Chapter 8

346 18 1
                                    

I woke up and she's still by my side. Ang cute cute niyang matulog. Ang amo ng mukha nya. Ang saya sigurong gumising pag ganito lagi ang nakikita mo. Inalis ko na ang kamay niya na nakapatong sa tyan ko. Para na rin makapag toothbrush na ko. Heeeey.. guys chill. Kung iniisip niyo na may nangyari saming dalawa... wala po.. walang nangyari.. after she said that.. nakatulog na rin siya... besides di ko hahayaan na mangyari yun.. tama na yung isang pagkakamali. Yung hinalikan niya ako.. ayokong masira ang relasyon nila ni Ana. Ayokong masira yun nang dahil lang sa lasing kaming dalawa. And that 'i love you'... alam kong di para sakin yun.. for sure para kay Ana yun.

Pumunta na ako ng CR at ginawa ang morning ritwals ko. Bumaba na ako at tumulong kay Manang magprepare ng breakfast. Sakto namang bumaba si Vic pagkatapos naming maghain. Kumain na ako. Kumain na rin siya.Tahimik lang kami pareho. Medyo awkward ang atmosphere. Naalala niya kaya ung kagabi? Malamang. Kung ako nga naalala ko.. siya pa kaya.

"Vic"

"Mika" sabay naming sabi.

"Mauna ka na Vic"

"No, Miks.. ikaw na mauna.."

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ko. 

"Wala naman.. bakit?"  Tanong niya.

"Papahatid lang sana ako.. babalik na ako sa Maynila." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Dahil ba to sa kaga--"

"Siguro" i cut her off. "Siguro tama na harapin ko na ang tatay ko." 

"Ahh.. ga-ganun ba?" Sabi naman niya.

"Sige.. hatid na lang kita" sabi niya naman sakin.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na kami pareho. Nagready na kami para makabalik ng Maynila agad.

Kasalukuyan kaming bumabyahe pabalik ng Maynila. Tulad kanina, tahimik lang kami sa byahe. Focused lang si Vic sa pagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa daan. 

"Vic?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Hmmm?" Sabi naman niya

"Okay lang ba kung sa condo nung kaibigan ko mo ako ihatid?" Tanong ko naman sa kanya

"Sige" sagot naman niya. "Miks, yung tungkol sa kagabi.. ahmm"

"Okay lang ba Vic kung matulog ako? Masakit pa kasi ulo ko eh.. May hangover pa yata ako.." pagiiba ko sa usapan.

"S-sige" sabi niya sakin. Nagpanggap lang akong tulog. Ayaw ko kasi muna talagang pagusapan.. at dahil magaling akong magpanggap.. nakatulog talaga ako. Hahaha

"Mika.. gising na. Nandito na tayo sa sinasabi mong condo" panggising sakin ni Vic..

"Ay.. oo nga.. thank you!" Sabi ko. Bababa na sana ako ng sasakyan niya ng biglang hinawakan nk Vic ang kamay ko.

"Mika.. about last night.. I.. I just wa-"

"Last night?" Pagputol ko ulit sa sinabi niya.. "ah yun ba? Salamat sa paghatid sa kwarto ha" 

"No.. hindi yun.. yung ano.. yung tungkol sa ki-"

"May nagawa ba ko? Sorry ha.. di ko kasi maalala.."  sabi ko.

"Wala kang maalala?" Tanong niya.

"Wala eh.. nasobrahan yata ako ng inom.. hahaha.. May nagawa ba ako?" i gave her a fake laugh. Mabuti nang wala akong naalala sa paningin niya. 

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now