Chapter 6: Pizza shop

1.3K 75 30
                                    

Multimedia: Kobe

⇏ Z O E

"Nakakapagod rin pala. Let's rest first." Sabi ni Kirstel sabay upo sa sidewalk.

Pinagmasdan ko ang paligid, sobrang gulo. Bakas na bakas ang karahasang nangyari. Sobrang nakakapangilabot. Punong puno ng dugo ang paligid at ang sangsang pa ng amoy. Bakit ganon? Halos dalawang araw pa lang naman ang lumilipas pero ganito na kaagad kalala ang mga nangyayari. Paano kung maubos ang ibang mga tao rito sa isla? Paano na kami? Ano ng gagawin namin? Paano kami makakaligtas? Ni hindi ko nga alam kung may nakatawag ng tulong sa labas ng isla rito.

Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko na hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ba ito ng mga sagot. Sobrang hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari.

Akmang uupo na si Tristan sa tabi ni Kirstel pero biglang nagsalita si Kaylee.

"Get up guys. Saka na kayo mamahinga kapag okay na, kapag—" Pinutol ni Kirstel ang pagsasalita ni Kaylee.

"So you mean, hindi na kami makakaupo?" Napakunot ang noo ni Kaylee. Kakaiba na ang aura niya, alam kong naiinis na siya dahil kanina pa kami palibot-libot rito pero wala pa ring bakas ng kuya niya pati na rin nila Marc at Harper. Sana okay pa rin sila.

"I mean, kapag nahanap na natin sila. Gosh! Ang mga kaibigan natin ang hinahanap natin, Kirstel!" Hindi na mapigilan pa ni Kaylee ang magtaas ng boses kaya nagkatinginan kami ni Tristan. Konting pagtataas pa lang ng boses ni Kaylee natatakot na kami ano pa kaya kung sumigaw na talaga siya?

"Konting pahinga lang naman, Kaylee! Kanina pa tayo palakad-lakad! Paubos na nang paubos ang lakas natin dahil sa pakikipaglaban sa mga pesteng zombies na 'yon." Napatingin naman ako kay Kirstel nang magtaas na rin ang tono ng boses niya. Mukhang magkakainitan pa ata ang dalawang 'to.

"What the? Anong sabi mo? Nauubos ang lakas mo sa pakikipaglaban? E wala ka ngang ginawa kundi ang magtago sa likod naming tatlo." Napapikit na lamang ako at napahilamos ng mukha. Nananatili lang akong nakapikit habang pinapakinggan ang pag-aaway ng dalawa.

"Lumalaban ako. I tried my best pero sadyang sinosolo mo lahat, Kaylee." Sagot pa ni Kirstel. Hindi ko alam kung saan ako papanig. Bestfriend ko si Kirstel pero may point si Kaylee. Mga kaibigan namin ang pinag-uusapan kaya dapat walang sinasayang na oras.

"Anong sinosolo ko lahat? Kung hindi ko pa sinaksak yung isang zombie sa likuran mo kanina malamang sa malamang wala ng bestfriend si Zoe ngayon." 

Napadilat ang mga mata ko dahil sa narinig. Napatingin ako kay Kaylee at nakita kong nakatingin siya sa akin pero agad rin niyang binaling ang tingin kay Kirstel.

"Tama na nga!" Napatingin kaming tatlo kay Tristan nang bigla siyang sumigaw. "Kung gamitin niyo na lang kaya ang oras niyo sa pagbabangayan ngayon sa paghahanap o pamamahinga? Tang ina naman. Ngayon natin mas kailangan ang isa't isa, ngayon pa ba kayo magkakasira?" Dismayadong-dismayado si Tristan doon sa dalawa. He cussed, he's mad. Tristan being serious is really rare. Mas kilala ko kasi si Tristan bilang masiyahin at maloko. 

Wala akong magawa kundi ilipat-lipat ang tingin sa kanila. Natatakot akong sumabat dahil baka sa akin naman mabuhos ang inis at baka may masabi rin ako na makapagpahaba pa ng usapan.

"Kumalma kayong dalawa utang na loob." Sabi pa ni Tristan saka naglakad palayo. 

Napatingin akong muli kila Kirstan at Kaylee na ngayon ay ang sama ng tinginan sa isa't isa.

"Tristan's right. We shouldn't fight, we need each other right now." Sabi ko saka sinundan si Tristan. 

Wala na ring nagawa ang dalawa.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now