Chapter 21

237 13 1
                                    

"Mika, iha.. sakto ang labas mo.. Gusto sana kitang i tour dito.. Ilang araw ka na dito sa bahay ko pero di ka pa nakakalibot dito.. Lagi ka lang dyan sa kwarto at nagmumukmok.. Sumama ka sakin para naman kahit papaano ay malibang ka" sabi sakin ni Tito Victor.

"Ahh.. sige po.." sabi ko kay tito. Tama nga siguro na magikot ikot ako dito.. para malimutan ko muna ang lahat.

Tinour ako ni Tito sa loob ng bahay. Pinakilala niya ako sa mga kasambahay. 

"Kung gusto mo manood ng movie.. may mini theatre dun sa may kwarto na yun.. magsabi ka lang kay Oscar. Siya na bahala sayo. May gym din dun sa katabi, bunso ko ang nagdesign ng room na yun, pwede mong gamitin.. Yung kwarto na gamit mo, sa bunso ko yun.. yung sa kaliwa nun, yun yung samin ng asawa ko.. yung sa kanan naman.. dun yun sa apo ko."

"Tito, matanong ko lang. nasaan na po yung asawa niyo?" tanong ko sa kanya.

"Ayun, nasa probinsya nila. Dun daw siya muna. Simula nung mawala yung isa naming anak dahil sa aksidente, bihira na pumunta un dito. Kasi naman, nalulungkot siya pag nandito siya. naalala niya raw yung anak namin." malungkot na sabi ni tito.

"Hindi niyo po ba siya sasamahan dun tito?" tanong ko.

"Gustuhin ko man iha,.. hindi ko naman pwedeng iwan yung negosyo ko dito.. dinadalaw ko naman sila dun ng apo ko paminsan minsan.." sabi ni  Tito.

"Eh yung bunso mo po tito?" tanong ko dito.

"Nako, busy yun,.. kung mayroong nakamana ng pagiging negosyante ko, yun yung bunso ko.. may sariling negosyo na yun at tinutulungan niya pa ako sa business namin sa New York." sabi naman ni tito. "Bihira ko na ngang makita yun eh." 

"Ahhh ganun po ba?" 

"Tara iha dun tayo sa labas." pagyaya sakin ni tito.

Pagkita ko sa labas ay namangha ako. Hindi pala basta bahay yung tinutuluyan ko. Parte pala siya ng resort. Isang white sand beach na resort. Tinour din ako ni tito sa resort. May pa spa sila dito, infinity pool, banana boat ride, jet ski, exclusive restaurant at kung ano ano pa. 

"Ang ganda pala dito tito" sabi ko sa kanya.

"Salamat at nagustuhan mo iha. Kami ng mga anak ko ang nagtulong tulong para mapaganda ang resort na to. May mga idadagdag pa nga kami dito.. Pero pag uusapan pa namin ng bunso ko pagnagkita kami.."

"Talaga po tito? Nako for sure kung ano man po yung plano nyo magwoworkout po yun" sabi ko naman kay Tito.

"Nako sana magdilang anghel ka iha.. Nga pala, lahat ng facilities dito ay pwede mong gamitin ha.. wag kang mahihiya. Nabanggit ko naman na yun sa mga tauhan ko." 

"Nako ti--" di pa man ako nakaka alma sa sinabi ni tito ay biglang nagring yung phone niya.

"Wait lang iha.. sagutin ko lang to ha." sabi niya. Pagkasagot ni tito ay lumakad ito palayo. Sinenyasan niya lang ako na magikot ikot at mag enjoy. Malamang importante yung tawag na yun.

Nagikot ikot muna ako sa resort nila tito hanggang makarating ako sa may dalampasigan. Napagdesisyunan kong umupo na muna doon Magdadapit hapon na rin naman kaya hindi na mainit. Hinayaang kung  dumampi ang alon sa aking mga paa. Tumingin ako sa malayo. Pumikit ako at huminga ng malalalim. 

"I love you too.... mula noon hanggang ngayon"

Paulit ulit yun sa isip ko. Paulit ulit yun pati yung mga alaala nung huli kaming nagpunta ni Vic sa beach. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nagulat ako ng may biglang humagod sa likod ko.

"Iiyak mo lang yan iha.." sabi ni tito.

"Mahal na mahal ko pa rin siya tito.. mahal na mahal. Kahit sinaktan niya ako.. sya pa rin.. sya pa rin tito.." Pagkasabi ko nun ay inakbayan ako ni tito.. Yumakap naman ako sa kanya. Para kong bata na nakayakap sa kanyang ama matapos agawan ng candy ng kalaro niya. Humahagulgol ako na parang bata. Nung matigil ako sa pag-iyak ay humiwalay na ako kay tito.

"Okay ka na anak?" napatingin ako sa kanya. Natuwa ako sa sinabi niya. Unang beses kasi na kamustahin ako ng isang ama. Tumango naman ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Tara, gagamutin natin yang sugat sa puso mo." sabi ni tito.Naglakad lakad kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin. Maya maya ay pinaupo niya ako sa may bench malapit sa pool.

"Dyan ka lang iha.. saglit lang ako.." sabi naman ni tito.

"Ice cream?" sabi ko ng makabalik si tito at may ibigay sakin.

"Oo iha. Sabi nila effective daw yan na panggamot sa sugatang puso." sabi ni tito. Natawa naman ako.

"Oh diba.. hindi ka pa kumakain.. masaya ka na." sabi niya sabay tawa. Natuwa naman ako kay tito. Pero may bigla akong naalala. Yung ngiti ni tito.. yung tawa niya.. Yung mga mata nya. May kapareho siya. Erase erase. wag kong isipin muna yun. 

Pagkatapos kong kumain ng ice cream ay pumasok na kami ni tito sa bahay.

"Sige na iha.. magpahinga ka na.. at bukas may ipapakilala ako sayo." sabi ni tito.

"Okay po tito." sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa kwarto. Pagpasok ko dun ay nagpunta muna ako sa banyo para maglinis. Pagkasettle ko ay naupo ako sa may kama at kinuha yung box na binigay ni Vic. Nilabas ko ang singsing.

"Sana pagnagkita tayo ulit ay maging handa na ako na kausapin ka.. Sana maging handa na ako para sating dalawa. Gusto kong ulit pagkatiwalaan ka Vic.. gustong gusto ko.. dahil mahal kita.. hanggang ngayon mahal pa din kita." sabi ko sa sarili ko.

Binalik ko na ang singsing sa lalagyan at natulog na ako.

Nagising ako kinabukasan sa sinag ng araw. Babangon na sana ako nang may naramdaman akong nakadagan sa binti ko at sa tyan ko. Dinilat ko ang mata at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah" sigaw ko nung may nakita akong nakadagaan na kamay at paa sakin.. lumingon ako sa gilid ko at.

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" 


It's ComplicatedWhere stories live. Discover now