Chapter 3: The Riddle

1K 35 3
                                    


Chapter 3 - The Riddle

Naglalakad ako sa madilim na disyerto. Ang buhangin na aking nilalakaran ay tila kumunoy na kumakain sa aking mga paa habang ako'y lumalakad. Itim din ito at nakakatusok sa balat. Tumingala ako at nakita ang kalangitan, walang bituin — kundi mabibigat na ulap na tila galit na galit, sila'y nagsasama-sama na parang may kasamang bagyo. Ano ito? Nasaan ako?

Tumingin ako sa paligid. Walang laman. Tanging huni ng mainit na hangin sa aking mga tenga.

Hangga't sa makita ko ang kumikinang na bagay ilang metro ang layo sa akin. Nagsimula akong maglakad patungo rito. Kasing tangkad ko ito, isang salamin. Hinarap ko ito at nakita doon ang isang dalagang babae — nakaschool uniform, magulo ang buhok, may pimples. Kilala ko ito.

Si Amber.

Inabot nito ang kanyang kamay dahil parang may humihigop sa kanya palayo sa akin. Humawak ako dito ngunit ang matigas na salamin lamang ang tumama sa kamay ko. Hangga't unti-unti ay lumilliit sa aking paningin si Amber sa loob ng salamin.

Makirot ang aking ulo nang bumangon ako. Napansin kong may luha sa aking mga pisngi. Nasa loob ako ng aking kuwarto at ang liwanag sa labas ay pumapasok na sa matatangkad na bintana.

Isang kakaibang panaginip. Ano na naman ito? Hinawakan ko ang aking mukha at kinuskos ito gamit ang aking mga kamay. Alam kong ang mga panaginip para sa tulad namin ay hindi lang basta-basta. May ibig sabihin ito, at natatakot ako kung ano man ito.

Tumayo ako upang maghanda na para sa araw na ito. Apat na araw na simula nang atake ni Daedalus sa amin at ito na ang araw na pupunta kami ng Crete, well, ani ni Zeus ay para matapos na namin agad ito. Hindi ko alam kung ano talaga — papatayin namin si Daedalus o ibabalik namin siya sa Underworld? Currently ay ni hindi namin alam kung nandoon si Daedalus. Tila gusto lamang pumunta ni Zeus doon. Sa Crete, kung nasaan ang workshop ni Daedalus.

Nagsuot na ako ng robe at palusong na sana sa tub nang may magsimulang kumatok sa aking pintuan. Napatingin ako at napakamot ng ulo. Binuksan ko ito at nakita doon si Paris.

"Paris? Among ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Troy ka?"

"Surprise.", sabi niya nang wala kasigla-sigla, marahil nawala ang excitement niya sa bungad ko.

Pumasok ito at tumingin sa paligid. Napansin niyang naghahanda na ako. "So, aalis na kayo?"

"Uhm, oo. Paris —"

"Sasama ako."

"Paris, pinagusapan na natin ito. Kami lang ng Big Three at ni Kat ang pupunta sa Crete."

Napakamot ito ng ulo, "HIndi ko maintindihan, Hestia. Bakit hindi ako pwedeng sumama? Bakit niyo ako tinutulak palayo? Feeling ko outsider ako!"

"Paris — hindi sa ganon, ayaw lang ni Zeus na may mangyari sa iyo."

"Yan! Yan si Zeus! Tanging sarili niya lang ang iniisip niya. At syempre gusto kong kasama ako, para maprotektahan kita."

"Ilang beses ko bang sasabihing kaya ko ang sarili ko?", sa pagkakataong iyon ay tumaas ng kaunti ang boses ko.

Napakagat ng labi si Paris at sumandal sa drawer. "Alam ko, Hestia. Ako na ang magsasabi. Gusto mo nang makipaghiwalay."

Ako naman ay napaupo sa kama. Ito ba ang gusto ako? Ano ba? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dati kapag nakikita ko si Paris ay iba ang sigla ko, pero ngayon...

"Paris, hindi sa ganon. Pero tingin ko kailangan natin ng oras na magkalayo tayo sa isa't isa."

Tinaas ni Paris ang kanyang kaliwang kamay na parang may tinuturo. "Ayaw mo na sa akin, bakit? Dahil nandyan na si Hades? Dahil tapos na ang pagiging panakip butas ko?!"

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now