Chapter 5 : Prophecy 2.0

920 32 3
                                    

Chapter 5 - Prophecy 2.0

Umikot ako sa lapag upang iwasan ang mag nagliliparang upuan.

Dahil lang naman ito sa higanteng palakol na winawasiwas sa amin ng higanteng robot na babae. Na akala mo ay naiinis lang siya sa mga lamok na pumuputakte sa kanyang mukha. Tumingala ako at nakita siya roon, hinahanap kung saan nagpunta ang mga bubwit na kami.

"Hestia!", rinig kong sigaw ni Zeus.

Lumingon ako at nakita ang Big Three na nasa may pintuan. Naramdaman kong gumalaw ang robot at marahan akong tumingin sa kanya at sa surpresa ko ay nakita ko itong patakbo sa akin. Napatili ako nang bahagya at tumakbo patungo sa Big Three, nararamdaman ko ang mga upuan pati na rin ang projector na lumilipad at lumalalagpas lang ng ilang metro sa aking likuran.

Lumabas kami at dumating sa main workshop ni Daedalus — kung nasaan ang kanyang mga equipment at scraps. Lumusot ang robot sa pinto — sa totoo lang ay yumuko ito para lumabas. Matalino ito at hindi isang destructive robot lang.

"What do we do?", tanong ni Poseidon.

"We destroy it. Easy peasy lang ito.", sabi ni Zeus habang nakakagat sa kanyang labi.

Napanganga ako sa sumunod na nangyari. Habang unti-unting lumalapit sa amin ang robot, hawak pa rin ang nakakatakot niyang palakol ay naghanda na rin ang Big Three. May umikot-ikot na agos ng tubig sa kamay ni Poseidon hanggang ito'y maging trident. Tinaas ni Zeus ang kanyang kamay at may matinding liwanag at sa kanyang kamay ay kanyang makapangyarihang lightning bolt. At si Hades, si Hades, may hawak siyang dagger. Ang kanyang dagger na matagal kong hindi nakita.

At sumugod sila.

Ngunit huminto rin sila.

Mga ilang segundo akong nakanganga lang. Hindi maintindihan ang nangyari. Mukhang gayon din ang Big Three na nakahinto sa harap ng robot — sa harap ng robot na hindi na rin gumagalaw, ang kanyang metal na katawan ay animo'y pabagsak sa lapag, parang kulubot na balat. Habang ang kanyang palakol ay nalaglag na rin kung saan. Teka nga. Huminto ito? Namatay ba ito dahil sa takot sa Big Three?

"Anong nangyari?", tanong ni Hades.

"It died.", sambit ni Poseidon.

Napatalon ako dahil biglang gumawa ng ingay ang isang makinang nasa aking tabi. Mukha itong isang luma at malaking DVD player, umiilaw-ilaw ito at lumalabas ang animo'y dila niyang lalagyan ng DVD. Namatay ito at ang sumunod na nabuhay ang isang washing machine na katabi nito, umiikot ikot ito na parang may drina-dryer. Hindi ito nagtagal dahil ang katabi naman niyang makina ang umilaw at gumalaw. At sunod-sunod na ang mga makinang katabi nito, na para bang dumadaan lang ang kuryente sa kanila.

Napatingin ako sa Big Three at alam kong nahihiwagaan din sila sa nangyayari.

"Ano iyon?", tanong ko.

"Tingin ko alam ko.", sagot ni Zeus.

"Ilag!", biglang bumulahaw si Hades.

Ito ay dahil nabuhay muli ang robot.

Humampas ang palakol kay Poseidon ngunit madali naman siyang nakagawa ng water shield, pero dahil nga nagulat siya ay hindi ganoong katibay at siya'y tumilampon pa rin kung saan. Sinigaw ko ang pangalan niya.

"Hindi!", si Zeus iyon na lumutang na sa ere.

Tinaas niya ang kanyang lightning bolt at animo'y binaril ang robot. Natamaan ito sa balikat, napagalaw ito nang patalikod nang kakaunti ngunit tila hindi talaga ito na-damage.

"Nakakainis!", sigaw ni Zeus na patuloy na inaatake ang robot gamit ang kanyang lightning bolt.

Nakita kong nakatingin sa akin si Hades bago niya sinuot ang kanyang helm of invisibility at nawala sa aking paningin! Mga ilang saglit pa ay umakto ang robot na para bang may kung anong sumasabit sa kanyang katawan, dahil na rin sa halos pagdausdos nito sa lapag. Alam kong si Hades ito! At ayon na nga, lumitaw si Hades sa ulunan ng robot. Nakaupo siya sa batok nito na tila isang batang nakasakay sa kanyang ama.

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now