Chapter 23

142 10 3
                                    

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong wala siya. Tinakpan ko ng kumot ang walang saplot na katawan bago ako bumangon. Totoo pala yung nangyari kagabi.. Hindi pala ako nanaginip. We really made love last night. Pero nasaan na siya? 

Nilibot ko ang aking mata sa kwarto ngunit wala siya.. walang bakas niya. Ang tanging nakita ko lang ay ang box na nasa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama ko. Kinuha ko ito at binuksan. Ito yung binigay ko sa kanya. Nandito yung singsing na binigay ko sa kanya. Agad kong kinuha ang maliit na papel kasama ng singsing. Binasa ko ang nakasulat dito.

Kasabay ng pagbasa ko ay ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. 

"I'm sorry" 

Yun lang ang nakasulat dun. Dalawang salita. Dalawang salita pero katumbas nito ang pagguho ng mundo ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil sa pangatlong pagkakataon ay iniwan niya ako.

Inayos ko na ang sarili ko. Ayokong makita ako ni Ana ng ganito. Alam kong mag-aalala ang bata at of course, iintrigahin din ako ni Dad. Walang alam si Dad sa amin ni Mika. Ang tanging alam naman ni Ana eh busy ang MaMi niya. 

Pinuntahan ko na sila Dad sa baba. Kumakain na sila ni Ana. Sa unang araw ng pagstay namin dito ay hindi man lang nakita ni Ana si Mika. Sayang naman. Namimiss pa naman niya si Mika.

"Hi Dad.. hi baby.." Bati ko sa kanilang dalawa. 

"Hi Anak.. Kain ka na... igagala ko mamaya si Ana.. Maagang nagising ngayon at gusto daw niyang magswimming.. Kahapon kasi ay nagkulong lang siya sa kwarto." sabi ni Dad.

"Okay Dad." sagot ko naman sa kanya.

Kumain na kami. Si Ana naman ay sobrang excited magswimming kaya binilisan niya din ang pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa amin. Magreready na daw siya. Pagkaalis ni Ana ay agad kong tinanong si Dad tungkol kay Mika.

"Dad.. si Mika?" tanong ko sa kanya.

"Maagang umalis.. Nagpaalam.. Nahihiya na raw siya sa akin. Over staying na daw siya dito." sagot ni Dad. "Pinigilan ko nga eh. sabi ko okay lang na magstay sya dito. Kaso hindi siya nagpapigil pa." 

"Sa-saan daw sya pupunta?" tanong ko kay Dad.

"Hindi niya sinabi." sabi ni Dad. Saan na naman kaya pupunta yun? Saan ka na naman ba Mika???

Ilang araw linggo na rin ang lumipas simula nung huling pagkikita namin ni Mika. Ilang araw na rin akong nakikibalita sa mga kakilala namin sa Manila. Ngunit walang bakas ni Mika. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam.

"Dad. Alis muna ako. Iwan ko muna si Ana dito." sabi ko kay Dad.

"Saan ang punta mo anak?" tanong niya.

"May hahanapin lang Dad." sabi ko sa kanya. Hindi naman na siya nagtanong pa.

Sumakay ako sa kotse ko at nagsimulang magdrive. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap. Kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong linawin ang lahat sa kanya. Dahil alam ko, ramdam ko sa bawat halik, sa bawat haplos at sa bawat titig niya sakin nung gabing iyon, sigurado ako na mahal niya pa rin ako. 

Nagsimula akong pumunta sa mga kaibigan niya ngunit walang makapagsabi sakin kung nasaan sya. Matagal na daw itong hindi nagpaparamdam simula nung nangyari sa kasal niya. Nag-aalala na nga raw sila. Ito na kasi yung pinakamatagal na hindi nagparamdam si Mika sa kanila.

"Saan ka na naman ba nagpunta Mika?" natanong ko na lang sa aking sarili. "Bakit ba bigla bigla ka na lang nawawala. Kung gaano kabilis kang dumating sa buhay ko ay ganun din kabilis ang pagkawala mo" 

Lumipas ang mga araw, linggo na wala na akong naging balita kay Mika. Tuluyan na syang nawala sa buhay ko. Hindi rin daw nagpaparamdam sa mga kaibigan niya. Sinubukan kong makibalita kung nakikita pa siya sa bahay nila o sa opisina ng tatay niya, pero wala. Walang bakas o anino niya.

"DaVic, where's MaMi?" tanong sakin ni Ana. Namimiss na daw siya ng bata. Ang tagal na rin kasi niyang di nakikita si Mika. Sa saglit na panahon na nakasama ni Ana si Mika eh napamahal na sa kanya ito.

"MaMi is busy baby eh." sabi ko na lang sa bata.

"But I want to see Mami... can't she visit me again?" tanong niya sakin ulit.

"Not now baby but soon.. Dadalin ko si MaMi mo dito.. okay?" yes baby.. I promise I'll bring her back at sisiguraduhin ko na hindi na tayo maghihiwahiwalay.

We are currently at the resort. Dito muna pinagstay si Ana kasama ng Daddy. Nageenjoy naman dito ung bata sa may beach. Pabalik balik ako dito, hoping na isang araw magbalik si Mika dito. Bumalik na ako sa kwarto ko pagkatapos ng usap namin ni Ana. 

Umupo ako sa may balcony ng kwarto ko at tumingin sa kalangitan. 

"Ang ganda ng mga stars Mika. Kasing ganda mo. Sana kasama kita dito ngayon habang pinagmamasdan ang mga tala. Naalala ko tuloy nung unang beses tayo nagkita. You look so pretty. Mas maganda ka pa sunset nun. haha.. Haaaay.. Mika, nasan ka na ba? Bumalik ka na.. Miss na kita" with that, I held my necklace. Ginawa ko kasing pendant ng necklace ung ring na dapat bibigay ko kay Mika nung monthsary namin. I want to give it to her kapag okay na kami. Lagi ko tong suot para mafeel ko na malapit lang sya sakin lagi. Ang corny no.. but.. This reminds me so much of her. Sana next time pag binigay ko to sa kanya. Tanggapin na niya to. 

Pinagpatuloy ko ang pagmumuni muni ko sa aking balcony. Nakakainggit pagmasdan ung mga couple na naglalakad sa labas. They are just enjoying the sea breeze and each other's company. Nakakatuwang pagmasdan.. buti pa sila. Natigil ang pagmumuni ko, when suddenly I saw a familiar figure from a far. Isang babaeng naglalakad sa dalampasigan. She is alone and just walking at the shore... I can't see her face kasi bukod sa medyo malayo, she's wearing a cap. But, hindi ako pwede magkamali. The way she walks, her figure... alam ko, kilala ko un. Could it be her? Could it be you?

Dali dali akong tumakbo pababa at pinuntahan kung saan ko sya nakita. As I was running towards her, mas lumilinaw at mas sigurado ako kung sino un.. I run towards her and hugged her from the back. I was crying my heart out.

"Finally, you came back" My tears won't stop flowing. "Finally, I found you.. I found you my Mika.."


_____________________________________________________________

AN: Sorry ngayon lang nakapagupdate. I don't know kung paano tatakbo ung story since matagal na simula nung sinulat ko to and I don't know if matutuloy tuloy ko ung pagsusulat ko ulit. Anyway..  Thank you sa mga patuloy na nagbabasa! I appreciate it. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now