Epilogue

1.2K 69 32
                                    

⇏ F R O S T

"In the middle of darkness, no one will give you light. Only yourself."

Napatulala ako pagkasara ko ng libro. Everything that I've read made me turn cold. The undead, bloodshed, everything happened on the book... I can't believe that it actually happened years ago. Sobrang hindi ako makapaniwala.

Napatigin tuloy ako sa ID ko at binasa ang pangalan ng university na pinapasukan ko. Wasteland Academy of Science. Did Zoe gave that name to this school? To this place? 

Nabalik ako sa katinuan nang may magpatong sa ulo ko ng isang malamig na bote. Inis kong hinarap ang may gawa no'n at nakita ko si Chandler na halata mong iritado.

"Bakit hindi ka na pumasok? Wala tuloy akong nakopyahan." Mabilis tuloy akong napatingin sa wall clock. Holy frosty! Oo nga! It's almost closing time of this library. Hindi naman bago sa akin ang mag-cutting pero hindi ako makapaniwalang nag-cutting ako para lang sa isang libro.

"Anong 'yang hawak mo?" Chandler asked while eyeing the book that I'm holding. Usisero talaga ang isang 'to kahit kailan. Umiling ako ng ilang beses saka itinago ng mabilisan ang libro. Uuwi ko 'to sa amin. Hindi naman siguro mahahalata ng librarian. 

"Diary mo siguro. Naka-FLAMES ba ang pangalan natin diyan?" Pang-aasar niya. 

"Sunugin ko pa mukha mo. Asa ka namang crush kita." Inis ko tuloy sinuot ang bag ko saka ko siya nilagpasan.

Lumabas na ako ng library at nakipagplastikan pa ako sa masungit na librarian para kung sakali mang mahalata niyang kumuha ako ng libro, atleast goods kami. 

Madilim na paglabas namin ng campus. Mukhang uwian na rin ng ibang department. Naghintuan ang mga magagarang kotse sa driveway at nagkaniya-kaniyang sakay roon ang mga mayayaman. 

Patingin-tingin lang ako sa kanila. Kami kasi ni Chandler, naglalakad lang. Lagi kaming ganito kahit pa isang hiling niya lang sa mga magulang niya, bibilhan na agad siya ng kotse. Chandler's parents, who happened to be my foster parents, owns a prestigious hospital abroad. Nakakalula na nga ang yaman nila.

Umihip ang malakas na hangin kaya naman ibinulsa ko ang magkabilang kamay ko sa jacket. Jacket 'to ni Chandler pero hiniram ko muna, ang lamig kasi.

"Gusto mo sa bahay na lang kumain? O kain tayo sa labas?" Kaswal na tanong ni Chandler at nagpunta sa kabilang gilid ko para siya ang nasa tabi ng kalsada.

"Sa labas na lang."

"Nice. Buti ka pa maayos sumagot 'no? Yung iba diyan, isasagot "kahit saan" o kaya "ikaw bahala"." 

"Bakit mo alam? So marami ka nang inaaya?" Pang-aasar ko.

"Ipapasa ko muna Calculus ko bago jowa." Sabi niya. 

Napagkasunduan namin ni Chandler na mamili ng kakainan once na nandoon na kami sa downtown. Marami kasing kainan roon. From fast foods to expensive restaurants. Kumpleto talaga.

Tuluyan nang dumilim kaya maya't maya akong kumakapit sa kaniya. 

Dati hindi naman ako natatakot kapag madilim na pero magmula nang mabasa ko ang nakakapangilabot na libro na 'yon ay kinakabahan na tuloy ako. Baka kasi mamaya ay may zombie na sumulpot sa harapan ko at kainin ako bigla! Katakot!

Pero masamang damo naman ako at ang masamang damo matagal naman mawala 'di ba?

Tama. Tama...

"Pizza tayo?" Bumaling sa akin si Chandler. Pumayag ako agad kasi nagugutom na ako. Nakahinto kami sa intersection, naghahandang tumawid. Nang maka-signal na ang stoplight, tumawid na kami.

Wasteland 1: The Bloody HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon