Chapter 7 : Puppet

672 22 1
                                    

Dumating ako sa throne room at nadatnan ko ang Big Three na nakatayo sa harap ng hearth na mababa at paandap-andap ang lakas. Sila'y napahinto at kumunot ang mga noo nang makita ako marahil na rin dahil kita nila ang panic sa aking mukha. Hinihingal akong tumigil sa harap nila.

"He — Hestia? Anong problema?"

"Uhh," huminga ako nang malalim. "Kai — kailangan na natin magmadali! Patungong BGC!"

Napakamot si Zeus sa kanyang leeg. "Anong nangyayari sa iyo?"

"Ang aking pamilya. Doon sila nakatira ngayon kaya marahil ay nadamay sila!"

"Oh noes.", bulong ni Poseidon.

Tinignan ni Zeus ang kanyang mga kapatid at nilatag ang kanyang kamay sa ere sa kanilang harapan. "Kung gayon, humayo na tayo. Sa oras na ito ay magoobserba muna tayo bago tayo umatake. Basta ang alam natin ay kaya ng espiritu ni Daedalus na kontrolin ang mga bagay- bagay. Hindi lang natin alam kung anong klaseng mga bagay."

Napabuntong hininga ako at humawak na sa kamay ni Zeus.

"Naintindihan niyo? Kaya natin 'to. Hindi man natin matalo ngayon si Daedalus ay siguradong makakahanap tayo ng kanyang kahinaan at doon natin malalaman kung paano siya mapapabalik sa Underworld, once and for all."

Tinanguan namin si Zeus at kagaya ko ay nilagay na rin ni Hades at Poseidon ang kanilang mga kamay sa atin.

"Hestia, ikaw ang guide namin, since hindi namin alam kung saan itong BGC ay gusto kong magconcentrate ka at isipin mong mabuti ang lugar na ito."

Napalunok ako. Hindi pa ako ganong kagaling magteleport! Pero...pero hindi ito ang oras para magreklamo ako.

Napatingin ako sa hearth bago kami mawala.

***

Lumapag kami sa isang street sa BGC. Ang unang bumungad sa akin ay ang semento. Napadausdos ako. Nakaramdam ng alikabok na humampas sa aking mukha. Napaubo ako at tumingala. Ang Big Three ay nasa gilid ko, lahat sila nakatayo ng maayos. Ngunit ang mukha nila ay malayong malayo sa pagiging maayos.

"Madali!", sigaw ni Zeus.

Tumayo ako at napatingin sa paligid. Mga nagtataasang buildings na mayroong magagandang arkitektura. Mga bus stops na walang laman. At mga ibong tahimik na nakapatong sa street lights.

Sa harap namin, bago ang isang intersection ay tatlong police cars. Dalawang fire trucks at ambulansya. Maraming tao. Mga pulis, mga medic at mga reporters. May isang babaeng reporter na kulay ginto ang buhok ang nanginginig na nagsasalita sa harap ng kamera na hawak ng kanyang cameraman. Walang civilian, maliban na lamang sa mga taong nakahiga sa stretcher at ipinapasok sa ambulansya. Paikot ikot ang mga pulis, hindi mapakali.

Ilang metro lang at dalawang building lang ang layo mula sa amin ay ang building kung nasaan ang espiritu ni Daedalus at kung saan mas lumalaki pa ang animo'y tumitibok tibok ang enerhiya. May dalawang helicopters ang umiikot ikot rito pero malayo sila, marahil takot na maganap sa kanila ang nangyari sa unang helicopter. May mga pagtunog ng sirena.

Nakaramdam ako ng paghila at pagtingin ko sa aking gilid ay hawak hawak na ni Poseidon ang aking kamay at kami'y tumakbo sa isang alleyway, malayo sa mga tao. Wala naman sigurong nakakita sa amin. Dinikit ni Zeus ang kanyang likod sa pader. Walang laman ang alleyway, maliban na lang sa ilang garbage containers.

"Anong nangyari? Bakit ang layo natin?", tanong ni Zeus sa akin.

Napakagat ako sa aking labi, "Ah, eh, pasensya na. Inisip ko naman ng mabuti ang BGC eh, ang building na nakita ko mula sa broadcast ni Oracle, pero marahil nalihis tayo ng kaunti dahil iniisip ko rin ang pamilya ko, na dito nga nakatira. So marahil, nandito lang ang kanilang apartment —", sabi ko habang tumitingala.

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon