Chapter 9: The Funeral

714 24 27
                                    

Author's Note:

Sorry sorry sorry sa sobrang late na update. I'm just struggling to write well because I write professionally na and I feel so drained everytime. Pero don't worry because I'm going to finish this series! Salamat sa patuloy na nagaabang! Doing my best to churn out updates ASAP!

Previously...

Patay na si Hestia.

Si Hades ay si Minos in disguise.

Gagawin ni Zeus ang lahat para malaman ang katotohanan.

Si Kat ay nasa isang misyon para malaman ang dahilan ng pagpatay sa lahat ng phoenixes.



Chapter 9 - The Funeral

Tahimik na sinuot ni Zeus ang kanyang cape.

Matagal na nang huli niyang sinuot ito. Hindi niya na maalala.

Inayos niya ang chiton niyang hanggang tuhod para umayon sa kapa. Matapos ay brinush-up niya ang kanyang itim na buhok.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa kanyang repleksyon sa salamin.

Zeus...

Bigo.

Wasak ang pamilya ko.

Naubos na sila.

Wala nang natira.

Hinampas ni Zeus ang ulo gamit ang kanyang mga kamao. Hinampas niya nang hinampas ito hanggang sa mamula siya. Matapos ay tumigil siya at napahawak sa mesa, hinahabol ang kanyang hininga.

Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Kailan ba siya gigising at makitang ayos lang si Hestia? Na nandyan siya. Nakakunot ang noo at naiinis na naman sa mga hirit niya?

Hindi makapaniwala si Zeus. Hindi niya alam kung paano pa siya nakakagalaw.

Nang masiguradong ayos na ang kanyang kasuotan ay lumabas ng kuwarto si Zeus. Pagkasara niya nang pinto ay napansin niya si Poseidon na lumalabas rin mula sa kuwarto nito. Ngunit ibang iba ang estado nito kay Zeus. Nakapajama ito, magulo ang buhok, namumugto ang mga mata at sumisinghot-singhot.

"Poseidon.", pagtawag ni Zeus.

Tumingin lang si Poseidon sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ka pwedeng pumunta sa baba nang ganyan."

"Ano naman, kuya Zeus? Guardian is dead. I have no one to show off to."

"Poseidon...maaaring di pa siya patay. Pwede pa natin —"

"WHAT, ZEUS?! Everything's meaningless. Talo na tayo. Talo...", matapos nito sabihin ni Poseidon ay nilagpasan niya lang si Zeus na parang figurine lang ito.

"Poseidon!"

Hindi na sumagot o lumingon si Poseidon, sa halip ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang mawala ito sa paningin ni Zeus.

Huminga nang malalim ang god of the sky at tinignan ang mga pader at mga carpet. Siguro nga tama si Poseidon, walang saysay ang lahat. Bakit pa ba sila nabubuhay? Para lumaban, manakit, pumatay? Ano bang kahulugan ng lahat?

Naglakad si Zeus at agad niyang naramdaman ang bigat ng kanyang armor. Sanay naman siya dito pero kakaiba ito ngayon. Mabigat, napakabigat...o baka ang puso niya lang iyon.

***

Lumalakas na ang hangin at tingin ni Kat ay oras na para bumaba sa lupa para magpahinga.

Magkakalahating araw na rin simula nang manggaling siya mula Crete upang magpaalam sa Big Three at kay Hestia at kalahating araw na rin nang matanggap niya ang isang misteryosong sulat. Hindi alam ng messenger kung sino ang nagpapadala nito pero kinuha pa rin ito ni Kat dahil naintriga siya at nararamdaman niya sa kalamnan niya na mahahanap niya ang kasagutan.

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon