Chapter 5

359 22 2
                                    

"Naalala mo pa pala ako?" Sabi niya sabay ngiti sakin. That smile namiss ko yun.

"O-oo naman.. how can I forget?" Sabi ko. How can I forget that someone who made my heart beat that fast. Napangiti na lang siya ulit at nagpatuloy sa pagmamaneho.. ughh that smile. It still has the same effect on me.

"Tama na titig baka matunaw ako.. san mo ba gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"Kahit saan basta malayo dito" sabi ko sa kanya. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho. Maya maya ay may naramdaman akong tapik sa balikat ko.

"Mika.. nandito na tayo.. gising na" sabi niya sakin.. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Somewhere far.." sabi naman niya. Bumaba naman na ako sa sasakyan niya. Isang simple ngunit malaking bahay ang nakita ko pagbaba ko. "Tara pasok tayo sa loob"

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumerecho sa dining area.

"Alam kong gutom ka na.. tara kain tayo" sabi niya sakin.

"Paano mo naihanda to? Matagal ba akong nakatulog sa sasakyan mo at nakapagluto ka pa?" Sabi ko sa kanya.

"Hahaha.. di naman ako nagluto niyan ehh.." sabi niya sabay abot sa akin ng pagkain.

"Oh Iha.. eto na yung pinapakuha mo" sabi nung isang matandang babae na kausap ko.

"Thank you Manang" sabi naman niya.

"Kain na tayo" yaya niya sakin as she guided me paupo saka siya umupo sa upuan niya. Pinag servan rin niya ako ng food.

"Okay na Vic.. kaya ko naman.." sabi ko. Kumain na kami. Tahimik lang siya at ganun din naman ako. Iniisip ko kung tatanungin ko ba siya kung kamusta na siya.. saan ba siya nagpunta? Bakit ni minsan di ko siya nakita dun sa lugar na pinahiram niya sakin at kung bakit ipinahiram niya yun sakin.. at bakit sa dinami dami ng lugar, dun pa kami magkikita.. tapos nakakhiya pa sa kanya.. kasi same scenario with last time.

"Vic"

"Mika" sabay naming sabi.

"You go first" sabi ko.

"No.. ikaw muna.." sabi niya sakin.

"Ahmm.. ano.. tatanong ko lang sana kung anong ginagawa mo dun sa hotel?" Sabi ko naman. Sa dinami dami ng tanong ko sa kanya di ko alam kung bakit eto yung naitanong ko sa kanya..

"May pinuntahan lang akong kaibigan.." sabi niya sakin.

"Ahh.. okay... I'm glad you're there" sabi ko "thank you for saving me again.."

"I hope you don't mind if I ask kung anong nangyari this time?"

"Dad issues.. dad is forcing me to do something na ayaw kong gawin" sabi ko naman.

"Aahhh.. okay... hmm.. anw, i guess it has been a long day for you.. tara na hatid na kita sa room mo." Sabi niya sakin.

"Thank you" pumunta na kami sa room na sinasabi niya. habang papunta kami sa room ay tumingin tingin ako sa paligid. Her house is simple tapos minimalist yung design. Black and white ang color na gamit niya.. not too big but not too small.. enough lang yung space para sa isang family.. ganun...

"Mika dito na room mo.. pinaayos ko na kay manang yan.." sabi naman niya. "Iwan na kita dyan para makapagrest ka na.. if you need anything nasa katabing room lang ako."

"Okay.." sabi ko naman.. umalis na si Vic.. umupo na muna ako sa bed. Nagisip isip.. grabe talaga yung tatay ko.. Ano na naman bang nakain nun. Tsk.. he always does what he wants. Never niyang kinoncider yung nararamdaman ko. Nakakainis na siya. Bahala na nga siya.. makapag frehen up na nga para naman gumaan pakiramdam ko. I was about to head the comfort room nang marealize ko na wala pala akong pamalit. Nakakaloka naman. Lumabas ako ng room para hanapin yung room ni Vic.

"Eto na siguro yun.. isa lang naman katabing room eh.." sabi ko. Then I knocked at the door. Agad namang binuksan ni Vic yung door.

"Yes?" Sabi naman niya. "Oh, mika may kailangan ka ba? Pasok ka.."

"Ah ehhh" di man lang ako makasalita.. paano ba naman.. etong kaharap ko kasi.. naramdaman ko na lang ang biglang pag init. Bukas naman siguro ang aircon pero bakit ang init.

"Hey.. okay ka lang?" Tanong niya sakin.. oo.. hindi.. pwede.. juskolord paano ba ko magiging okay.. eh ang hot niya kaya sa suot niya. Naka sando lang siya ngayon and boxer shorts.. halatang halata mo sa suot niya yung curve ng katawan niya.. bagay na bagay yung tattoo niya sa right shoulder niya sa kanya.

"Ahm.. ma mang hihiram lang sana ako ng pamalit.. wala kasi akong dala.." sabi ko sa kanya..

"Ah.. yes... oo nga.. nakalimutan ko.." she opened her cabinet at kumuha ng gamit.. "i hope kasya sayo to.. hehe.. yan lang pinakamalaki kong damit eh.. may undies na rin dyan.. wag kang magalala., bago lang yan.. kumpleto na naman sa toiletries yung banyo sa room mo.. you can use everything na nandun."

"Thank you" sabi ko sabay alis dun sa room niya. Grabe, i can feel my heart racing. Yan na naman siya.. lagi na lang.. bakit ba ganito si hearty pag si Vic kaharap ko. Yung ngiti niya. The way she talks.. lahat na lang.. ano ba tong nararamdaman ko? Last time I check babae naman ako . Haaaay.. Bumalik na ako sa room at nag frehen up.

"So what now? Ano na bang gagawin ko?" Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na rin akong nakikipaglaban sa tatay ko eh.. nakakapagod din sa totoo lang. Kung sumuko na lang ako sa kanya? Charot. Ayoko nga.. tsaka pag ginawa ako yun ipapakasal niya ko sa taong di ko mahal. Ano siya hilo? Tsk.. Ill run away from him forever. He can never force me to do something I don't want. No one else can.. Dito na lang ako kay Vic ko.. ayyy. Ano ba yun? Hahaha anw.. good night na guysh..

Nagising ako sa liwanag ng araw. Umaga na pala. Naghilamos lang ako at nag toothbrush at saka bumaba na. Nabutan ko naman si Vic na nakikipagusap kay Manang.

"Nakooo.. kaya love na love ka ni Ana eh.. ang sarap mo magluto... " sabi ni Manang. Ana? Sino siya? Girlfriend kaya siya ni Vic.

"Love ko rin naman siya manang.. pero sa tingin ko mas love ng baby ko yung luto ko kaysa sa akin.. hahaha" sabi niya kay Manang. Awtsu.. baby ko daw.

"Sabagay favorite niya lahat ng luto mo.. kailan ba dadalaw yun ulit dito?" Sabi nung Manang habang naghahain sila ni Vic.

"Malapit na Manang.. Malapit na.. excited na nga ako eh.." sabi ni Vic sabay ngiti. Yung ngiti niyang yun, yung ngiting may dahilan kung bakit may naghahabulang mga daga sa puso ko at yung ngiting sa iba naman pala nakalaan.. And that my friends is how my heart broke into pieces.

It's ComplicatedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz