Chapter 18: Invasion

965 65 14
                                    

⇏ Z O E

"Zoe, may nakita akong chocolates sa kitchen. Kain ka na bago ka pa maubusan ni Tristan." Sabi sa akin ni Kirstel ngunit hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagtutulog-tulugan.

Hindi ko pa kayang humarap sa kahit kanino. Awang-awa ako sa sarili ko. Nakakaawa akong tingnan.

"Alam kong gising ka. Sasabunutan kita kapag pati ako hindi mo kinausap." Wala na akong nagawa kundi i-angat ang ulo. Kapag nagbanta si Kirstel, talagang tinototoo niya. 

Hindi siya hanggang salita lang. Hindi katulad niya.

"See? Hay nako, tara nga." I Inalis ko ang mga nakadikit na hibla ng buhok sa mukha ko bago tingnan si Kirstel. Napabuntong hininga siya ng makita ang itsura ko. Tinulungan niya akong ayusin ang buhok ko. Pakiramdam ko awang-awa sa akin si Kirstel. Maski ako, awang-awa ako sa sarili ko. Bakit ako nagpaloko ng ganun? Bakit hindi ko man lang naramdaman agad?

"Cry." Sabi niya sa akin.

"I'm crying for three hours straight. Hindi pa ba 'yon sapat?" Tanong ko sa kaniya pero pakiramdam ko nanlambot akong muli ng yakapin niya ako at ipatong ang kanyang baba sa tuktok ng ulo.

Kirstel's hug. Yes. I really need it right now. I feel so broke right now. Kirstel is the only one who can glue myself up.

"I'm letting you cry right now because I don't want to see you crying for the next few days over that same fucking reason again." Kahit ilang beses ko pigilan ang luha ko ay lumabas pa rin ito mula sa mga mata ko.

"Ang sakit." Tanging nasambit ko. Hinagod naman ni Kirstel ang likod ko. I hugged her back. I feel so lucky to have her as my best friend. Pakiramdam ko kapag nawala siya sa akin masisiraan ako ng bait. Takot na akong mawalan, sawa na akong maiwan. My parents, my younger sister Zea, and now Marc. Sana huwag naman sumunod si Kirstel. Siya na lang ang meron ako.

"Kirstel?" Pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Don't ever leave me please." I meant it. Ayaw kong mawala siya sa tabi ko. Nakakatakot maiwan mag-isa. Pero alam ko namang hindi niya ako iiwan. May tiwala ako sa kaniya at malaki ang tiwala ko na 'yon.

"Sige, kahit sa pag-cr ko isasama kita." Hinampas ko naman siya at kumawala na sa yakap.

"Seryoso kasi!" Inis na sabi ko kaya natawa siya at umupo sa table.

"I won't ever leave you. You know that."

Sinamahan lang ako ni Kirstel matapos no'n. Kaso siya pa ang unang nakatulog. I chuckled, placing her on a comfortable position. 

Lumabas na muna ako para uminom ng tubig kaso parang bigla akong naligaw. Ang laki pala ng lugar na 'to.

Pinagmasdan ko ang paligid and it turns out nasa storage room pala kami ng commercial building na 'to. Dumako ang paningin ko sa glass door na natatakpan ng dyaryo. Nakarinig ako ng mga hindi pangkaraniwang ingay kaya nagsimula akong gapangan ng takot.

Unti-unti akong naglakad patungo doon, palakas nang palakas ang mga naririnig kong ungol na para bang nanggagaling sa ilalim ng lupa dahil sa sobrang lalim nito.

Hinawakan ko ang pinakadulong bahagi ng isang dyaryong nakadikit sa pinto at unti-unti itong tinanggal para makasilip ako ng bahagya. Napa-atras ako at muntik pang mapatili nang isang nanlilisik na mga mata ang bumungad sa akin. We held a split second eye contact kaya pakiramdam ko alam niya ng may normal pang tao rito sa loob.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang may kumalampag sa pinto. Pabilis ito nang pabilis at palakas rin nang palakas. Muntik na naman akong mapasigaw nang makaramdam ako ng mabunggo ang likuran ko sa isang matigas na bagay. Paglingon ko sa likuran ko ay hindi pala bagay ang nabunggo ko kundi tao.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ni Nathan sa akin. 

"I can't sleep." I told him. Napatingin naman siya sa pinto ng marinig ang sunod sunod na paghampas ng mga zombies rito.

"Anong nangyayari? Sinong kumakatok?" Akmang pupunta na siya pinto pero hinila ko siya pabalik at paulit-ulit na umiling.

"Zombies?" Tanong niya sa akin.

"I saw one, they saw me too." My breath hitched.

"Gisingin mo silang lahat ako na munang bahala rito." Tumango na lamang ako at dali-dali silang pinuntahan. Hindi ko alam kung saan sila natutulog kaya naman kada pintong madadaanan ko ay binubuksan ko.

Pagbukas ko ng isang pinto ay nakita ko si Maddison na natutulog. Kaagad ko siyang nilapitan at niyugyog para magising. "What the hell, Zoe?!" Bulalas niya nang makita ako.

"Shhh! They are here." I silenced her. Gulong-gulo niya akong tiningnan. "May mga zombies na na malapit ng makapasok." Nanlaki ang mga mata niya at mabilis pa sa alas-quatrong tumayo. Kinuha niya ang katana niya saka bumaba ng wala man lang pasabi.

Sinunod ko ang kabilang kwarto at hindi naman akong nabigong makakita ng mga kasamahan ko. "Kaylee, wake up! Tristan!" 

"May sunog?!" Bulalas ni Kirstel sabay bangon. Binato ko siya ng unan sa mukha bago lumabas.

"They are here!" Sabi ko bago ko puntahan si Kirstel. Pagkaliko ko sa pasilyo ay bigla akong natumba nang may makabungguan ako. Agad niya naman akong tinulungan.

"Zoe? Hey, why are you running at this hour?" Kung sinuswerte nga naman ako. Si Marc pa talaga ang nakakita sa akin.

"May zombies na sa baba." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Sandali... parang hindi yata sa sinabi ko. Parang may nakita kasi siyang kagimbal-gimbal na bagay sa likuran ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Akala ko ba sa office?" Tanong niya at bago pa man ako makalingon sa likuran ay hinila na niya ako. Dali-dali kaming pumasok sa isang kwarto at bago pa man niya masara ang pinto ay isang naaagnas na kamay ang humarang roon. Agad akong napasigaw. Napamura si Marc bago niya sipain ang kamay na 'yon dahilan para tuluyan na niyang maisara ang pinto. 

They are here. They are after us again...

Hindi pa naman siguro kami mamamatay ngayong gabi, 'di ba? Sana...

_

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now