nayih 002

391 21 0
                                    


Jade sa multimedia :)

~~

Nayih Xi

"NOONA! MAY TAWAG PARA SAYO!"

Tamad akong bumaba ng sala  sumigaw si Jisung. Sino namang tatawag saakin?

"Hello?" I spoke as I finally got here in sala.

(Bessy!)

"Uy Jade! Napatawag ka?" Nabuhayan naman ako ng dugo doon. Syempre bestfriend ko na ang tumawag.

(Ah. Tumawag lang ako para sabihin na may lakad kami ni Stan tomorrow. You want to join us?)

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Omo, kasama si Stan?

"Sureness! May iba pa bang kasama?"

(Yup. Kasama si bes ko, si Slade. So ano,sunduin nalang kita bukas?)

"Oo naman bebe!"

(O sige , I'll hang up na. Kita kits nalang bukas. Bye bessy!)

"Bye bessy!"

Ibinaba ko na ang telepono at..

"MAKAKASAMA KO BUKAS SI STANLEY BEBE KOOOOO!"

~~~

"Oy noona, ganda naman ata ng ngiti mo? Tsaka may pupuntahan ka ba? Bakit ganyan bihis mo?"

At dahil good mood ako, sasagutin ko nalang lahat ng tanong ng gwapo (ew) kong dongsaeng

(A/N: Dongsaeng means younger brother/sister)

"Wala ka na dun no. Tsaka oo, may lakad ako kasama si Jade. Tsaka si.."

"Sino noona?"

"Stanley! Kaya wag ka nang aangal ha? Nasa mood ako ngayon. Baka pasalubungan pa kita. Atsaka teka nga, anong mali sa suot ko ha?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa suot ko.

Ayos naman ah. Crop top na color blue tapos high waisted black jeans na may rip sa bandang tuhod then black na Nike. Oh, ayos naman diba? Idagdag mo pa na naka braid ako na magkabilaan. Cute ko no?

"Aish. Sige na noona, labas ka na. Layas ka na! Babay!" Sabi saakin ng magaling kong kapatid habang tinutulak pa ako palabas. At aba, ang bastos! Sinaraduhan ba naman ako ng pinto?! Tsk tsk, bastusing bata oh.

"Aigoo, yung batang yun talaga."

Naghintay lang ako dito tapat ng bahay hanggang sa makarating si Jade. Siya kasi ang susundo saakin, naka-kotse siya. Mayaman yun eh, RK. Syempre, may personal driver sila. Mayayaman kaya ang mga Park.

Well, hindi naman maging matagal ang paghihintay ko dahil dumating na rin si Jade kaagad.  But to my surprise, hindi niya gamit ang kotse nila. Car ni Slade ang gamit.

"Hi Slade!" Bati ko sa bestfriend niya na nagda-drive. May kotse na pala to?

"Hi Nayih." Bati nito pabalik bago nag-focus ulit sa pagda-drive.

"Bessy, san si Stanley?" I asked her.

"Ah, si Stan? Nasa mall na, hinihintay na tayo." Sagot ni Bessy kaya mas lalo akong na-excite. Hihihihi.

"Sus, excited ka nanaman Nayih. Hinay hinay... ayaw nun ng babaeng nagbibigay ng motibo."

"Slade!"

Natahimik nalang ako dahil sa ka-prangkahan ni Slade. Oo, prangka yan. Maingay tapos pala-tawa.

"Eto naman, joke lang yun!"

"Pwes, hindi magandang joke."

Ayos din tong si Jade no? Siya pa yung affected eh dapat ako ang affected eh. Bestfriend nga naman.

~~~

"Tara sa Timezone, andun si Stan." Ani Slade na tinext ata ni Stan.

"Bes, dala mo ba yung timezone card mo?" Tanong ni Jade sakanya.

"Oo naman. Tara na nga, dami mong alam."

"Ang sungit mo ngayon ah!"

Napailing nalang ako sa kaingayan nina Jade at Slade. Bagay ngang mag-bestfriend.

