Chapter 4: Icarus

848 30 4
                                    


Chapter 4 - Icarus

Naalala ko noong papunta kami sa pinagtataguan ng mga Gray Sisters, noong mga panahong nawawala si Zeus. At katulad noon ay isa lang ang paulit-ulit na sinasabi ni Poseidon.

"Eek, I hate dark caves. Ang layo sa lawak ng dagat."

"Hindi naman ito kuweba no, gunggong." sagot ni Zeus.

Patuloy kami sa pagbaba sa mga batong hagdan, kahit naka-sapatos ako ay ramdam ko pa rin ang makapal na alikabok dito. Si Hades naman ang nangunguna sa amin, nakataas ang hawak niyang posporo na nagpapaliwanag sa aming daanan, himala at hindi nagprotesta si Zeus na si Hades ang nangunguna. Wala namang laman ang mga pader, akala ko ay makakakita ako ng mga weirdong guhit at simbolo pero tanging alikabok at mga sapot lang ang nakadikit dito.

"Teka, may nakikita akong liwanag.", sambit ni Hades.

Alam namin, dahil napansin din namin ito. Ilang hakbang na lang palayo sa amin ay ang isang nakabukas na pinto, may mahinang liwanag sa loob, parang ang nagpapaliwanag dito ay bumbilyang malapit nang mapundi. Sa pagkakataong iyon ay hinipan na ni Hades ang posporo para mamatay ang apoy nito at dahan-dahan niyang tinulak pabukas ang pinto. Ang pintong ito ay metal at pabilog, parang katulad nang makikita mo sa loob ng barko. Pumasok kami at nanlaki ang mga mata ko sa tumbad sa amin.

Isa itong lugar na hindi mo akalaing makikita mo sa ilalim ng isang napakalaking bato. Matataas ang kisame at may mga hagdan na magdadala sa iyo sa ibang mga pinto. Napakaraming mesa at nandito ay tumpok ng mag kung anu-anong bagay: metal scraps, gears, mga bote, pati mga DVD at kung anu-ano pang makina. Ngunit ang kukuha talaga ng iyong atensyon ay ang hile-hilerang metal beams na papunta sa kisame, may metal ding ladder na puwede mong gamiting upang akyatin ang mga naglalakihan ding makinang naksabit. Tila ang iba rito ay galing pa sa isang barko.

"Wow.", rinig kong sari ni Poseidon.

Naglakad kaming apat.

"Ito ang Workshop ni Daedalus?", tanong ko.

"Wala nang iba.", sagot ni Hades.

"Daedalus!", sigaw ni Zeus. "Daedalus!"

Tinignan ko ang paligid. Walang lumalabas na kulay berdeng espiritu. Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagsigaw ng pangalan niya ngunit walang nagpapakita — well, sa isip ko ay sana wala nang magpakita pa.

Sa hindi ko maintindihang rason ay parang nahila kami ng mga bagay bagay na nasa mga mesa. Naghiwahiwalay kami. Napunta ako sa isang mesa, nakita ko na may isang kahon dito. Binuksan ko at may isang maliit na ballerina na dahan-dahang umikot sa saliw ng matinis na tugtog. Isang music box. Lumingon ako at nakita si Poseidon na pilit sinusukat ang isang helmet. Si Zeus naman ay may inoobserbahang mahabang espada na nakadikit sa pader.

Napatalon ako nang tumabi sa akin si Hades.

"Hades."

"Kumusta ka?", tanong niya. "Kumusta ang pagiging Hestia?"

Napakamot ako sa aking ilong. "Hindi ko maintindihan sa totoo lang. Hindi ko alam ang mararamdaman. Napakadami ko pang hindi alam at hindi mawari. Pati mga memorya ko noong si Hestia pa ako ay malabo."

"Magiging maayos din ang lahat."

"Uhm, ikaw? Kumusta ka? Kailan ka babalik ng Underworld? Siguradong umabot na ang balita kila Persephone."

"Sabi ni Zeus ay umabot na nga sa Underworld ang balitang nagbalik ako, pero sabi rin ni Persephone na 'take my time' bago ako bumalik doon. Babalik din ako doon, hinahanda ko lang ang sarili ko.", matapos noon ay ngumiti siya sa akin.

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now