Chapter 25: Rips and tears

1K 58 27
                                    

⇏ Z O E

"Mommy!" Sigaw ni Shan at akmang lalapitan ang mommy niya na pinagpepyestahan na ng mga uhaw na uhaw na nilalang. Mga nilalang na uhaw na uhaw sa dugo't laman.  

Horrified, I stared at the blood with fear. Shan's mom blood flowed like a river. It flowed like so much red gravy across the dirty road.

"Mommy!" Sigaw niyang muli. Mabilis akong tumayo saka siya niyakap para pigilan.

"Ate Zoe, bitiwan mo ako!" Sigaw niya sa akin, patuloy lang siya sa pagpupumiglas. Hinanap muli ng mga mata ko si Harper and it turns out nasa kabilang gilid ko na pala siya.

"What did you just do?!" Nagtitimping tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinawakan niya ang pulsuhan ko saka ako hinila. Nagpumiglas ako ngunit pahigpit nang pahigpit ang hawak niya sa akin. 

Ano bang problema ng babaeng 'to?! Is she out of her mind?! Ngayon na nga lang siya magpapakita ulit perwisyo na naman ang dinulot niya! 

"Harper, bitiwan mo ako sabi!" 

"Zoe, I just saved you then you're going to shout at me like that?! Ikaw pala ang ungrateful sa ating dalawa 'no?!"

"Mommy!" Sigaw muli ni Shan kaya tuluyan na akong naiyak.

"Tingnan mo ang ginawa mo! Nanay niya 'yon Harper!"

"Zoe, let's go. Habang distracted pa sila." Sabi ni Nathan na halata mong nagdadalawang-isip kung papabayaan na lang ba namin ang mommy ni Shan.

"Ate Zoe, si mommy!" Sabi ni Shan habang hinila-hila ang damit ko. Mas lalo akong naiyak sa inaakto niya.

"Shan, let's go—"

"But my mom!" Pagtatas niyang muli ng boses sa akin. Napapikit ako. "My mom! I can't leave her like that!" Bumagsak si Shan sa lupa kaya agad akong nagtungo sa kaniya at buong lakas siyang tinayo.

"Sshhh... let's go, Shan. We will go home." Pilit ko siyang kinukulong sa bisig ko para hindi na siya makapagpumiglas. 

"Mom is my home..." He sobbed.

"Tara na!" Binalikan kami ni Nathan at inakay na patungo sa dagat. Marami ng bangka roon at may mga nakaabang ng rescuers.

Ayon na oh... kitang-kita ko na ang pag-asa naming lahat pero bakit napakabigat sa puso? Parang ang hirap umalis.

Para akong nakaramdam ng pagkahilo. Nanlalabo na ang paningin ko at parang humihina na rin ang aking pandinig pero sa kabila no'n, hinawakan ko pa rin ng mahigpit si Shan na patuloy lang na umiiyak.

Depsite of mind drifting away from consciousness, I managed to see a rescuer pointing at us. Sumigaw siya sa mga kasama at sa isang iglap, nagsilapitan na sila sa amin.

"We're not infected! Don't shoot us!" Maddison told them.

Agad nila kaming sinuri at nang makumpirmang wala kaming bakas ng infection, sumenyas na sila sa mga kasama. Doon ko lang napagtanto na may mga sundalo na palang nakatutok ang baril sa amin. Kaya pala iyon sinabi ni Maddison.

"Isakay na sila sa bangka!" Nilapitan na ako ng isang lalaki ngunit hindi niya ako nagawang hawakan dahil bigla na lamang akong nagpumiglas nang kumaripas ng takbo ang kanina lang ay hawak ko.

"Shan!"

"Mommy!"

We were both shouting on the top of our lungs. He was running for her mother and I was running after him. 

"Tama na." Niyakap ko ng mahigpit si Shan nang maabutan ko siya. Hindi na siya nagpumiglas sa halip ay niyakap niya na lamang ako pabalik.

"Ate... s-si mommy."

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now