"Eto naman. Di mabiro. Tara na nga!" Natatawang sabi ni Slade bago akbayan si Jade at naglakad papasok ng Timezone habang ako, nakasunod lang.

Pagkapasok ng Timezone ay agad na bumungad saakin ang lalaking papakasalan ko, ang forever ko. Ang gwapo gwapo niya sa suot niyang ripped jeans then black Vans and simpleng white sweatshirt.

"Nayih! Dito!"

Napalingon ako kay Jade na kasalukuyang pinapaloadan yung Timezone card ni Slade.

Nahihiya akong lumapit kay Jade na siyang katabi ni Stan. Bahagya kong hinila ang sleeves ng babaita at paimpit na tumili sa gilid niya.

"Oh em geeeee." Patili kong bulong sakanya.

"Uy. Manahimik ka nga. Mamaya ka nalang kiligin sa C.R . Maihi ka pa dito oh." Biro nito sabay hampas pa sa braso ko.

"San si Slade, Jade?"

Napatunghay ako kaagad sa nagtanong na iyon at agad akong namula nang makita si Stan. Hihihi. Ang gwapo gwapo talaga niya.

"Andun sa may karaoke booth. Baka raw kasi maunahan na tayo. Punta na kayo dun ni Nayih, susunod na ako."

O.O

Omg. Thanks talaga bessy!

"Ah, tara na Nayih?"

Omegesh. Ang gwapo po niya.

Tinignan ko pa si Jade at pasimple siyang nag-thumbs up kaya naman..

"Tara."

~~

"AND THE STORY OF US LOOKS A LOT LIKE A TRAGEDY NOW, NOW, NOOOOOOW!"

Halos mabasag na lahat ng salamin dito sa loob ng karaoke room dahil sa pagbirit ko pero wala akong pakialam. Maski pa andito si Stan. Hehe. Pero #MedyoNakakahiya rin naman. Pero atleast, napapatawa ko siya. Oo, tinatawanan niya ako. Pati si Slade.

Well, kung tatanungin niyo kung asaan ang magaling kong bessy? Eh ayun, andun sa Just Dance.

Nang matapos ang kanta ko ay nakita ko na ang score ko. Napatalon naman ako sa tuwa nang makita ang number 95 sa screen. Oh diba? Atleast, naka 95. Bongga!

"Oh, sinong susunod?" I asked the two.

Agad namang nagtaas ng kamay si Slade kaya inabot ko sakanya ang microphone bago tumabi kay Stan. Oy, wag kayo. Hindi naman as in super tabi, kahit papaano naman ay may space. Hehez.

"Ano na ulit yung title ng kinanta mo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Forever--ay este si Stan.

"Ah. Story of us ni Taylor Swift."

Wooot. Buti naman, dika na nautal Nayih.

He chuckled. Omg. Bakit niya kaya natanong? Baka naman.. omg. YUN NA ANG THEME SONG NAMIN? Omo. Ikaw Stan ha, crush mo pala--ay assuming na Nayih. Tama na.

"Bakit mo pala natanong?" Tanong ko sakanya.

Napangiti naman siya na parang may naalala bago nagsalita.

"Yan kasi yung kinanta ni Jade nung birthday ko last year sa bahay. Invited kasi yung family nila. Ang ganda nga ng boses niya nun e. Ang sarap pakinggan ng pagbirit niya."

Sabi niya habang nakatingin saakin. Wait. Saakin nga ba or..

Napalingon ako sa may bintana na nasa likuran ko and there, I saw Jade dancing happily on Just Dance.

Nagbalik ang tingin ko kay Stan at nakatingin pa rin siya doon habang nakangiti.

I sudden felt a pang on my chest pero hindi ko pinansin iyon. Iniling ko ang ulo ko dahil sa naiisip ko.

Wala naman siguro siyang gusto sa bessy ko diba? Wala naman siguro siyang gusto kay Jade? Pero.. Wala nga ba?

Nayih • i.ny & c.scWhere stories live. Discover now