Chapter 11: The Lone Poseidon

379 13 6
                                    

Chapter 11 - The Lone Poseidon

MAINIT ANG HANGIN na tumatama sa mukha ni Poseidon. Nakatayo siya sa gitna ng nagngangalait na araw, milya-milya ng paglalakbay ang nasa likod niya. Inayos ni Poseidon ang straw hat na suot niya at siniguradong ang bolo na kanyang dala ay nakasabit pa rin sa kanyang tagiliran. Sinubukan din niyang tanggalin ang alikabok na bumalot sa kanyang pantaas na camisa de chino at kulay kahoy na pantalon ngunit malakas ang hangin at ang alikabok ay patuloy lang na bumabalik.

Binuksan niya ang satchel na dala niya at sa pagpitik ng kanyang kamay ay lumabas ang tubig dito, parang ahas na nakakalipad ay tumungo ito sa kanyang labi. Lumunok si Poseidon. 

Ang disyerto ay hindi nababagay sa god of the sea.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Walang oasis o kahit ano mang establisyemento sa di kalayuan, puro bato, buhangin, lupa, at ang nagniningas lamang na araw ang nasa kanyang daanan. Tama bang hindi siya nagdala ng kabayo? Higit sa lahat, tama ba ang kanyang ginagawa? Ang tumakbo mula sa Mount Olympus sa gitna ng krisis? Pero pag nagtagal pa siya doon ng kahit isang segundo ay hindi niya na alam ang mangyayari sa kanya. Ang kaniyang Guardian...si Hades...si Paris...ang sakit sa mukha ni Zeus...hindi kaya ito makita lahat ni Poseidon. Oo, marami na siyang napagdaanan, pero tama ang sinabi ni Minos na nagpanggap na si Hades. Nang mawala si Hestia, the glue that holds them together, ay nagkawatak-watak ang kanilang diwa. Napalunok si Poseidon at muling uminom. Hindi niya muna kailangan magisip ng kung anu-ano. Kailangan niya lang tumuon sa kanyang pupuntahan.

Ilang eons na rin nang huling nagawa ito ni Poseidon. Ang maglakbay magisa. Sa buong buhay niya ay nasa ilalim lang siya ng dagat o kasama ang kanyang mga kapatid. Gusto niyang masaya ang lahat, gusto niya nakangiti ang bawat isa, at minsan ay hindi siya nabuhay para sa kanyang sarili. At ito ang kapalit ng lahat, ang sakit na hindi niya alam kung paano niya mararamdaman.

Dalawang araw na ba siya naglalakad? O tatlo? Sa unang araw ay wala lang sa kanya ang paglalakbay ng malayo pero unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod. Alam niyang hindi siya mawawalan ng tubig, kayang kaya niyang kumuha mula sa ilalim ng lupa pero ang makita ang walang laman na disyerto ang nagpapahina sa kanya. Tao, ang kanyang mga kasama ang nagpapalakas sa kanya at ngayong mag-isa siya ay napagtanto niya kung gaano siya kahina...ang kahinaang ito itinatago niya sa kanyang mga kalokohan.

"Tsk!", galaiti ni Poseidon sa sarili. Hinampas niya ang kanyang sarili pero isang beses lang nang malaman niyang masakit pala ito.

Nagpatuloy siya. Ang lugar na ito ay isa sa mga maliliit na islang ilang milya ang layo sa Mount Olympus. Napakatagal na ring panahon simula nang huli siyang tumapak dito at hindi niya alam kung buhay pa ba ang kaibigang gusto niyang makita muli. Sana hindi pa rin siya iniiwan nito. Bago umalis si Poseidon sa Mount Olympus kasama si Amphirite ay mabilisang nagsulat uto ng mensahe at inipit sa ilalim ng kama ni Zeus. Nang tumungo sila sa dagat ay huminto si Poseidon at sinabi kay Amphirite na mauna na lang ito. Ngumiti lamang ang kanyang asawa at tinanong kung magiging maayos ba siya. Sumagot nang oo si Poseidon at hindi nangtanong pa si Amphirite, lumusong na ito sa tubig at sa isang iglap ay nawala. At least, naiintindihan niya ako. Dumaan sa ibang direksyon si Poseidon, gamit pa rin ang dagat (lumangoy siya dito nang sobrang bilis na tila speedboat sa ilalim ng tubig) ay dumating siya sa isang isla. Bumili siya ng kagamitan at damit na kanyang kakailanganin sa paglalakbay. Matapos nito ay tumungo na siya sa isla kung nasaan ang matagal na niyang kaibigan...na nawa ay naaalala pa rin siya.

Ilang oras ang dumaan – tatlo o apat pero tila walang hanggan ang disyertong nilalakbay ni Poseidon, mas bumabagal ang kanyang lakad at ang pawis niya ay tila wala nang paglagyan. Tumigil siya, binuksan ang satchel, at pinitik ulit ang mga kamay. Pero walang lumabas na tubig. Ubos na? Hinawakan na ni Poseidon ang lalagyan ng tubig at tinaktak ito. Wala na nga. Huminga siya nang malalim, at niluhod ang isang paa. Inilapat niya ang kanang kamay niya sa lupa at naramdaman niya ang umaagos na tubig sa kalaliman.

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VOù les histoires vivent. Découvrez maintenant