Chapter 19

236 14 0
                                    

"Mika, sure ka na dito?" sabi ni Kim sakin. 

"Eto na yata ang tadhana ko.." sabi ko.

"Pwede ka pang tumakas dito,.. pwede kitang tulungan." sabi ni Kim. Binigyan ko naman siya ng ngiti.

"Salamat Kim.. Pero hindi na. Ibibigay ko na tong laban na to sa tatay ko. Panalo na sya." sabi ko kay Kim. 

"Paano kayo ni Vic?" tanong ni Kim.

"Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa."  sabi ko naman sa kanya. 

Bigla namang nag ring yung phone ni Kim. Si Cyd. Sasagutin niya sana nang pigilan ko sya.

"Kim.." 

"Mika, it's okay." sabi niya lumabas siya saglit para sagutin ang tawag ni Cyd. Naiwan naman ako dito sa aking kwarto. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Handa na ba talaga ako? Sigurado na ba talaga ako?

"Miss Mika.. tara na po. Malapit na magsimula ang kasal." sabi nung isa sa staff dito.

Tumayo na ako at huminga nang malalim. 

"Kaya mo to Mika." sabi ko sa sarili ko. Umalis na ako ng kwarto at pumunta sa venue.

Nagsimula nang maglakad sa aisle yung mga sponsors, yung mga abay. Konti na lang at ako na ang maglalakad. Binigyan na ako ng signal ng coordinator para magsimulang maglakad. Kasabay nang aking paglalakad ay tumugtog ang musika. Laking gulat ko sa pinatugtog nila dahil itong ito yung pinangharana sakin ni Vic nung maging kami. Nananadya ba talaga silaaaaaaaaa.... 

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay sinalubong ako ng dad ko. Tuwang tuwa siya. Buti pa sya. Sa lahat ng ikakasal ako lang yata yung di masaya. Kasi naman eh. Saktong pagtapos ng kanta ay nakarating na kami sa harap ng altar. 

"Jeron, ikaw na bahala sa anak ko iho." sabi ng tatay ko kay Jeron.

"Opo Dad." 

At tuluyan na akong ipinaubaya ni Dad kay Jeron. Whew! Sana tama tong desisyon ko na ipaubaya ang kinabukasan ko sa kagustuhan ng tatay ko.

Nagsimula na ang seremonyas. Pero ako eto tulala. Ni hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nung pari sa kung paano ko hindi maintindihan kung bakit ako nandito. Hindi pa rin ako makapaniwala na magpapatali ako sa isang taong di ko naman mahal. Pero ang tanga ko naman lalo kung magpapaloko pa ako dun sa taong mahal ko. 

Nabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni Jeron.

"Mika, tinatanong ka ni father" 

"Ha? Ano daw?" tanong ko sa kanya.

"Inuulit ko Mika, tinatanggap mo ba si Jeron bilang kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at kalusugan hanggang sa sumapit sa buhay na walang hanggan?" tanong ni father.

"Ahhh, O-Op---" sasagot na sana ako nang biglang.

"Itigil ang kasal!"  sigaw ni Vic. Oo. tama yung narinig niyo. Nandito siya. She's trying to stop the wedding.

"Anong ginagawa mo dito Vic?" tanong ko sa sa kanya.

"I'm saving you" sabi niya.

"How can you save me when you're the one who killed me?" sabi ko.

"I told you to trust me. Trust me one last time Mika" sabi niya sakin.

"Tigilan niyo na ang pagdadrama niyo dyan. Umalis ka na dito Vic. Wag mong sirain ang kasal namin." sabi ni Jeron.

"I won't leave here. Kung hindi ko mapapasama si Mika sakin, pwes ikaw ang sasama sakin."

"Hahaha.. wag ka ngang magpatawa Vic. You're not my type." sabi ni Jeron.

"Ikaw ang nagpapatawa Jeron." sabi niya at nagdial sa phone niya. "Cyd, it's time"

Maya maya ay may pumasok na mga pulis. 

"Inaaresto ka namin Jeron sa salang pagpatay, pagtutulak at paggamit ng droga at kung ano ano pa." sabi nung mga pulis. Lumapit sila kay Jeron at pinosasan ito. 

"Hindi niyo magagawa sakin to." sabi niya. Sumenyas siya sa mga tauhan nya. Pero wala din itong nagawa dahil pati ang mga ito ay nahuli na nang pulis bago pa hulihin si Jeron. 

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you."  at tuluyan nang hindi nakapalag si Jeron. 

"Tandaan mo to Galang, hindi ko hahayaang manalo ka. Pag nakalabas ako, humanda ka sakin. Matitikman mo ang bangis ko.." sabi ni Jeron.

"Hihintayin ko yang araw na yan." sabi naman ni Vic.

Umalis na ang mga pulis kasama si Jeron. 

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. I feel kind of relieved dahil hindi natuloy ang kasal. HIndi na ako matatali sa isang bagay na di ko naman gusto.

"Ye.." tawag sakin ni Vic. Tumingin naman ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ye, tungkol dun sa..." she was about to talk about what happened last night when I cut her off. I removed her hand. Tinalikuran ko sya. At nang magsimula akong maglakad ay pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso.

"I know galit ka pa and you might not forget what you saw. But I want you to know that i love you at yun yung totoo." she hand me a box and told me. "Happy Monthsary Love."

Pagkatapos nun ay lumakad na siya palayo. Gusto ko sana siyang pigilan. Gusto ko siyang yakapin kasi kahit masakit yung ginawa niya sakin. Mahal ko pa rin siya. Pero hindi ko magawa. Nung makaalis si Vic ay tumakbo na rin ako palayo. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang alam ko lang ay gusto kong makalayo dito at sa mga tao.I kept running hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo after that everything went black. 

Ang sakit ng ulo ko, sobrang sakit. Unti unti kong binukas ang mga mata ko. Pagkadilat ng mata ko ay nagulat ako nang makita ko ang isang unfamiliar na lugar at tao..

"Nasaan ako? Sino kayo?" tanong ko sa taong kasama ko sa kwarto.

"Good Morning..." bati niya sakin.


It's ComplicatedWhere stories live. Discover now