Chapter 20: Stop blaming

1K 66 42
                                    

Chapter theme: Lauv - The Story Never Ends

⇏ Z O E

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid. I opened my eyes and then I looked around. Natagpuan ko ang sarili ko sa sulok habang sila ay nakadistansya ng kaunti sa akin. Parang may pinag-uusapan silang mabigat na bagay. Gusto kong alamin kung anong meron pero hinang-hina ako at napakasakit pa ng ulo ko kaya pumikit na lang akong muli.

"Stop the putting the blame on Zoe!" Rinig kong sambit ni Kirstel kaya napadilat akong muli. Nagtaka ako nang marinig ang pangalan ko. 

Ako ang pinagtatalunan nila? Bakit?

"Kirstel's right. Ginusto niya bang mamatay si Marc?" Nang dahil sa mga binitiwang salita ni Kaylee ay napadilat ako ng tuluyan.

Bigla kong naalala si Marc. Bigla kong naalala ang nangyari. Bigla kong naalala na wala na pala siya. Na hindi ko na siya muling makikita pa. Na hindi ko na muling maririnig ang boses niya. Na hindi ko na siya magagawang hawakan pa.

Humiga na lamang ulit ako at tumalikod sa kanila. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko. 

Parang gumising lang ako para umiyak ulit.

I was there. Kasama ko siya sa mga oras na 'yon. Pero wala akong nagawa. Hindi ko man lang siya nailigtas. Pakiramdam ko kasalanan ko.

'Sana ikaw na lang ang nawala! Sana si Kobe na lang ang nandito!'

'Zoe, gusto mo bang sana ako na lang yung namatay?'

Napahagulgol ako nang maalala ko ang sinabi ko at ang mga mata niyang punong puno ng sakit at paghihirap. Ang tanga tanga ko! Bakit ko ba siya sinabihan ng ganon? Bakit ba lagi na lang akong nadadala ng galit ko? Nakakainis! Inis na inis ako sa sarili ko!

Sana hindi ko siya iniwan. Sana hinawakan ko rin ang kamay niya hanggang sa makalabas kami. Kung ginawa ko 'yun e 'di sana buhay pa siya.

Napatakip na lamang ako ng bibig ko dahil ayokong malaman nilang gising ako. Ayaw ko munang makipag-usap sa kanila. Ayaw ko muna ng kausap. 

Ang sakit sakit...

"Harper, can you shut the fuck up?! Sa paninisi ka lang naman magaling! Manahimik ka for once! Tang ina naman!" Rinig kong sigaw ni Kirstel. Galit na galit ang tono nito.

"Kasalanan ni Zoe! Kasalanan ng babaeng 'yon!" Nakarinig ako ng mga yabag patungo sa gawi ko kaya napapikit ako agad ngunit napadilat ako agad nang makaramdam ako ng pananabunot sa buhok ko. Nakaladkad ako kaya pinilit kong bumangon. Napaiyak ako lalo dahil sa sakit.

"Harper, ano ba?!" Sigaw ni Kirstel saka sinubukang alisin ang pagkakahawak nito sa buhok ko pero tinulak niya lang si Kirstel kaya napaupo ito sa sahig. 

Doon na ako naalarma. 

Hinawakan ko ang kamay ni Harper saka inalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Dumilim rin ang tingin ko sa kanya habang papunta ako kay Kirstel, tinulungan ko itong tumayo. "Sumosobra ka na." I cried, looking at Harper. 

"Ako pa ang sumosobra?!" Pinanlisikan niya ako ng mga mata. "Kung hindi mo lang iniwan si Marc eh 'di sana buhay pa siya ngayon!" Madiing wika ni Harper kaya napapikit ako para ikalma ang sarili ko.

"Alam kong kasalanan ko. Hindi mo kailangang ulit-ulitin." Sabi ko sa kaniya dahilan para mapangisi siya.

"Buti alam mo, Zoe. Hindi pa naman pala sagad ang katangahan mo." 

Iniyukom ko ang kamao ko sabay hinga ng malalim.

"Huwag mo na lang pansinin 'yan. Katangahan niya yung sagad kaya ganiyan ang pinagsasasabi." Inis na inis na wika ni Kirstel habang inaayos ang nagulong buhok.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now