Chapter 12

354 23 3
                                    

Nandito ako ngayon sa may kwarto ni Jessey, tumakbo kasi ako after niyang sabihin na namimiss niya ako.. tumakbo ako hindi dahil hindi ko gusto kundi dahil ayaw ko nang magpakasweet pa siya sakin at any moment eh bumigay ako. Ayokong makasira ng relasyon dahil alam ko ang pakiramdam ng inagawan at  ayokong mangyari kay Ana yun.

"Miks, you okay?" tanong ni Jessey na siya namang kakapasok sa room niya.

"I'm okay I guess." sabi ko naman sa kanya.

"What's between you and Vic? di ka na nagkkwento ha." patampong sabi ni Jessey.

"Wag ka ng magtampo Jess, wala namang dapat ikatampo.. nothing's going on between me and Vic." sabi ko kay Jessey.

"I know you too well to believe that Mika." sabi ko kay Jessey.

"Fine.. ganito kasi." then I told her about me and Vic.. simula nung una naming encounter hanggang dun sa sinabi niya na mahal niya ako.

"So ano? mahal mo ba?" tanong sakin ni Jessey.

"I guess.." sabi ko naman..tapos tinignan ako ni Jessey "Oo.." 

"Yun naman pala eh.." sabi ni Jessey.

"Anong yun naman pala?" sabi ko.

"Bakit umiiwas ka pa kung mutual naman pala?" tanong naman ni Jessey.

"Ang komplikado kasi Jes eh.." sabi ko.

"How complicated? pareho naman kayong single ni Vic eh."

"No.. hindi siya single.. may girlfriend siya... and I am about to marry someone I don't love..."

"Wala akong nababalitaang girlfriend niya Miks.. baka nagkakamali ka lang.. magusap nga muna kayo.."

"Sige.. sabihin na nating ganun.. pero si dad din kasi diba.." sabi ko naman.

"Malaki ka na Mika.. hindi naman sa sinasabi ko na wag mong isipin yung dad mo.. pero nasa tamang edad ka na para gawin yung kung ano yung makakapagpasaya sayo.." sabi ni Jessey sa akin.

"Ano bang pwede kong gawin na makakapag pasaya sakin Jes? Ano pa ba? Eh kung yung kaligayahan ko ay kaligayahan na ng iba... di pa ko nagsisimula talo na ako.." sabi ko naman.

"Sabi naman sayo.. baka nagkakamali ka lang... pagusapan niyo muna yan.." sabi ni Jessey.

"Una na ako sa baba.. sumunod ka na dun.. si Ri na ang nagpatuloy sa paggamot kay Vic at malamang tapos na yun..at sa malamang naghihintay na sila dun satin para makakain na.. kaya tara naaaa.." sabi niya sakin..

Ilang minuto pagkatapos ni Jessey bumaba ay sumunod na rin ako.

"Di ko nga alam Ri.. siya lang naman yung mahal ko.." rinig kong sabi ni Vic.

"Ehhh... may iba nga daw.." sabi ni Jessey.

"Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun.. siya lang naman eh.. at alam mo yun Ri.." sabi ni Vic. Tss.. pati sa kaibigan niya ehhh nagsisinungaling siya.

Bumaba na ako at pumunta sa hapagkainan para makakain na.. natahimik naman sila pagbaba ko.. nagsimula na akong kumain.. Ganun din naman sila.. tahimik lang kami habang kumakain. Maya maya ay binasag na rin ni Jessey ang katahimikan.

"Vic, diba may resort kayo sa Batangas?"

"Uhm.. Yes.. why?" Sabi niya.

"Wala naman.. baka gusto mo lang magyayang magbakasyon.. ganun? Hahah" grabe to si Jessey ehh.. nakakahiya..

"Sure, why not? Yayain ko na rin sina Cyd.." sabi ni Vic.

"Sige, sige.. masaya yan... Bff.. sama ka ha." Sabi sakin ni Jessey. "I won't take no for an answer..."

"Ako na bahala kay tito.." sabi ni Ri.

"Bahala na.."sabi ko sa kanila.

"Bff naman ehhh"

"Fine.. just make sure na makakatakas tayo kay Dad." Sabi ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila. Nagplano kung anong gagawin sa Batangas. Excited na excited na sila. Napagplanuhan na nextweekend na kami pupunta.. at mga 3 days daw kami doon..

"wait guys.. sagutin ko lang to." Sabi naman ni Vic nung magring yung phone niya.. at guess who kung sino tumatawag.. si Ana lang naman.. oh diba..

"Hi baby... Oh, manang bakit hawak mo phone ni Ana... huh? Kailan pa? Kagabi pa pala.. bakit di niyo sinabi agad sakin... kahit na.... saang hospital? Sige Manang.. pupunta ako dyan...gising ba?.. pakausap naman ohhh.... Hi baby.. papunta na ako dyan.. be strong okay? Sige na,.. magrest ka muna.. I love you!"  Ouch.. diba.. sige.. ngayon niya sabihin sakin na walang namamagitan sa kanila ni Ana at ako lang ang mahal niya.

"Ri.. may sasakyan ka bang dala? Pahiram naman ohh.. nagcommute lang ako papunta dito ehhh..,  Si Ana daw nasa ospital" sabi ni Vic na halatang halata na nagaalala..

"Wala dude ehhh.. di ko dala yung akin.. coding.. nasa kasa naman ung kay Jes" sabi ni Ri.

"Wrong timing naman ehhh.. ba yan.. Ri, Jessey.. sorry ha,.. text na lang tayo.. alis na ako.." sabi ni Vic.

"Kumalma ka nga Vic" sabi ni Jessey sa kanya.. "hindi naman siguro malala yung nangyari sa kanya"

"Kailangan daw maoperahan agad ehhh.. ayaw magpaopera ng wala ako.." sabi ni Vic.

"We can use my car.. hatid na kita.. baka mapano ka pa." Sabi ko naman. Great Mika.. Ihahatid mo yung mahal mo sa taong mahal niya.. ginalingan mo din eh..

"Si-sigurado ka?" Tanong ni Vic.

"Oo, tara na.. baka mapano pa si Ana.." sabi ko sa kanya.. I grabbed my bag and walked straight to the door. Sumunod naman si Vic.

Sumakay na kami sa sasakyan ko. Ghaaad.. di naman niya sinabi.. sa Pampanga pala nakatira yung Ana.. klk.. napasubo ako.. Sinimulan ko na ang pagddrive.. nakikita ko sa peripheral vision ko na alalang alala na si Vic..

"Relax ka lang Vic" sabi ko sa kanya.

"Sobrang nagaalala lang kasi ako ehhh.."  sabi niya.

"I know.. pero relax ka na.. papunta na tayo dun" sabi ko.. then I held her hands para baka makatulong.

"Thank you Mika.. thank you" sabi niya then she held my right hand tight then kiss it. Ba yan.. kinakabahan ba talaga to o nagpapakilig.. klk eh..

After more than an hour of driving nakarating na kami sa ospital.. agad agad namang dumeretso si Vic sa room kung nasaan si Ana habang hawak hawak pa rin yung kamay ko.. Baka makita kami ni Ana nito ehhh.. Bumitiw ako sa pagkakahawak ng makarating kami sa pinto ng room ni Ana.. Pumasok na kami sa room at lumapit na si Vic kay Ana.

"Baby.. Im here na... don't be scared na.." sabi ni Vic sabay yakap kay Ana.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko... Siya? Siya ba talaga si Ana?

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now