Chapter 6 : Take the Reins

706 22 4
                                    

Previously...

Pagkabalik mula sa nakaraan ay dinalaw ang Big Three at si Hestia ng unstable na espiritu ni Daedalus at hinahanap nito si King Minos.

Pumunta sila sa workshop ni Daedalus upang maghanap ng clues at ang tumambad sa kanila ay ang malungkot na istorya ni Daedalus at Icarus at pagatake ng isang robot.

Nakaligtas sila at pinuntahan ni Kat Embers upang sabihin na may bagong propesiya.

Si Kat Embers ay naglakbay upang hanapin ang mga sagot tungkol sa angkan ng mga Phoenixes.

Ang Fates ay patuloy na nagbabantay...


- -

Nagising ako sa boses ni Poseidon.

Pabagsak bagsak pa ang aking mga mata nang ako'y umupo sa aking kama at nang makita ko sa tabi si Poseidon, nakatayo at niyugyog ang aking higaan upang ako'y magising.

Sigurado akong nagkaroon ako ng masamang panaginip...ngunit hindi ko maalala kung ano ito.

"Guardian!", bulong ni Poseidon.

"Heto na. Gising na ako.", sabi ko at pagkatapos ay sinundan ito ng paghikab. "Anong problema?"

Naalala ko na ang aking panaginip. Tungkol sa aking pamilya...hindi ko masabi ang mismong mga detalye, basta nandoon ang aking pamilya. Mortal na pamilya. Ang aking mama at papa at mga kapatid na si Johnny, Angel, Kim at ang newborn na si Skye. Marahil namimiss ko lang sila...

"Tumayo ka na, Guardian. May kailangan kang makita."

Nagising ang diwa ko dahil sa seryosong mukha ni Poseidon. Bihirang makita siya ng ganito. "Oo, sige." Tumayo ako at kinamot ang aking mga mata. "Ano bang nangyayari? Kinakabahan naman ako. Tungkol ba ito sa propesiya?"

"Just hurry up, Guardian. Kuya Zeus and Kuya Hades are waiting."

"Oo na, oo na. Heto na nga.", sabi ko habang sinusuot ang aking robe. Siguradong malamig sa labas dahil lalo na't nakasuot lang ako ng aking manipis na pajama.

Matapos kong magpalit ay sinundan ko na si Poseidon palabas.

***

Pagdating namin sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Oracle ay tuhamimik ang mga boses sa loob. Binuksan ni Poseidon ang pinto at napapikit ako sa matingkad na liwanag na nanggagaling sa kuwarto. Nang magadjust na ang aking mata ay nakita ko si Hades na nakatayo, habang si Zeus ay nakaupo sa upuan, hawak ang isang umuusok na mug — naamoy ko ang hot chocolate na nandito. Si Oracle naman ay hindi ko alam ang suot dahil nakatakip sa kanya ang isang makapal na comforter, nakaupo ito sa dulo ng kama.

Pinanood nila kaming pumasok ni Poseidon na sinara naman ang pinto. Nandoon ang asong si Laelaps at si Berphig. Magkatabi silang natutulog at nagising nang pumasok kami. Lumapit sila ng tahimik sa amin, lumuhod ako at hinimas ang kanilang mga balahibo. Mukhang antok pa ang dalawa dahil agad silang bumalik sa sulok at natulog ulit na magkatabi.

"Anong nangyayari?", tanong ko. Tumayo ako habang ginagala ang mata sa loob.

"Masama.", sagot lang ni Zeus. "At mukhang may kailangan tayong gawin."

Masama? Ano pang bago? Tumingin ako kay Hades at nagsalita. "Hindi ko maintindihan."

Napalunok si Hades, "Nakatanggap kami ng mensahe, mensahe tungkol sa isang atake."

"Atake?"

"At nakita rin ito ni Oracle.", sabi pa ni Hades.

Napunta naman ang aking paningin kay Oracle na napatakip ng kanyang mukha bago magsalita. "Tama. Nakita ko ang atake ni Daedalus sa isang bayan sa Pilipinas. Lumalakas siya, madaming namatay, madaming establisyementong nasira, sarado na ang bayan dahil sa atake ni Daedalus. Nandoon pa rin siya, tila naging kampo niya ito. Walang makalapit dahil sa kapangyarihan niya. Lumakas siya. Lumaki. At mayroon siyang mga kampon na hindi kayang labanan ng mga tao."

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now