Chapter 8 : Rest in Peace

604 21 4
                                    

Isang madilim na atrium ang pinasukan ni Zeus at Poseidon. Purong puting marmol ang lapag nito pero wala itong laban sa kadiliman ng lugar. Tanging apoy lamang sa dalawang nakatayong torches ang nagpapaliwanag sa lugar — isang kahel na liwanag ang bumabalot sa magkapatid at pahapyaw itong nagpapakita ng napakataas na kisame.

Tahimik ang dalawang lumakad patungo sa gitna. Si Zeus ay parang may bakal sa kanyang likod, nakatingala siya at tinitigasan ang mukha. Habang si Poseidon ay namumugto ang mga mata pero pinipiglan niya ang sarili. Pinipigilan niya na sumabog ang kanyang emosyon. Nakasimple ng garbo ng dalawa, t-shirts, trousers at slip ons.

Ang kanilang bawat hakbang ay napakabigat, na para bang may kung anong metal na nakasabit sa kanilang mga paa. Kasama pa nito ang pagtambol ng kanilang mga puso at ang pagikot ng kanilang kalamnan. Ayaw nila...ayaw nila lumapit, pero ito ang kailangan...

Dumating sila sa gitna at nandoon ang isang kulay puting kabaong.

Nakabukas ito.

At sa loob nito ay si Hestia, walang buhay pero payapa. Ang kanyang buhok ay nakalugay at ang kanyang mukha ay napakaputi. Sakto sa freeflowing na chiton na suot niya. Ang kanyang dibdib, kung saan walang awa siyang sinaksak, ay kita ang sariwang sugat na tinatakpan ng kanyang damit.

Napahawak si Zeus sa gilid ng kabaong. Pinunasan niya ang kanyang mga mata.

"Guardian.", bulong ni Poseidon. "Sinong gumawa nito sa kanya? Hindi pwede. Hindi ito pwedeng mangyari sa kanya. Isa siyang goddess."

"Pero nangyari...nangyari ito, Poseidon. May ginawa sila sa kanya. Hindi ko maintindihan kung paano.", napalunok si Zeus. "At nawala rin si Hades. Pagdating ko sa museum na iyon ay ang duguang katawan na lang ni Hestia ang tumambad sa akin."

Humagulgol si Poseidon. Habang kinakagat ang kanyang labi ay hinablot ni Zeus si Poseidon at niyakap ito nang mahigpit.

"Hahanapin natin ang gumawa nito sa kanya. Malalaman natin kung bakit. Tatapusin natin ito...para kay Hestia."

Napatingala si Poseidon kay Zeus, ang kanyang mga pisngi ay basa ng kanyang sariling luha. Nagsalita pa si Zeus.

"Hindi, para kay Amber."

TO BE CONTINUED

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now