Chapter 13: Sacrifice

1.2K 88 46
                                    

⇏ Z O E

After Tristan asked that, natagpuan na lang namin ang mga sarili namin na tumatakbo palabas. Sinundan namin ang tunog na naririnig namin. I smiled in relief nang matagpuan ang dalawang helicopter na nasa himpapawid. I wanted to shout at the top of my lungs para malaman nilang may tao pa rito pero paniguradong ang mga zombies ang unang makakatagpo sa amin.

"Nakikita kaya nila tayo?" Tanong ni Marc habang nakatingala sa kalangitan. 

"Sana." Bulong ko bago tumingalang muli. 

"Call their attentions. Susunduin ko lang sila Kaylee." Sambit ni Maddison bago tumakbo. Sinundan naman siya ng pinsan niya.

"Paano?" Iyon ang salitang lumabas sa bibig ko. Pumasok naman sa isip ko ang ospital. Muli ko yung nilingon at nakita kong hindi pa pala kami nakakalayo mula roon.

"Pagdating na pagdating nila Maddison, aakyat tayo sa rooftop ng ospital." Sambit ko.

"Panalangin mong walang zombies na makakita sa atin." Sambit ni Tristan. Pansin kong basa na ang benda niya dala ng kulay pulang likido. Hindi naman medicine ang course na kinuha ko kaya hindi ko alam kung ano mismo ang dapat gagawin. 

"Zoe, okay lang ako." Napansin niya sigurong nakatingin ako sa naputol niyang kamay mula pa kanina kaya naman sinita na niya ako. I can't help but feel bad. Kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan ngayon.

We waited for a couple of minutes hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag. Tumakbo si Kirstel pagkakita niya sa akin bago ako yakapin ng sobrang higpit. Nang humiwalay ako sa pagkakayakap ay bigla na lamang siyang umiyak. 

"Akala ko..." She sobbed. "A-Akala ko..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil sa pag-iyak. Niyakap ko siyang muli para pakalmahin siya.

"Shhh, stop crying. I'm here." I told her. Humiwalay na ako sa pagkakayakap bago siya ngitian. Seeing her tears, parang gusto na ring kumawala ng akin. Ayaw kong nakikitang umiiyak si Kirstel lalo na kung dahil sa akin. 

"They are here!" Nabaling ang atensyon namin nang biglang sumigaw si Kobe. Kunot-noo namin siyang tiningnan habang siya ay nakatingin lamang sa kung saan. Nakaawang pa ang bibig nito na para bang gulat.

"Ano? Walang balak tumakbo?" Tanong ni Maddison at sa isang iglap ay bigla na lang kaming kumaripas ng takbo.

"Akala ko itatanong mo sa amin kung wala ba kaming balak lumaban." Puna ni Nathan kay Maddison. Nakita ko ang pag-irap nito at tumuro sa itaas.

"Maiiwan tayo ng helicopters, idiot." 

Nang makarating kami sa ospital ay binuksan agad ni Marc ang pinto kaya nagsitakbuhan ang iba papasok pero siya ay lumingon muna sa akin bago hawakan ang kamay ko.

"Elevator or stairs?" Tanong ni Maddison sa amin habang nakatayo sa pagitan ng dalawang pinagpipilian.

"Stairs. Baka sira na ang mga elevators." Sagot ni Nathan bago umakyat sa hagdanan. Sumunod naman kami sa kaniya. We couldn't keep up with his pace. Mukhang athlete yata ang isang 'yon.

Nang makarating kami sa third floor ay tumigil ang mga nasa harapan namin kaya natigil na rin kami. 

"Zombies..." Bulong ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Lahat sila ay nakasuot ng pampasyenteng kasuotan.

Wasteland 1: The Bloody HistoryWhere stories live. Discover now