Chapter 10: Letters

299 24 11
                                    

AFTER A YEAR, HETO NAAAA!

PREVIOUSLY...

Sa burol ni Hestia ay dumating si Minos para magdeklara ng giyera na iniresulta ng rebelasyon na nagpanggap siyang bilang si Hades at ang espiritu ni Daedalus ay kanyang puppet at ang pagkawala ni Paris...

Dumating si Kat Embers sa isang isla matapos ang isang sulat na nagiimbita sa kanya para malaman ang nangyari sa angkan ng mga Phoenixes...

Mas lumalapit na ang Fates...

Chapter 10 - Letters

HINAMPAS NI ATHENA ang la mesa sa harap ni Zeus, Poseidon at Pan na halatang hindi pa rin makapaniwala sa pangyayari.

Ilang oras na rin ang lumipas simula nang maghasik ng kaguluhan si Minos, na ginamit pala ang imahe ni Hades para makapasok, para mapaglaruan ang buhay ng bawat isa nang hindi nila napapansin.

Bakit hindi ba nila naisip iyon? Bakit sila nabulag?

Matapos mawala ni Minos ay dumating si Poseidon, kasama ang kanyang asawa na si Amphirite, parehas silang nagulantang sa naganap.

Ngayon sila ay nasa isang kuwarto, upang mapagusapan ang kanilang gagawin.

"Ano na ngayon?", tanong ni Athena sa kanila habang ang kanyang mga braso ay nakatupi sa isa't isa.

Napatingala si Zeus. Sa hinaba haba ng buhay niya ngayon niya lang narinig si Athena na tila hindi alam ang gagawin. Madalas siya ang unang unang may ideya pero tulad nila ay mukhang natuliro rin siya.

"Ano pa nga ba?", sumagot si Zeus. "We end this. We kill Minos. We save Olympus. Ganoon naman lagi, diba? Bakit ba parang bago sa iyo?"

"But what's our strategy? What should we do?"

"Subukan mo kung macocontact mo akong Underworld.", si Pan naman ngayon ang sumagot na katabi nila Zeus at Poseidon sa pagtayo.

"Yeah, that seems to be the logical first step.", sabi ni Athena. "I'll try to send a letter."

"No," bigkas ni Zeus. "Tingin mo may magagawa pa ang letters sa oras na ito? Nasa kamay ni Minos ang Underworld! And soon maaring tayo na rin! We attack the place, that's the logical first step."

"Pero -"

"Isa kang war strategist, Athena. Alam mo dapat ito."

Napabuntong hininga ang goddess of wisdom at napaupo sa mesang kanina lang ay nilabasan niya ng galit.

"Yeah, you're right, Dad. That's what we should do. But then what? Kung makuha man natin ang Underworld ay paano natin tatalunin si Minos? He's a spirit! At I've studied many things about them, they are restless, they are quick, they are different. Mas mahirap sila kalabanin."

Tumingin si Zeus kay Poseidon na tila nanghihingi ng sagestyon ngunit nakatitig lang ito sa isang tabi. Napakalayo sa Poseidon na kilala ni Zeus.

"Katulad ng sinabi ko, Athena. You're a strategist, maybe you can find a way. Sa ngayon binibigay ko sa iyo ang pagiging pinuno ng pagatake sa Underworld. At ikaw, Pan -"

"Baka nakakalimutan mo, Zeus, I'm a pacifist -"

"Tumigil ka, tutulungan mo kami. gawin mo ito para kay Hestia!"

"Sa mga panahong nawala ako ay mas nakilala ko pa ang mundo. Nakita ko ang mga atrocities...hindi lang ng mga tao pero nang iba't ibang nilalang sa mundo. I've seen a lot of things at isa lang ang napagtanto ko, napakababaw pala nang pagtingin ko sa mga bagay. At isa sa mga natutunan ko ay minsan, you need destruction. So, Zeus. I'm with you. Hindi mo pa ako pinatapos eh."

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now