Chapter 19: I'm sorry

1K 65 29
                                    

Multimedia: Marcus

⇏ Z O E

"Nasaktan ka ba?" Tanong niya habang sinusuri ang mga braso ko pero mabilis ko itong binawi. Bakit ganito siya umakto ngayon? Matapos niya akong saktan at lokohin tatanungin niya kung nasaktan ba ko? 

Yes, I got hurt. But not physically. Fuck him.

"Hindi ako diyan nasaktan." Bulong ko pero mukhang narinig niya naman. Alam kong nakaramdam siya ng guilt kaya hindi niya na lang pinansin ang sinabi ko. Kunwari hindi niya narinig. Ang galing.

"I'm sorry." Napangisi ako nang marinig ko 'yon. Nakipagtitigan ako at pinigilan ang sarili kong makaramdam ng kahit ano pero wala, sobrang nangingibabaw yung sakit kaya wala akong nagawa kundi umiwas muli ng tingin.

"Anong gagawin ko sa 'sorry' mo?" My voice is breaking, my walls are breaking again. "Mababalik ba ng 'sorry' mo lahat ng luhang iniyak ko dahil sa 'yo?" Tanong kong muli pero hindi na naman siya sumagot. Lagi na lang siyang hindi makasagot.

Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. Pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko ano mang oras. Nanghihina ako. Bakit ba siya pa ang nakasama ko rito?

"Hindi ko sinasadya." 

"Hindi mo sinasadya?" Gusto kong tumawa pero hindi ko kaya. Sobrang sakit kaya wala akong magawa kundi umiyak na lang. "Hindi mo sinasadyang magmahal ng isa pa?" Tanong ko sa kanya. "Marc, anong kalokohan 'yon?!"

"Sorry. I'm sorry."

"Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan tapos iyan ang sasabihin mo sa akin?! Hindi mo sinasadya?! Gago ka ba?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw kaya naman nakita ko ang pagpapanic niya.

"Lower down your voice." Utos niya sa akin.

"Wala akong pakialam! Mamatay na kung mamatay!" Hindi ko na alam kung saan ba nanggaling ang sinabi ko na 'yon. Galit na galit ako. Inuubos niya ako. Heck, I just witnessed my friend die the other day. My family is still missing. And now this. Fuck him! Fuck him really! And fuck this life!

"What are you saying? You're crazy. Anong mamatay na kung mamatay? Zoe naman..." Nakita ko ang pagluluha ng kaniyang mga mata.

"Tumigil ka. Hindi ako naaawa sa 'yo. Kunwari pa 'yang luha mo."

Ang sakit. Sobrang sakit. Yung buong tiwala ko ibinigay ko sa kaniya tapos ito ang igaganti niya sa akin? Iginanti niya sa akin ang bagay na hindi niya raw sinadyang gawin, naglolokohan yata kami rito. Isang malaking kalokohan.

Tuluyan na akong naiyak.

"Zoe, no..." Iniyuko ko ang ulo ko at mas lalo pang naiyak. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. "Don't cry. Please."

"If you don't want to see me crying then you shouldn't hurt me in the first place!" Sigaw ko sa kaniya. Kitang-kita ko ang guilt sa mga mata niya. 

"Say what you want to say. Hurt me. Curse me. Go. As long as—" Pinutol ko ang sinasabi ni Marc kasi tang ina hindi ko na kaya.

"Sana ikaw na lang ang nawala! Sana si Kobe na lang nandito!"  Napatakip na lamang ako sa mukha ko gamit ang magkabilang kamay ko at unti-unting napaupo. "Napakasakit ng ginawa mo! Ang sakit sakit ng ginawa niyo!"

Para akong bulkan na bigla-bigla na lang sumabog. Hindi ko na talaga kaya.

"Sana ako na lang?" Tanong niya. Napansin ko ang panginginig sa tono ng boses niya. 

Para tuloy akong nagsisi sa isang iglap.

"Zoe, gusto mo bang sana ako na lang 'yung namatay?" Hindi ako sumagot. Gusto ko siyang tingnan pero natatakot ako. I felt guilty after I heard his tone. Parang binibiyak at dinudurog ang puso ko. "Zoe, answer me!" Pain was written all over his face. Guilt is killing me now. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko at sabihin rin na hindi ko sinasadya pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para makapagsalita.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now