahal ako ni Vic at kahit kailan hindi niya magagawang saktan ako."

"Tsk tsk.. Mukhang nabilog na niya talaga ang utak mo Mika. Kung mahal ka niya talaga.. eh bakit may ganito." sabi ni Jeron habang inaabot sakin ang isang envelope. Pagkatingin ko dito ay nakita ko ang larawan ni Vic at ni Cyd. Magkayakap. Yung sa isa ay kasama nila si Ana. Masaya silang magkayakap na tatlo. Yung isa naman ay hawak ni Vic ang singsing at tuwang tuwa si Cyd ng makita ito. At merong parang maghahalikan sila... hindi. hindi totoo to.. mahal ako ni Vic. Mahal niya ako.

Unti unting tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

"Sabi naman sayo eh. ngayon naniniwala ka na ba sakin?" 

Hindi ko sinagot ang tanong ni Jeron. Dahil ayaw paniwalaan ng puso ko ang nakikita ko. Alam ko na mahal ako ni Vic. Naramdaman ko yun. Pero ano tong nakikita ko. 

"Mika.. Love.. andito na ako." sabi ng boses na nanggaling sa pinto. 

"Jeron, anong ginagawa mo dito?" sabi ni Vic nang makita niya si Jeron na kasama ko. "Mika, bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba niya.. Love, saan ang masakit? sabihin mo sakin love.. "

"Dito Vic, dito.." sabi ko sabay turo sa puso ko. Pagkasabi ko nun ay biglang tumulo ang mga luha ko. 

"Huh? anong ibig mong sabihin?" sabi ni Vic sakin.

"Buking ka na Vic. Wag ka nang magbait baitan dyan. Hindi mo na maloloko si Mika." sabat ni Jeron.

"Kung may manloloko dito, ikaw yun Jeron hindi ako. Wag mo akong igaya sayo." sabi ni Vic.

"Bakit di natin tanungin si Mika?"sabi naman ni Jeron.

"Ye? Love... don't tell me magpapadala ka sa kanya." sabi ni Vic sakin.

"Ayokong man maniwala sa kanya. Pero ano to Vic? Ano tong mga to???" sabi ko sabay hagis sa kanya ng mga larawan niya at ni Cyd.

"It's not what you think Mika." sabi ni Vic sakin. "Let me explain "

"Explain what? Na ginamit mo lang ako para sa ambisyon mong makapaghiganti sa dad ko dahil sa pagkamatay ng kapatid mo? Hindi ka pa nakuntento na napabagsak mo ang kumpanya niya.. pati ako gusto mong saktan?"

"Mika, mali lahat ng sinasabi mo.. Pakinggan mo muna ako."

"Para saan pa? Para paikutin mo na naman ako. Kung ang goal mo ay masaktan ako para makapaghiganti sa dad ko. well congrats Vic. Dahil sobrang nasaktan mo na ako." sabi ko sabay walk out. "Jeron let's go. Maaga pa ang kasal natin bukas."

"Mika. please don't do this. Listen to me first." sabi ni Vic.

"Lubayan mo na si Mika. ikakasal na kami bukas." sabi naman ni Jeron.

"Haha.. Hindi mo ba alam ang kasabihan Jeron, pag ang bride and groom ay nagkita the night before the wedding, hindi matutuloy ang kasal." sabi ni Vic.

"Walang makakapigil sa kasal namin Vic. Not even you!" sabi ni Jeron. 

"Jeron ano ba? tara na!" sabi ko sabay hila ko kay Je. Ngunit bago pa kami makaalis ng pinto. Nagbitiw ng salita si Vic.

"I'll make sure na hindi matutuloy ang kasal niyo Mika. Mahal kita at hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Sabi ko sayo noon, trust me. Please trust  me  again this time. Mahal kita, mahal na mahal at hindi ko hahayaang mapahamak ka sa kamay ng lalaking yan." and then I left. I left her there. Crying... Pero hindi na ako madadala sa mga ganyan. Masyadong masakit yung ginawa niya sakin para balikan ko pa siya dun. I won't trust her again. No. Not anymore.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now