Chapter 11: Just kill me

1.1K 82 31
                                    

Multimedia: Tristan

⇏ Z O E

"T-Tristan..." I tried to mention his name pero halos wala ng boses na lumalabas mula sa bibig ko dahil sa sobrang gulat. 

Pumulot siya ng isang malaking bato saka ipinukpok sa ulo ni Kate hanggang sa hindi na ito gumagalaw. Umiiyak lang ako rito habang nakaupo. Ito na naman ang mahinang si ako. Panandalian nga lang ba ang tapang na ipinakita ko noong nakaraan? Bakit hindi na lang permanente? Ayaw kong maging pabigat sa kanila. 

God, can you give me enough strength to handle this?

"Get up." Tinulungan niya akong tumayo bago kami tumakbo palayo. 

Patingin-tingin ako sa nagdudugo niyang braso. He's bitten. Hindi malabong maging katulad na rin siya nila Kate sooner or later. I don't want that to happen. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. 

"We can rest for a bit. Nakalayo na tayo sa kanila." Sabi niya saka umupo sa semento at sumandal sa isang pader. I bit my lips while looking at him. 

Kasalanan ko 'to. Bakit kasi hindi ako tumayo agad? Bakit hindi ko magawang protektahan ang sarili ko minsan? Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.

"Wait." Sambit ko saka kinuha ang panyo sa bulsa ko. Lumapit ako sa kanya saka itinali ng napakahigpit sa sugat niya ang panyo. Hindi ganon kalaki ang kagat sa kaniya kaya medyo mabagal ang pagkalat ng virus sa katawan niya. Naiiyak ako. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha.

"This won't work, Zoe." Sambit niya kaya muli akong naiyak nang makita kung ano ng itsura niya. 

Oo pagod na pagod siya, oo may iniinda siyang sakit, oo alam niyang bilang na lang ang mga oras niya pero hindi niya 'yun pinakita sa akin. Ngumiti siya. He gave me a reassurance smile na labis na nakapagpakonsensya sa akin. 

Paano niya pa nagagawang ngitian ako sa ganitong sitwasyon?! Damn, Tristan. 

"Nakakalungkot isipin na hindi ko man lang makikita ang barkada bago ako maging katulad ni Kate." He told me, still smiling.

Mas lalo akong naiyak. Sobrang sakit na malaman na ano mang oras mawawalan ka ng isang kaibigang sobrang naging malapit sa'yo. Sobrang hirap tanggapin na ang isa sa mga kaibigang nandiyan lagi para sa 'yo ay bigla na lang mawawala sa tabi mo. 

Tristan is a really good friend. Siya ang moodmaker namin. Siya yung laging nandiyan para sa amin. Siya yung laging nag-aasikaso sa amin lalo na sa akin dahil alam niyang mahina ako kaya lagi siyang nakadikit sa akin. Pero ano bang nagawa ko para sa kaniya? Nandiyan ba ako lagi sa tabi niya para pasayahin or pagaanin man lang ang loob niya? Wala. Wala akong nagawa. At ngayon, wala akong magawa kundi maiyak na lang. 

"Just kill me." 

That three words made me stop. Umiling ako nang umiling habang umiiyak. I can't do that. I can't kill my own friend. 

"Tara na. H-Hahanap tayo ng—"

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Paano kung maging katulad na nila ako? Ano ng gagawin mo? Mas mahihirapan kang patayin ako dahil magiging matakaw na zombie ako kapag nagkataon. Hindi kita titigilan hangga't hindi kita nakakain." Alam kong nagbibiro siya pero hindi ko magawang tumawa or hampasin man lang siya. Hinang-hina ako sa mga oras na 'to. 

"Hindi nakakatawa, Tristan." I took the handkerchief and tied it above his wrist para mapigilan kahit papaano ang pagkalat ng virus.

"I'm not joking. I'm stating the fact, Zoe. Wala kang dapat ikatawa." Sambit niya. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya, patuloy ko lang hinihigpitan ang panyo habang diretsyong nakatingin doon. Nagpanggap akong walang naririnig.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now