Chapter 4: Protecting each other

1.5K 87 23
                                    

Multimedia: Kaylee

Chapter theme: We The Kings - Ally

⇏ Z O E

"No! No! Ako 'to, Tristan!"

"Kaylee!" Tuwang-tuwang sabi ko nang makita ko siya. 

Punit man ang suot na dress, magulo ang buhok at may bahid ng dugo ang balat, mukha naman siyang ayos. 

Akmang yayakapin ko na siya pero hinigit ni Marc ang bewang ko, dahilan para mapaatras ako. Takang-taka akong tumingin sa kanya habang siya naman ay diretso lamang ang tingin kay Kaylee na para bang pinagmamasdan niya ito ng maigi.

"What's wrong?" Tanong ni Kirstel nang mapansin niyang nakatitig lamang si Marc kay Kaylee. Magtatanong na rin sana ako pero nagsalita na si Marc.

"Kaylee, you're not infected, right? I mean, hindi ka ba nasugatan ng mga zombies?"

"I-I'm not!" Depensa ni Kaylee sa sarili niya sabay pakita sa amin ng mga braso niyang wala namang kahit anong bakas ng sugat, sadyang may natuyong dugo lang. Napatango na lamang si Marc. 

Is he finally convinced? Parang hindi pa.

"But for now... l-let's run, okay? We need to go." Sabi ni Kaylee, napakunot ang noo ko dahil sa aksyon ng pinapakita niya. Para siyang kabadong-kabado, para siyang isang criminal na hinahabol ng mga pulis.

"Why?" Asked Harper.

"And where's Kobe?" Tanong ni Kirstel.

"Survive first, ask questions later." Sabi ni Kaylee, sa hindi kalayuan nakakita ako ng mga taong mabilis na naglalakad patungo sa amin. Kumabog bigla ang dibdib ko sa napagtanto. 

They're not normal humans anymore.

"I understand you now." Sabi ko saka itinuro ang mga zombies na nakikita ko mula sa malayo. Dahil sa ako lamang ang nakaharap sa direksyon na 'yon, lahat sila ay napalingon sa likuran nila makita lang ang tinuturo ko.

At sa isang iglap, naramdaman ko na lang na may humigit sa akin palayo. Natagpuan ko na naman ang sarili kong tumatakbo palayo sa mga nilalang na 'yon.

"Guys! Ang dami nila." Napatingin ako kay Tristan nang magsalita siya kasunod ang kabado at peke niyang tawa. Napalingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong halos masakop na nila ang buong kalsada. "Tang ina! Takbo pa!" Hindi na niya mapigilang hindi mapasigaw at para bang iyon ang nagtulak sa amin na bilisan ang pagtakbo.

"Hala! Saan tayo?" Tanong ni Kaylee nang makita niyang nasa crossing pala kami, it's either liliko kami sa kanan, kaliwa, o didiretsyuhin lang naming 'tong kalsada.

"Sa kanan!" Sigaw ni Harper. 

Sinunod naman namin siya kaso hindi namin inaasahang pagliko naming ay may mga zombies rin palang naghihintay sa amin roon. Napatigil ang iba sa pagkain ng mga kawawang hayop at napatingin sa amin, habang ang iba naman ay nagsimula ng maglakad. Kitang-kita ko kung paano mapilipit ang mga binti at paa nila, mapuntahan lang kami ng mabilis.

"Kanan pala ha." Biglang sabi ni Kirstel kay Harper na para bang pangganti sa pagpaparinig sa akin kanina. 

"Balik! Doon tayo sa kaliwa!" Utos ni Marc sa amin saka tumakbo habang hawak pa rin ang kamay ko kaya napatakbo na rin ako. Pero agad rin naman siyang huminto dahil sa mga zombies na nasa harapan naming dalawa.

"Fuck!" Iritang mura niya saka binitiwan ang kamay ko. "Just stay close to me." He reminded.

"We have no choice but to fight these creatures!" sabi ni Tristan at hinigpitan ang hawak sa palakol niya.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now