Chapter 17: Behind her back

1.1K 69 66
                                    

Chapter theme: Camila Cabello - I Have Questions

⇏ Z O E

I'm slowly losing my appetite nang makita kong patuloy pa ring nag-uusap sila Harper at Marc na para bang sila lang ang tao rito. Kanina pa sila ganiyan. Ano kami? Lalo na ako? Display? Bakit parang may sariling mundo silang dalawa magmula nang dumating kami?

Mukhang napansin na rin iyon ni Kirstel dahil kanina niya pa ako sinusulyapan.

Hindi naman ako manhid at mas lalong hindi ako tanga para hindi mapansin ang pag-iwas sa akin ni Marc. Mula pa lang kaninang umaga, hindi na siya makatingin ng diretsyo sa mga mata ko. Kapag kakausapin ko naman siya ang tipid tipid niya sumagot.

Ni hindi man lang ako binati ng "Merry Christmas". Oh well, maybe he just lost the track of time.

"Okay ka lang, friend?" Bulong ni Kirstel sa akin habang nginunguya ang kinakain niyang noodles. Tumango namn ako kahit gusto kong iiling ang ulo ko.

Nakakawalan naman ng gana yung dalawa. Ang bigat sa loob pero parang mali na makaramdam ako ng ganito.

"Share share din ng topic." Pagpaparinig ni Tristan sa dalawang parang may mundo. Nagtama ang tingin namin ni Marc ngunit umiwas rin ako agad. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya sa ngayon. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kaniya. Naiinis na niya ako.

"Let them talk nga. Kung ayaw mag-share then let them." Sabi ni Kaylee na halata mong naiinis na rin. Napatingin siya sa akin ngunit ibinalik niya rin ang tingin niya kila Marc.

"Okay. Chill." Ngumuso si Tristan pagkatapos.

"May nagbago ba rito noong wala kami?" Napatingin kaming lahat kay Kirstel nang bigla itong nagsalita ng gano'n. Palihim ko siyang kinurot. Bakit ba siya nagtatanong ng gano'n.

"Ano bang pwedeng magbago sa loob ng maikling panahon?" Pagsalo ko na lang ng tanong.

Napangisi si Kirstel at tinanguan si Marc. "Sa kaniya mo itanong."

Ayaw ko. Ayaw ko sa naiisip ko.

Ayaw kong mambintang lalo na't wala pa naman akong sapat na ebidensya. And Marc won't do that thing, even Harper. They can't and even if they can, I'm sure they won't because they know they shouldn't.

"Actually, wala."

"Wala? Marami, Marc. Stop pretending. Tinatrato mong hangin yung girlfriend mo eh!" Kirstel spat. 

Si Harper naman na katapat ko lang ay tahimik na nakayuko habang kumakain pero kapansin-pansin ang nakataas niyang kilay.

"What are you saying, Kirstel?" Natatawang tanong ni Marc at saglit pang tumingin sa akin.

"Wala raw pagbabago kasi matagal ng nagbago." Biglang singit ni Nathan kaya naguluhan ako. Anong alam niya?

"Shut up, Nathan!" Bigla na lamang nagtaas ang tono ng boses ni Marc kaya nabalik ang tingin ko sa kaniya. Harper suddenly looked up and held Marc's arm as if she wants him to calm down.

Ano 'yon? Bakit may pa-gano'n?

"Why would I? I'm sorry but, I can't stand seeing Zoe like this. Hindi mo siya pinagmumukhang inosente ngayon, Marc. Pinagmumukha mo siyang tanga." Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Nathan. 

Ako? Pinagmumukhang tanga ni Marc? Parang gusto ko na lamang umiyak dahil pakiramdam ko tama ang hinala ko.

"Wala akong alam sa sinasabi--" Natigil sa pagsasalita si Marc nang bigla akong nagtanong. Hindi ko na kaya pang manahimik. Kating-kating na akong malaman kung ano bang nangyayari at kung anong meron.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now